55: Let's cancel the wedding

34.5K 862 62
                                    

MEAGAN PEREZ'S POV

"Anak, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Mommy.

Nandito kami ngayon sa garden, umiinom ng tea. Kinausap na siya ni Van tungkol sa paglipat namin ng bahay. Noong una, nag-aalangan pa siya kasi hindi naman ganoon kadaling lumipat at maghanap ng matitirhan pero, nang ikwento sa kanya ni Van ang nangyari kahapon, hindi na siya nagdalawang isip at pinaghanap na niya si Daddy ng bagong malilipatan.

"Opo, Mommy." Sagot ko sa tanong niya. Humigop ako sa tasa ko at saka napabuntong hininga.

"Kung ikakasal kayo ni Van, hindi ka ba malalagay no'n sa peligro? Hindi lang ito ang unang beses na napahamak ka dahil sa kanya. Baka naman ikamatay mo pa ang pagsama mo r'on?"

Napatingin ako kay Mommy at saka ko siya kinunutan ng noo. "Hindi, Mom. Don't doubt him, safe ako sa kanya."

"I don't think so, hija. What if, i-cancel natin ang plano tungkol sa kasal?" Seryosong sabi niya.

Nandilat ang mga mata ko sa narinig kong sinabi niya. "Mom!" Napagtaasan ko siya ng boses. Naasar kasi ako bigla. "Ayoko, Mommy. Hindi mababago ang desisyon kong pakasalan si Van." Paninindigan ko sa kanya.

"Sa tuwing kasama mo siya, napapahamak ka." Balik niya sa 'kin na para bang sinasabing kahit na anong tutol ko ay wala akong magagawa kapag nagdesisyon na siya.

"He's doing everything para maprotektahan ako, I know that you all know that. Hindi ko ipapacancel ang kasal dahil lang sa nangyari kahapon. Trust him!"

"Baka dahil pa sa kanya kaya ka maagang mamamatay!"

"Ang OA mo magreact, Mom! Hindi 'yon mangyayari kahit kailan. He won't let that happen."

Hindi na sumagot si Mommy. Ano ba namang pagpapacancel sa kasal ang iniisip niya? Nakakaasar a. Tsh!

Hindi ko kasabay si Van sa pag-uwi kanina. Sinamahan niya kasi si Dad na maghanap ng malilipatang bahay. Sa pagkakaalam ko, pati siya lilipat na rin para maging magkalapit pa rin kami.

"Luke, nakita mo na bang nakauwi kuya Van mo?" Tanong ko kay Luke. Nasa sala kami ngayon at nakasilip ako sa bintana para matanaw ang bahay ni Van. Para kasing wala pa ring tao, passed 10pm na.

"Hindi." Sagot niya habang nasa pinapanood ang atensyon.

Nasaan na ba 'yon? Hindi man lang ako tinetext.

"Mga anak, magsitulog na kayo. May pasok pa kayo bukas." Sabi ni Daddy. Papaakyat na siya sa taas, malamang, matutulog.

"Dad, kasabay mong umuwi si Van kanina?" Tanong ko.

"Oo. Bakit?"

"Wala po. Sige, salamat."

Bakit wala pa siya ngayon sa bahay niya? Saan naman 'yon nagpunta?

Kinuha ko ang phone ko saka lumabas ng bahay para sa malakas na signal. Dinial ko ang numero ni Van. Hindi naman ako sinasagot.

Nakarinig ako ng tunog ng motor. Nang tignan ko, nakita ko siyang pababa at nagtatanggal ng helmet.

"My Man!"

Patakbo akong lumabas ng gate para lumapit sa kanya. Ngumiti lang siya sa 'kin pero kaagad niya ring binawi 'yon.

"Tumatawag ako sa'yo, bakit hindi mo sinasagot?" Tanong ko sa kanya. Ikinawit ko sa kanan niyang braso ang kamay ko.

"Nakasilent."

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now