5: Axe Gang

56.1K 1.6K 114
                                    

Meagan’s Point of View


Take me back to the house in the backyard tree
Said you'd beat me up, you were bigger than me
You never did. You never did.
Take me back when our world was one block wide
I dared you to kiss me and run when you tried
Just two kids, You and I
Oh my, my, my, my.

Malakas na tumutugtog ang kantang Mary's Song (Oh my, my) ni Taylor Swift sa iPod ko. Kasalukuyan kasi akong nasa classroom ngayon. Wala pa kasi ang professor namin. Si Abbi naman, gumagawa ng report nila para sa ICT. Mamaya na kasi 'yon. Nakalimutan niya kasing gumawa ng powerpoint presentation kaya naman aligagang-aligaga siya ngayon.

Mabuti nga't ilang araw na ring tahimik ang buhay ko. Hindi ko kasi nakikita ang malas na Van na 'yon. Mahigit isang linggo na rin siguro.

Habang nakikinig ng kanta, naramdaman kong may kumulbit sa likod ko. Tinanggal ko ang earphone ko at hinarap ang nangulbit sa ‘kin.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya.

“Kanina pang may naghahanap sa ‘yo sa may gate.” Sabi ng kaklase kong si Amy.

“Sino raw?”

“Hindi ko kilala e, pero gwapo.”

Halos kuminang ang mga mata ko nang banggitin niya ang salitang gwapo. Iisang tao lang kasi ang naiisip ko kapag sinasabi ang salitang ‘yan.

Si Drake. Long time crush ko!

“Sige, Amy. Salamat.”

Hindi ko maitago ang mga ngiti ko. Excited akong tumayo para tunguhin ang gate.

Sana nga si Drake ‘yon! Please.

Pero.., naisip ko,

Bakit hindi niya nalang ako pinuntahan dito sa room kung siya nga iyon? Talagang kailangan sa gate pa?

“Dalhin niyo na siya rito! Importante lang, please.” Boses ‘yon ng isang lalake at hindi iyon ganoong kapamilyar sa akin.

Bakit ba nagkukumpulan ang mga babae rito sa gate? Hindi ko tuloy makita kung sino yung naghahanap sa 'kin na tinutukoy ni Amy?

“Myghad! Ang gwapo na nga, ang sarap pang pakinggan ng boses.” Sabi ng babaeng naka-full bangs. Nakatingkayad siya habang sunod-sunod na pinipindot ang camera niya para kumuha ng larawan.

“Ang hot mo, kuya! Dito ka nalang mag-aral, please.” Sabi naman ng babaeng kulot.

“Pogi, ako nalang ang hanapin mo!” Sabi naman ng isa pa.

Argh, ano ba 'to? Nakakainis naman sila. Ang haharot. Akala ko pa naman makikita ko si Drake rito. Makaalis na nga lang!

Humakbang na ako pabalik sa room namin.

Hindi pa man din ako nakalalayo, may tumawag na kaagad sa pangalan ko.

“Meagan Perez! Meagan Perez, lumabas ka!”

Napalingon ako sa tumatawag sa pangalan ko. Nahati ang daan at nakita ko kung sinong pinagkakaguluhan at siyang tumawag sa ‘kin.

“Carlo?” Hindi makapaniwalang sabi ko.

Oo, si Carlo nga na kaibigan nung gangster na si Van. Anong ginagawa niya rito?

Para siyang natanggalan ng tinik sa lalamunan nang makita niya ako. Malalaking mga hakbang ang ginawa niya papalapit sa ‘kin at saka ako hinawakan sa braso't hinatak papalabas ng campus.

Nagkaniya-kaniyang pagmamaktol ang mga babae. Karamihan sa kanila'y humihiling na sila nalang ang hatakin ni Carlo.

O sige, kayo na rito! Akala niyo naman hindi gulo ang mitsa ng mga lalakeng ‘to.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon