18: Thug of war

48.4K 1.2K 81
                                    

MEAGAN'S POV

Sabado na ngayon pero, nandito kami sa school dahil nagvolunteer kami ni Abbi na tumulong sa tree planting project ng University namin. Bigla kasing nag-aya 'tong si Abbi na sumama dito. May plus points daw kasi sa tatlong subjects kapag tumulong. If I know, may iba pang dahilan ang gagang 'to. (_>>)

"Okay, all of you listen. Magkakaroon tayo ng camping this incoming December. It's a three days, two nights camping. It's a Field Training Exercise. All of you are having two choices. It's either you will join in the camp, or you will be teaching out of school youths in three months. But don't worry, it's only once a week. But if I were you, I will choose to join in the camp. Why? Because you'll be experiences different activities na tiyak e mag-eenjoy kayo." Mahabang paliwanag ng prof namin sa NSTP na si Sir Nikko.

May camping na naman pala. Sana naman sa malayo layo nang lugar.

"Bakla, sama tayo diyan ha?" Tinapik pa 'ko sa likod ni Abbi.

"Oo naman. Ayokong magturo sa mga out of school youth e. Hassle sa schedule 'yon."

Kung ano ano pa ang mga sinabi ng professor namin sa harapan. After niyang ipaliwanag ang tungkol sa camping at LTS, sunod niyang diniscuss ang mga parts ng school na tataniman namin ngayong araw. Madami dami ding lugar ang sinabi niya. Tiyak, paguran 'to. Volunteerism pa more! =___=

Habang nagtatanim, pansin na pansin ko ang malikot na paggalaw galaw ni Abbi. Para siyang kinukurot sa ano niya. Hindi malaman kung kinikilig o ano.

"Ano ba, Abbi! Anong nangyayari sa 'yo? Para kang special child a."

"E keshe nemen e. Tegnen me se-"

"Ayusin mo nga 'yang pagsasalita mo! Huhugutin ko 'yang dila mo." Banta ko sa kanyang ganon. Parang sinasapian ang babaeng 'to.

Pabebe siyang tumakbo papalapit sa 'kin at saka bumulong sa tenga ko.

"Tignan mo kasi si Kurt. He's staring at me kaya. Kinikilig ako, hihihi." Impit pa siyang nagtititili sa tenga ko.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Kurt. Walanghiyang 'to! Balak pa yata niyang isama sa koleksyon niya ang kaibigan ko.

"Hwag ka ngang tumingin dito, Kurt." Taas kilay na sabi ko. "Wala kang mapapala kay Abbi kaya, tsupi." Dugtong ko pa.

"Grabe ka naman, Babs." Ngumuso pa si Kurt. Muntanga! =____=

"Oo nga, bakla. Grabe ka. Titingin lang e." Pagsang-ayon pa ni Abbi.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hwag kang magpapaloko sa mukha ng taong 'yan, maraming nabiktima 'yan, ano ka ba?"

"Hwag kang maniniwala kay Babs, Abbi." Kumindat pa si Kurt sa kanya. Si Abbi naman, may nalalaman pang patakip takip ng bibig dahil sa pagkakilig.



@#$%&*-+()



Hayaan na nga sila, tch! Malalaki na 'yan e.

Anyway, nandito nga din pala yung pitong ugok at sumama sa pagtatanim. Nang malaman kasi nila na nagvolunteer kami ni Abbi, agad agad din silang nagpalista. Ewan ko ba sa mga 'to. Hindi malaman kung over protective o ano. (_>>) Para naman akong mamamatay sa pagtatanim e.

"Meagan."

Napalingon ako sa lalaking tumawag sa maganda kong pangalan.


Gosh! O///O


"D-Drake, ikaw pala." I smiled at him. Nandito rin pala siya.

"Gusto mong tulungan kita d'yan?" Alok pa niya.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon