Team Mass Writing

342 7 3
                                    

Do not mind the Team's name and the word "case", they are just there because we are huge fans of Trese and it's fun playing with words. Hahaha. 

***


Case 1: Tanging Yaman

Mas lumalayo ang distansya ng barkong sakay ng amang manglalayag, ngunit ang distansya niya sa kaniyang anak ay lumalayo rin. Kahit na walang tigil ang pagpapadala ng kaniyang pamilya ng mga mensahe gamit ang social media, nalulungkot siya tuwing naiisip na hindi niya masasaksihan ang paglaki ng anak. Kapag binabasa niya ang mga sulat ng anak, sumisidhi ang damdaming manatili sa Perlas ng Silangangan. Kaya, napagdesisyunan niyang umalis sa trabaho.

"Tahan na anak," saad niya sa umiiyak na anak at ngumiti dahil makakabalik na siya sa kanilang tahanan kasama ang tanging yaman niya sa mundo—ang kaniyang pamilya.

***


Case 2: Luhaang sugat bilang panulat

Isa kang manunulat na naatasang maglakbay sa kalawakan upang makapaghanap ng katotohanan tungkol sa ibang mundo---kasama mo ang iyong kaututang-dila upang siyang maging katuwang mo sa gagawing pagtuklas ng mga kakaibang bagay . . . sumakay kayo sa sasakyang pangkalawakan ngunit isang kaahasan ang nangibabaw sa iyong kahiramang-suklay---iniwan ka niyang mag-isa sa isang mundong bilang ang iyong paghinga habang dala-dala niya ang isang planong tunay mong hindi ikatutuwa bilang isang manunulat. Habang nasa isang mundo kang hindi maarok ng iyong diwa kung anong uri ng lugar ang iyong kinatatayuan, kasing dami ng buhok ang mga hukbo ng salitang gumugulo sa iyong isipan . . . nangangati rin ang iyong mga kamay na hindi mo mo maintindihan ang dahilan--- ang nais mo lamang pala'y isang papel na mapagsusulatan at isang panulat upang mailabas ang mga salitang nagwawala sa kaibuturan ng napakalawak mong haraya.Hilong-tatilong kang naghanap ng panulat ngunit isang patalim ang iyong nakita---ito'y yari sa batong 'sing kulay ng butil ng likidong nagmumula sa isang sugat, nangalkal ka rin ng maaaring pagsulatan subalit wala kang nahagilap ni isa . . . kung hindi isang hamak na lapag na kulay bughaw. Napahiyaw ka, nais mong isulat ang bawat katiting at anggulong iyong nakikita---naisip mong sugatan ang iyong sarili gamit ang patalim na mula sa isang nabiyak na bato, kumikislap ito na tunay na nakapang-aakit tingnan . . . ginamit mong tinta ang sariling dugo---nagpatuloy ka sa pagsusulat at hindi mo mapigilan ang iyong sarili . . . nanghihina kang isinulat sa lapag na kulay bughaw ang bawat letra habang sumasabay sa ritmo ng pag-indayog ng iyong kamay at imahinasyon---patuloy din sa pagdanak ang iyong dugo . . . luhaan ang iyong sugat na siyang naging kasangkapan ng pagbulwak ng mga salita. Ako na isang manunulat na binuhay ka bilang aking kawangis ay ipinaranas sa iyo ang hinangad kong maganap---ang iyong kahiramang-suklay ay hinayaan kong burahin ang iyong mga katha sa mundo ng daigdig na tunay ninyong pinanggalingan----sa iyong kamatayan ay nakabuo ka ng panibagong istorya . . . bago ko pa maibagsak ang sariling pluma . . . ay aking nawika, "kaya mong burahin ang isinulat ng isang manunulat ngunit, hindi mo kayang burahin ang nakasulat na isa siyang manunulat," nagtapos ang iyong kuwento habang nanatili sa iyong puso ang pagiging manunulat---nang matuldukan ko ang sa iyo'y sumabay ang pagtatapos ng sa akin . . . at kagaya mo---ano man ang mangyari manunulat tayong kayang gawin ang lahat sa sariling isinulat na kuwento at ito'y nakatadhanang itarak sa ating puso.

***

Case 3

(no entry)

***


Case 4: Ang pag-ibig kong ito

Mayroon akong nais pero hindi nila gusto; mayroon silang nais pero hindi ko gusto.

Naghuhumiyaw sa aking isip ang kanilang mga tinig; patuloy, walang-humpay na inuusig ng kanilang sinambit na mga salita.

Sa pagnanasa ko wala raw akong mapapala, sa'n na pag-asa?

Sa bandang huli, pinatay ko ang aking sarili para sa kanilang paghinga.

Ngunit, parating hungkag, muli kong hinarap ang panahon ng mga sandata na aking tinakbuhan at pilit na pinadaloy ang buhay-likido sa mundong aking tinalikuran    

Catharsis III: Round TwoWhere stories live. Discover now