Venus

17 2 2
                                    

Ako yung tipo ng taong di sumusuko. Marami akong priorities pero I don't see my self quitting. Lahat ng ginagawa ko, lahat ng malapit sa puso ko, pinapahalagahan ko ng sobra.

It was my second year in high school when my first ever pageant was held. First time kong sumali sa beauty contest so I was so nervous. The program was witnessed by the whole school, my classmates, my teachers, and my parents. Alam kong pinagtripan lang ako ng mga kaklase ko. Di ko pa alam non na maganda pala ako at sobrang mahiyain ako bes. They were so proud kahit di naman ako nanalo. I made it to the top 10. I answered the question but I didn't made it to the top five. But I was happy because the people who's closest to my heart were at my side.

Nagpatuloy ako sa pagsali sa school hanggang sa umabot na ako sa baranggay, city, and even bigger events and as the years passed by, I learned to love what I do, I loved being a beauty queen. Nakailang panalo na din ako at mas nadadagdagan pa ang self confidence ko.

It's my dream to be a lawyer. I took up legal management in college. I still join beauty contests and I even entered modelling. I really love what I do so I didn't give up to reach my dream to be a lawyer and still pursue the world of pageants. In fact, I even won as Miss University when I was in third year.

Sa pagdaan ng panahon, hindi ko napansin na mas natutuon na pala yung focus ko sa passion ko sa modelling and contests. Hindi ko napansin na nawala pala ako sa honor roll nung high school. Hindi ko napansin na ilang beses na ako nagkaroon ng tres at di man lang nakasama sa Dean's list. Hindi ko napansin na nawalan na pala ako ng time sa parents ko at sa friends ko. Lahat ng free time ko, nasa modelling kapag wala akong contest na sasalihan. Lahat yon hindi ko napansin kasi nabulag ako sa kasikatan at sa panandaliang saya na naibigay sa akin ng passion ko.

I survived my pre-law. I know that deep down in my heart, I am very disappointed to my self. Hindi ako nakakuha ng latin honors which would very essential in entering law school. Simula noon, doon ko kinuwestyon ang sarili ko pati na ang mundo. Bakit? Bakit may mga bagay na kailangan mabalewala at bitawan para lang makuha mo yung isa? Bakit palaging isa lang dapat? Pati ba sa pangarap lilimitahan pa?

Natapos ang first sem ko sa law school. Ipinatawag ako ng dean at kinausap ako.

"Ms. Venus Briones, are you aware why you're here? All your professors see your potential but your heart is not in the field of law and justice. I'm sorry but we need to-"

Hindi! Hindi pwede to! Yan ang nasa isip ko nung mga panahong iyon.

Naalala ko yung promise ko sa lolo ko. Magiging lawyer din ako katulad nya. Naalala ko yung mga panahong lagi kong ipinapagtanggol ang tama. Ayokong nakakakita ng mga taong naaagrabyado. Ayaw kong nakakakita ng mga taong nawawalan ng pag-asa nang dahil lang walang nagtatanggol sa kanila.

"Please sir.."

Noong mga panahong iyon, nagdesisyon agad ako. Kahitnna maraming 'bakit' at 'paano', nagsikap ako. Kailangan ko at gusto ko na maging abogado.

Pero bakit nga ba kailangan nating mamili ng landas na tatahakin? Hindi ba pwedeng dalawa? I never imagined that in some point of my life, I needed to be a quitter. Di ko pa din maiwasan magtanong. Bakit?

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa isang coffee shop. Nakita ko naman ang hinahanap ko at ngumiti dito.

"Good afternoon. I am Attorney Venus Briones, your lawyer"

Bakit (One-shot Stories Collection)Where stories live. Discover now