Kiel

21 2 4
                                    

Hindi ko inaasahan na matapos ang ilang taon, dadalhin ulit ako ng aking mga paa sa lugar na ito. Matagal ko na itong gustong kalimutan. Lahat lahat kasi nandito. Dito umikot ang buhay ko sa loob ng halos apat na taon.

I know that this situation is so cliché, but I didn't know na masakit pa rin pala.

Napatingin naman ako sa paligid ko. Ibinuhos ko ang pagmamahal ko sa lugar na ito. Pero ngayon, sa oras na nakikita ko ang paligid, ang bigat sa pakiramdam.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang mapunta ako sa tapat ng isang room. Sa isang silid na dating tahanan ng choir. Doon ako nag-audition, doon nagsimulang maging parte sila ng buhay ko.

Noong araw na iyon, agad akong tinanggap sa grupo nila. Noong nalaman ko na nangangailangan sila ng mga bagong miyembro para sa choir, hindi ako naging interesado. But I suddenly remember the choir in our church. I always dream of being one of those singers kahit hindi naman ako magaling kumanta. Sobrang humahanga kasi talaga ako sa harmony na nagagawa ng isang chorale.

Halos mag-eend of school year na nang tinanggap ako at ilan pang aspirants. Naging mailap ako sa kanila. Hindi ako nakikipag-usap maliban na lang kung tinatanong nila ako. Halos lahat kasi ng old member ay kilala sa buong campus. E ako, isang estudyante na humahanga lang naman sa kanila.

Sa itaas ng silid na iyon ako sumunod na nagpunta. Ang lugar na kinatatayuan ng Audio-Visual Room.

Nagkaroon ng seminar noon kahit nga patapos na ang taon. Sa mismong lugar na yon kami nagtipon. May nagpuntang isang kilalang chorale sa school namin at sila nga ang nagbigay sa amin ng tips. Lalo na sa aming mga baguhan. Pero nung araw na yon, I didn't learn how to sing well, but instead learned that beyond the group's beautiful harmony, they share the bond more than a family could have.

Napagalitan kami ng conductor na nagseseminar dahil na-late kami sa binigay niyang oras para tapusin ang lunch namin. But instead of blaming one another, the old members stayed as one and humbly walked inside the room and asked for forgiveness. Hindi nila hinayaang matapakan ang isa sa kanila at bumaba ang tingin ng iba sa grupo. And that was the day I started to admire them even more.

Napaupo naman ako sa lobby ng main building. Naalala ko, dito kami madalas na tumatambay kapag tapos na turuan ng conductor namin ang aming voice section.

"Guys!! Tingnan nyo yun. Dali!" Sabi ni ate Vien. Napatitig kami sa tinuro nya. Halatang nagpipigil ng tawa si kuya Sai.

"Oyy bata pa masyado si Kiel. Takpan nyo mata nyan." Natatawang sabi nya.

One of the most unforgettable moment there is seeing two people making out. They're doing it on a tent at the side of the quadrangle. We were young back then so what we did is we laugh at them because they didn't realized that they had been seen.

"Naku. Panigurado next year maingay na din yan si Kiel. Tingnan nyo si Leo. Ganyan din yan dati e." Patungkol ni ate Marty samin ni kuya Leo.

Pangalawang taon ko na pero nanatili akong tahimik. Konti pa lang ang close ko talaga pero nakakausap ko na yung iba. Yun nga lang, tipid pa rin ako magsalita. Pero sobrang bait nila. Madalas silang nagbibiruan kasama na din yung conductor namin.

Pilit kong inaalala kung bakit humantong ako sa ganitong desisyon. Kasi kung iisipin talaga, masaya ako sa mga panahong kasama ko sila. Yun yung naging buhay ko sa loob ng halos tatlong taon.

Kaya pilit ko talagang tinatanong sa sarili ko kung bakit nagkaganyan? Bakit nagkaganito? Akala ko kaya kong humawak hanggang dulo. Pero bakit di ko nagawa.

Di ko naman namalayan na nakarating na pala ako dito. Sa lugar na matatawag namin na sariling amin.

I was in my second year on that group when we had our own practice room. Maybe not as large as the board room. But this space is enough for us.

Masaya pa ako nung mga panahong yun. Although hati na yung oras ko dahil sa pagsali sa ibang orgs but I remained dedicated 101%.

May mga bagay na akala ko dati ay hindi ko magagawa. Pero nang dahil sa kanila, nagawa ko yun. Naranasan kong umuwi ng lagpas hating gabi kapag may malayuang contest. Naranasan kong magsinungaling sa mga magulang ko at sila ang idinadahilan ko kapag umuuwi ako ng gabi na. Sinasabi ko na nagpractice kami kahit kwentuhan at foodtrip lang naman ang nangyari. Naranasan kong uminom. Di naman nila ako pinilit but I tried half a bottle. Besides, light beer lang naman.

Those were little things but significant for me. Halos itakwil ako ng mga kaklase ko dahil lagi na lang ako focused sa choir. Umabot sa point na isang beses, di kami pinapirma sa attendance nung intrams kasi andon lang kami nakatambay sa practice room. But who cares? Masaya ako.

Kaya nga di ko maiwasan maitanong kung ano ba ang nangyari. Kung bakit ngayon, heto ako bumabalik sa lugar kung saan isa na lamang alaala. Binabalikan ang mga pangyayaring masyado nang matagal na tapos.

Pangatlong taon ko na sa grupo nang magbago ang lahat. Nagsimulang mawasak yung samahang nagsimula bago pa man ako makapasok sa grupong iyon. Masakit. Lalo pa't minahal ko. Minsan naiisip ko na ang tanga ko kasi imbes na hanapin yung isang tao na pagbubuhusan ko ng pagmamahal, nanatili ako sa pagmamahal sa isang grupo.

It started when our conductor loses his passion to the group. For some reason, medyo nawala yung tatay namin. Para kaming mga anak na pilit inaabandona ng isang magulang. Pero kumapit pa rin kami. Kumapit pa rin ako sa posibilidad na maaayos pa. Gumawa kami ng maraming paraan. Nandyan yung dagdag effort kapag may practice at pagkakaroon ng open forum. Pero wala. Walang nangyari.

Then one day, there comes this event that hit me really hard. He asked us kung i-dissolve na lang daw ba. I was shocked. It was like I couldn't say anything that time. But I forced my self to speak. I give words full of motivation. We told different sorts of explanation. But even so, I was hurt.

"Kuya Kiel!! Sure na ba talaga?" Tanong ni Elle. Tinanguan ko na lang sya.

That's when I decided to leave. Yes, I stayed until the last month to finish the year. It was hard being with them when I know that I will abandon them at the end.

That happened a couple of years ago but its still on my mind. I always think of how would it feel to leave the group because I saw other members leave when they have to move up. But until now, 'di pa rin ako sanay.

So here I am. Still asking the same thing. "Bakit nagkaganyan? Bakit nagkaganito?"



--------

Sorry for the typos and wrong grammar.

-Clivis

Bakit (One-shot Stories Collection)Where stories live. Discover now