Chapter Eighteen (part 1)

34.5K 543 13
                                    


KADALASAN ay hindi na kami nagpupunta sa batis pagkatapos ng hapunan. Kaya nagulat ako nang makitang marami pa rin palang guest ng resort ang naliligo sa iba't ibang batis pool kahit ganoong oras na ng gabi. Katunayan ay mas maraming tao kaysa sa hapon. Nag-e-echo ang mga usapan at halakhakan ng iba't ibang grupo. Sumasabay sa tunog ng umaagos na tubig ng batiss mula sa kabundukan.

Pero sa pandinig ko ay walang mas iingay pa sa mabilis na tibok ng aking puso. At duda ako kung mapapawi ng tubig ang matinding init na pakiramdam ko ay sumisingaw na sa katawan ko mula pa kanina nang nasa cottage pa kami. Paano ako kakalma kung alam kong hindi lamang paliligo ang gagawin namin doon ni Martin?

Ni hindi niya ako hinayaang magpalis ng swimsuit. Humatak lang siya ng dalawang tuwalya para sa amin. Saka hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas ng cottage.

"Paano ako lulusong sa tubig, wala akong panligong suot?" sa wakas ay nagawa kong sabihin nang nakatayo na kami sa tabi ng railing ng lover's pool na sa kabutihang palad ay walang naliligo sa mga sandaling iyon.

Isinabit muna ni Martin ang mga tuwalya sa railing bago ako tiningnan at sumagot, "Hubarin mo lahat ng suot mo."

Nanlaki ang mga mata ko at parang umangat sa lalamunan ko ang puso ko. "L-lahat?"

Sa kabila ng dilim ay nakita kong ngumiti si Martin. Kuminang kasi ang maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. "Oo lahat. Hindi mo pa nasubukan mag skinny-dipping?" Hinubad niya ang pang-itaas. "Masarap mag-swimming ng walang kahit na anong suot." Sinunod niyang tanggalin ang pagkakabutones ng pantalon niya. Nang marinig ko ang tunog ng ibinabang zipper ay napanganga ako.

"Seryoso ka?" Lumingon ako sa daang pinanggalingan namin. "Paano kung may dumating para maligo rin dito?"

"That's exactly why it feels good to swim naked, Joy." Bumalik ang tingin ko sa kaniya dahil nahimigan ko ang amusement sa boses niya. Ngiting ngiti pa rin si Martin. "It's the thrill of the possibility of getting seen. Ganoon din naman ang punto ng huling pantasya na isinulat mo, hindi ba? You find the idea of people seeing you getting fucked outdoors."

Uminit ang mukha ko. "Not people seeing me. But the possibility of getting caught. M-magkaiba iyon."

Bahagyang natawa si Martin. Na para bang natutuwa siya sa sitwasyon. Hindi katulad noong dalawang beses na ginawa namin ang nasa listahan ko na sa simula ay parang doktor magsalita, ngayon ay mas relax siya. "Para sa akin pareho lang iyon," sabi pa niya at tuluyang hinubad ang pantalon. Kasunod ang boxer's short. Napasinghap ako. Hinubad talaga niya lahat!

"So? Hindi mo kaya?" may paghamon sa boses niya.

Kumunot ang noo ko. May pakiramdam ako na aware si Martin na kapag ganoon ang tono na ginagamit niya ay napapapayag niya ako.

"Come on, be bold. Alam ko sa loob mo ay may matapang at daring na babae," susog niya sa akin.

Lumunok ako at huminga ng malalim. Saka sinimulang hubarin ang blouse na suot ko. Nahuli ko nang mawala ang ngiti ni Martin at mahigit niya ang paghinga bago ko tuluyang mahubad ang pang-itaas ko.

"You're wearing it," anas niya.

Pinaraan ko ang mga daliri sa corset na suot ko, sa bahaging dibdib. "Yes. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na isuot ito palagi? Though tuwing dinner ko lang ito nasusuot."

"Hindi ko napansin."

Bahagya akong natawa. "Of course not. May damit ako sa ibabaw nito."

PATIENT X (R-18)Where stories live. Discover now