Chapter Two

49.5K 772 23
                                    

note: super SPG


NAGSIMULA ang lahat sa isang itim at revealing na silk dress.

After party ng matagumpay na fashion show ng designer na si Anton Rump. Ang may-ari ng boutique kung saan ako nagtatrabaho. Imbitado ako at ang iba pa niyang staff sa party na ekslusibo lamang sa mga modelo, production crew ng show at sa mga VIP guest. Imbitado rin si Lizzy na isa sa mga stylist na tumulong kay Anton para maging matagumpay ang fashion show.

Ang plano ko nang gabing iyon ay dumalo sa party suot ang normal kong kasuotan. Jeans, pumps at ang blouse na gawa ni Anton na iniregalo niya sa akin noong naka-isang taon ako sa trabaho. Pero nang makita ako ni Lizzy ay bigla niya akong hinatak sa isang dressing room. "Hubarin mo iyan. Ito ang isuot mo. Bilisan mo para malagyan din kita ng make-up," sabi ng kaibigan ko. Nang tingnan ko ang inabot niya sa aking dress ay nanlaki ang mga mata ko. Isa kasi iyon sa inirampa kanina sa fashion show. At isa sa paborito ko sa bagong collection ng boutique namin.

"Lizzy," singhap ko habang pinagmamasdan iyon. Maganda at classy ang damit. Mababa ang neckline niyon. Ganoon din ang tabas ng likuran. At ang laylayan, kahit hanggang sakong ay hanggang kalahati ng hita naman ang magkabilang slit. "Babagay ba ito sa akin?"

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Lizzy. "Shut up. Bagay sa iyo iyan. That dress is made for your body type." Sabay turo niya sa dibdib ko. "Gusto kong makitang isuot ang damit na iyan ng babaeng malusog ang boobs. Besides, gusto kong maganda ka ngayong gabi."

"Pero bakit?" tanong ko pero nagsimula na maghubad. Hindi rin naman kasi ako titigilan ni Lizzy hangga't hindi ko sinusuot iyon. Isa pa, gustong gusto ko talaga ang damit na iyon.

"Ipapakilala kita kay James."

Napahinto ako at manghang napatingin sa kaniya. Ngumisi ang kaibigan ko. "Oras na para gawan ng paraan ang pagsinta mo sa kaniya. And I want you to be so gorgeous he will not be able to resist you. Malay mo, magkaroon ka na ng sex life sa wakas."

Uminit ang mukha ko pero sumikdo naman sa antisipasyon ang puso ko. Kinakabahan akong makaharap at makilala ng personal si James pero hindi ko tatanggihan ang alok na iyon ng kaibigan ko. Lumunok ako. "Papansinin kaya talaga niya ako?"

"Of course! Ako ang bahala. Ipapakilala kita sa kaniya pagdating na pagdating natin sa party."

Pero hindi natupad ni Lizzy ang pangako niyang iyon. Pagpasok pa lang namin sa club kung saan ginaganap ang after party ay may isang kakilala nang humatak sa kaniya kaya nagkahiwalay kami. Naiwan tuloy akong nakatayo sa entrada at medyo naiilang sa tinging ipinupukol ng mga lalaking nasa malapit. Lalo na ang tingin nila sa dibdib ko. Pinigilan ko ang udyok na takpan ang sarili ko. I don't want to ruin the dress by doing that. Ako pa rin ang manager ng boutique namin at kahit hindi ako modelo, tungkulin kong pagmukhaing maganda ang likha ni Anton kapag suot ko. Kaya taas noo akong naglakad patungo sa bar counter. Doon ko hihintayin si Lizzy.

Umorder ako ng baso ng martini, sinimsim iyon habang iginagala ang tingin sa karagatan ng mga taong nagsasayaw sa dance floor. Tulad ng dati, sa tuwing alam ko na nasa iisang lugar kami ay hinanap agad ng mga mata ko si James. Naubos ko na ang laman ng bagong hawak ko ay hindi ko pa rin nakikita kahit dulo ng buhok niya.

Hindi kaya nasa kung saan na siya at may kasamang babae? Napaorder ako ulit ng martini sa naisip ko. Iginala ko ulit ang tingin sa paligid, ngayon ay sa madidilim na sulok na, kumikirot ang puso at nagtatalo ang kagustuhang makita siya at ang pag-asam na wala siya sa mga parteng madilim dahil ang ibig sabihin 'non ay siguradong hindi siya nag-iisa.

PATIENT X (R-18)Where stories live. Discover now