Chapter Four (warning: SSPG)

64.5K 699 25
                                    

AKALA ko hindi ko na makikita pang muli si James. O kung makita ko man siya ay siguradong hindi na niya ako papansinin. Na para bang walang nangyari sa pagitan namin. As if he didn't make me come in the middle of the dance floor, with a crowd of people around us.

Isang buwan ang lumipas na naiisip ko na baka panaginip lamang ang lahat. Na nag-hallucinate lang ako. Pero ang karanasang pinagdududahan ng isip ko, pinatototohanan naman ng katawan ko. Mula nang gabing iyon ay parang laging hinahanap ng katawan ko ang haplos niya. Ang balat ko, tila ba palaging sensitibo, kaunting friction lang ay parang kinokuryente. Everyday I feel on edge and unusually hot. O kung magiging prangka at gagamitin ang termino ni Lizzy na hindi ko naisip na gagamitin ko para sa sarili ko, horny.

I'm horny. At bawat araw na lumilipas ay torture para sa akin.

At kung kailan akala ko ay ikamamatay ko na kapag hindi ko pa naramdaman muli ang halik at haplos ni James ay saka siya biglang sumulpot.

Gabi. Kasasara lang ng boutique at pauwi na ako. Naghihintay siya sa labas. Nakasandal sa gilid ng kotse niya. Sumikdo ang puso ko nang makita siya. Ang katawan ko parang sinilaban at agad nag-react nang sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang magtama ang aming mga mata.

Dinala niya ako sa isang fine dining restaurant. Nag-order siya ng wine. Inalok niya ako na umorder ng kahit na ano pero alam kong hindi ako makakakain sa labis na tensiyon at pagkasabik na muli siyang nakita kaya tumanggi ako.

Relaxed na relaxed siya. Kaswal. Na para bang kahapon lang kami huling nagkita. Kahit ang pag-inom ng wine, ninanamnam niya. Habang ako ay hindi mapakali sa kinauupuan ko. At alam ko na aware siya sa nararamdaman ko. Nakikita ko sa kislap ng kanyang mga mata. Sumimsim siya ng wine saka ngumiti. "Bakit hindi mo iniinom ang sa iyo? Ayaw mo ng red wine?"

Sinulyapan ko ang kopita na may lamang pulang likido. Pero hindi ko iyon magawang hawakan at inumin. Mariin kasing nakakuyom ang mga kamao ko sa kandungan ko.

"O may iba kang gusto?" Ibinaba ni James ang kopita ng wine. Saka dumukwang at inilapit ang mukha sa akin. "Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo," usal niya.

Agad na bumaba ang tingin ko sa mga labi niyang ilang pulgada na lamang ang layo sa mga labi ko. Wala akong ibang maisip kung hindi isang halik. Isang masuyo at romantikong halik na magpapalambot sa mga tuhod ko at magpapalipad ng mga paru-paro sa sikmura ko.

Bigla ay habol ko na ang aking paghinga, hindi maalis ang tingin sa mga labi nya. Bahagya siyang ngumiti. "Iyan ang gusto mo?"

Kumurap ako, bumalik sa kasalukuyan ang isip na pinalalabo ng labis kong atraksiyon kay James. "Wala pa akong sinasabi."

Umangat ang isang kamay niya at pinaraan ang likod ng palad sa pisngi ko. "Hindi mo na kailangan magsalita. Alam ko na mangyayari ito."

"A-alam mo?"

Lalong umangat ang gilid ng kanyang mga labi. "Ano ang gusto mo? Halik? Haplos?" Lalo pa niyang inilapit ang mukha at magaan na dumausdos ang mga labi niya sa pisngi ko, papunta sa tainga ko. Napapikit ako sa sensasyong dulot ng mainit na mga labi niya sa balat ko. "Sa nakaraang mga linggo, binabalik-balikan mo ba sa isip mo ang gabing iyon sa gitna ng dance floor? When I made you come with my fingers?" mapang-akit na bulong niya.

Humagod ang init sa katawan ko, patungo sa tuktok ng mga dibdib ko at gumuhit pababa sa pagitan ng mga hita ko. "Oo," pabuntong hiningang sagot ko.

Naramdaman kong lumawak ang ngiti niya dahil nakalapat pa rin sa tainga ko ang mga labi niya. "Did the memory made you ache? Did you lie in bed at night and crave for my touch?" Pinagdikit ko ng husto ang mga hita ko. Lalo na nang magaan niyang halikan ang tainga ko, saka ang pisngi ko at dumapo sa gilid ng mga labi ko. Nakakalasing ang mainit at mabango niyang hininga. Magkahalong mint at wine. "Did you fantasize about me? How wet do you get every time you think of me? Sagutin mo ako, Joy."

PATIENT X (R-18)Where stories live. Discover now