Part 5: Best Friends?

78 8 1
                                    

Ria's POV

Kriiing...Kriiing...

"Hmm..Argh that d-arn stupid alarm clock.." Ang sarap ng tulog go ginigising ako.

Kriiing...Kriiing... 

"Eeehh! SHUT UP!!" Nakakabw!s-t na tong alarm na to! Ang sakit nga ng ulo ko ehh! Isa pang ulit jan itatapon na kita.

 "Kriiing...Kriiing..." Ulit nito, kaya napabangon ako at kinuha ang alarm clock at ibabato ko sa basurahan katabi ng pinto ko.

"Eeeehhyyaaahh! Bw!s-t, sabing wag akong istorbohin ehh--" Paglingon ko si kuya nakatayo dun sa pinto kaya napafreeze ako sa gulat at unti-unting binaba ang kamay ko.

"Itatapon mo na agad? Kaya pala nauubusan na tayo ng alarm clock dito ehh, sa basurahan napupunta." Sabi ni kuya na patawatawa pa at parang nang-aasar. Sabay balik ko ng paghiga at nagtabon ng kumot.

"Eehh, kuya ang aga-aga ohh. Labas na kuya." Nagulat ako ng biglang may humila ng kumot ko. "Kuya!" Angal ko.

"Papasok ka ba hindi?" Sabi niya. Tumayo ako at hinila yung kumot sa kanya pero hinila niya rin kaya ayun naghihilahan na kami ng kumot ngayon.

"Kuya masakit nga yung ulo ko!" Sabi ko sabay hila ng kumot.

"Kelan ka pa tinamad pumasok?" Hinila ulit niya. 

"Kuya naman!" 

"Oh! Yan na!" Pinulupot niya yung kumot sa akin. Sa wakas ay umalis n siya kaya kinapa ko kung nasaan yung higaan at humiga ulit habang nakapalupot parin sa akin yung kumot.

"Naulanan ka ba kahapon?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang magsalita. Binaba ko muna yung kumot sa mukha ko para makita ko siya.

"Nandyan ka pa pala?! Nanggugulat ka ba kuya?!" Sinamaan niya ko ng tingin at pina-ekis ang dalawang braso at tinapat sa dibdib.

"Malamang, kung wala ako dito edi sana hindi mo ako nakikita ngayon dito Tss.. At bakit kita gugulatin? Ehh common sense lang yan ehh, may sakit ka sa puso diba? Baka mamaya atakihin ka jan ako pa may kasalanan.." Sabi niya na medyo tumatawa na nangaasar.

"Oo na kuya! Tss..pilosopo." Sabi ko sabay tabon ng kumot.

"...Hahaha, by the way.." Sabi niya kaya binaba ko ulit yung kumot at tumingin sa kanya. "...Paano ka nakauwi kahapon?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya, kasi naman kung sinabi kong si Kenzo magagalit siya kasi ayaw niyang nagpapahatid ako sa lalaki pati nga si...ehem..Royu ehh..

"Malamang naglakay!--" Paking-- tape! anu ba talaga ang sasabihin ko?! Sumakay o naglakad?! Haays bahala na fault naman niya ehh..kekeke "Naglakad pala.." 

"Wag ka nang magsinungaling, may nagtext naman sa akin ehh." Sabi niya.

"Oh!? eh bakit ka pa nagtatan--" .....O_o

N-nagtext? Wut du?

Nanlaki ang mata ko at tumingin kay kuya. "S-seryoso ka?! Anong sinabi sayo nung papansin na yun?!.." Sabi ko at tumayo agad at lumapit sa kanya. "Pabasa--" Naputol ang sinasabi ko nang takpan niya yung mukha ko ng kamay niya. *sniff* *sniff* blyak! Agad kong tinanggal ang kamay niya sa......MUKHA KO.. TT_______TT

"Pwueh! Blak! Kuya ang baho ng kamay mo! Yuck! Saan ba galing yan?!" sabi ko na naaasar at natatawa at the same time.

"Ahh nilinis ko kasi yung dumi ni Garfield sa baba ehh." Ahh.....-- SAY WHAAA??

Tapos tumawa pa siya, ang sama ehh. --___-- Tss.. Pusa...Dumi...Kamay..Mukha ko.. Tss, what a nice brother right?.... TT_____TT

"Joke lang! hahaha, nilabas ko yung trash kanina ehh nkalimutan kong maghugas..." Wtf? "Sige bilisan mo ha?!" Sabay alis niya sa kwarto ko.

"KUUYYAAA!!"

***Later***

Nakarating na din kami ni Kuya sa university, bumaba na ako ng kotse nang ipark niya to at nagpaalam na sa kanyang umalis. Naglalakad ako s hallway nang may biglang maalala.

"Ay oo nga pala yung jacket ni Kenzo." bulong ko sa sarili sabay tigil sa paglalakad at hinanap iyon sa bag, wala naman masyadong madaming students ngayon dito. Nang mahanap ko saktong nakita ko siya na lumabas sa...... dean's office? Yan kasi ehh buti nga, haha.

"Huy!..." Tawag ko kaya lumignin naman siya, psh ibabalik ko na nga yung jacket niya ehh ang sama naman ng mukha. Lumapit naman siya sa akin kaya inabot ko yung jacket, let's just say tinulak ko sa dibdib niya kekeke.

"Problema mo?" Tanong niya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Wala bakit? Una na nga ako salamat nalang." sabi ko sabay talikod at tinaas ang isang kamay na parang nagpapaalam ng umalis.

"Hoy! Sandali!" Sabi niya pero hindi ko naman pinansin at nagderederetso nalang. "....Ms. Amazona!" Argh! anong tawag niya sa akin?! Tss... bahala ka nga diyan, so ayun hindi ko na siya pinansin at binilisan na ang pagpunta sa class ko.


***Later 10: 45***

Nandito ako ngayon sa library at tumatambay at nagbabasa ng paborito kong libro, nang may napansin ako sa kaharap ko na table.... she's familiar, hindi ko siya masyadong makilala dahil nakaharang yung libro sa mukha niya kaya pinabayaan ko nalang dahil baka sabihin naman na stalker niya ako or something, haayys whatever it is i don't care.

Maya-maya ay naramdaman ko na may humila ng upuan sa tabi ko at umupo siya, huh? hala first time may tumabi sa akin, at hindi naman sa OA ako ehh sa 'forever lonely' ako ehh. Kaya tiningnan ko kung sino siya and nagulat ako nang ang makita ko ay si.... Jenelle.

"Oh? Ate? Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Nabalik ako sa planetang earth sa pagpitik niya ng daliri sa harap ko, at pinunasan niya pa yung gilid ng bunganga niya nung nagsalita siya.

"H-ha? Ehh w--" Naputol ang sinasabi ko nang magsalita ulit siya.

"If it's about what happened yesterday, it's nothing really. Kuya already told me." Huh? haays daldal ng asungot na yun. -___-

Nagulat ako nangbigla niyang hinila yung glasses ko. "....T-teka anong gagawin mo ja--" Tinakpan niya yung bibig ko ng kamay niya kaya natigil yung sasabihin ko.

"Maganda ka nga!" WTH? Kinuha ko yung salamin ko at sinuot ulit.

"Ate, wag mo na kayang suotin yan? Mas maganda ka kung wala yan ehh, nahaharangan kasi niyan yung mukha mo and medyo malabo din tingnan dito yung mata mo." Sabi niya.

"Ayoko."

"Sige bahala ka, maganda ka parin naman ehh, kekeke." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ngayon kinuha naman niya yung kamay ko at tinaas medyo level namin.

"...Ohh? Anong ginagawa mo?"

"So ate, starting now best friends na tayo ha?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, like I don't want!

"Naku, ayoko na." Sabi ko. "Sige na! Promise hindi kita tatraydorin!" Pinatahimik ko siya dahil ang ingay na niya mukhang nakalimutan niya na nasa library siya ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Ms. Librarian. Papayag na nga ako kasi alam ko na kukulitin ako dito ehh ayaw ko pa namang umalis dito ng sapilitan.

"Oo na sige na. Basta wag ka nang maingay."

"Yeahey!!".. "Ssshhh!"


To be continued...
______________________________

Soo sorry ang tagal ko now magupdate! May klase na kasi ehh! and sorry eto lang yung naupdate ko kasi may gagamit pa ng pc ehh! okay! Annyeong!!

[and sorry pangit ang spacing kasi sa cp ko ginawa ehh..hehehe]

I Fell in love with my enemy!? (IFILWME Book 1)Where stories live. Discover now