Part 1: Sticky Note

175 17 28
                                    

Ria's POV

Welcome to my boring, quiet and weird life... Yan ako, walang kausap ni kaibigan wala. Tanging ang mga libro ko lang ang mg a kasundo ko. Pero kahit na ganito ang buhay ko masaya na ako, actually masayang masaya. Bakit?, wala nang mga paasa at plastic na umaaligid. Masama or bitter na kung bitter pero totoo yun, puro sila mga user, judgemental at walang magawang mga bullies.

Kahit hindi nila alam ang mga tunay na nangyari ay hinuhusgahan agad nila, mga uto-uto. Ni best friend ko pa ang nagkalat ng mga maling impormasyong na yon, galing noh? Kakabilib? Expert yun ehh, back-stabber.

Ayoko sa mga tao, hindi na ako nagtitiwala sa kung sino man. Sabihin niyo na ang lahat ng gusto niyo, sabihin niyo na din na antisocial ako I don't care eto na ako ehh. Cold hearted, kay Kevin niyo isisi yan or tawagin nalang nating si 'bes' para special.

"Hey girls! Have you heard?! Bumalik na si Kenzo from New York!"


"What?! No way!?"

"Yes way!"

Arghh.. nakakaasar, yan nanaman mga chismisan, ang iingay ng mga chismosang to hindi ba nila alam kung nasaan sila? Hindi siguro marunong magbasa? Tsk tsk tsk! -__-

"Balita ko major in bussines management siya ahh."

"Sayang hindi ko siya magiging ka-block."

Hala. Ganon din course ko ahh, bully pa naman yun baka matarget ako ng pambubully nun. Bahala na si batman.

"Ssshhh!" Saway sa kanila ng librarian.

Haha! buti nga ingay nyo ehh! bleeeh!- I whispered, make-faced and chuckled a little.

Napansin ko na nakatingin sa akin yung dalawa. The two girls just glared at me. Siguro narinig nila ako, pero sninob ko lang sila at dinaanan ko muna sila ng tingin and one of them mouthed me like -'Your're dead b!tch'.

Haayys... good luck nalang sa akin later at lalong lalo na sa next class ko...tss..

Later....

Lumabas na din ako sa main library ng campus at dala dala ang mga books na irereview ko for the exam week and baka mag-surprise quiz si prof.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa next class ko nang biglang may humarang na tatlong lalaking students sa harap ko. Sinubukan kong sumingit or whatever you call that to escape someone blah blah blah, anyways hindi parin nila ako pinapadaan anu bang meron?

"What?--" Hindi tapos na sabi ko dahil may nagtulak sa likod ko or somewhat malakas na pag tap, kaya nadapa ako at nalaglag ko yung mga libro na hiniram ko at mga notes ko from my last class. Tumingin ako sa likuran ko at ang nakita ko ay mga babaeng chismosa sa library pero may mga kasama na silang ibang boys and girls, kasama rin pala niya ung tatlo hmmp kaylangan may back-up pa?! ehh sa tutulakin lang ako ehh, sigurado ako mga flings yan ganyan naman yan palagi ehh. =____=

Sinamaan ko lang sila ng tingin kaya tinaas lang nila yung kilay nila, he! ahitin ko nga yan ehh! sige lang! Ngayon ko lang naalala na maraming estudyante ang nakatingin at tumatawa pero siyempre hindi mawawala ang pagbubulungan! sila pa ang asahan niyo! Dapat nga MASCOM. or reporting ang course niyan nila ehh magagaling ehh! pwedeng pwede! Tss...

Pinulot ko na ang mga gamit ko na nalaglag at tumayo, hindi ko na sila pinansin at naglakad nalang, pero bakit parang may mali lahat kasi ng nadadaanan ko ay sinusupladahan ako o di kaya pinagbubulungan, hangang sa wakas ay natanaw ko na ang pinto ng block ko kaya nagmadali na akong pumasok sa napaka ingay at napaka gulong room. Pagkapasok at pagkapasok ko pumunta na ako sa upuan ko at nagulat ako nang biglang tumahimik ang lahat at nakatingin sa akin.

I Fell in love with my enemy!? (IFILWME Book 1)Where stories live. Discover now