Chapter 19 - Diary

797 15 6
                                    

New day nanaman, para hindi ako maboring sa classroom ay dinala ko ang diary ko para magsulat na lang ng mga masasakit na mga nangyari sa akin. Pagpasok ko asusual pinagtitinginan ako ng mga babae at pinagtatawanan nila ako dahil doon sa binuhusan ako ng tubig. Pumasok na ako sa classroom at pati sa room wala na ring pumapansin sa akin dahil doon sa nalaman nila na hiniwalayan ko si jeron dahil kay kiefer. Pati yung katabi ko hindi na ako tinatabihan kaya ang posisyon ko ay magisa ako sa likuran.

Prof: Ok lets start the lesson.

Hindi ako nakikinig nagsulat lang ako ng nagsulat sa diary pati nung nag break time ay hindi ako bumababa. Nakalimutan kong sabihin kay kiefer na mag sisingapore muna kami ng family ko in 3 days, maitext na nga ngayon mamaya na kasi flight namin.

To: Demon

Hi kiefer, nakalimutan ko sabihin sayo na mag vavacation kami sa singapore in 3 days mamaya na alis ko. Mag ingat ka.

Ayan na itext ko na sana walang violent reaction.

TOOOOT! TOOOT! (1 new message)

Sige babe :* magiingat ka ha text me if you have time. :)

From: Demon

Text your face hindi kita itetext kahit isa sabi ko sa isip ko. Tapos na ang break time isang subject na lang at uwian na. Hindi ulit ako nakinig sa prof namin nagsulat na lang ako ulit sa diary ko. Dahil sa pagsusulat ko hindi ko namalayan na time na pala inilagay ko na yung diary ko sa bag ko at nagmadali na akong lumabas agad.

Ara: (sumigaw Ye pero hindi siya napansin) Ano kaya tong naiwan niya (sabay pulot sa diary ni mika) diary? Mamaya ko na nga babasahin sa dorm.

*OUT NA MUNA SI MIKA SA CHAPTER NA ITO.

Ara: (naglalakad papunta sa dorm) Ano kaya nakasulat dito? Ni minsan hindi ko nakita si ye na nagsulat ng diary.

Nakapunta na si Ara sa dorm nila at nandon naman ang buong lady spikers na nagkukuwentuhan

Ara: Pwede ko bang maistorbo ang pagkukuwentuhan niyo? (smiled) Si mika kasi nung kanina sa room nagmamadali siyang lumabas ng room tapos may nakita akong nahulog galing sa kanya. Eto oh (sabay pakita nung diary).

Kim: Ano yan? DIARY?!!! Kelan pa nagka diary si Mika.

Ara: Yon nga pinagtataka ko ee, ewan ko ba nakita ko lang na nahulog sa kanya e.

Abi: Siguro dahil wala siyang malalapitan na kaibigan niya para sabihin yung mga problema at nararamdaman niya kaya dinaan niya na lang sa diary.

Wensh: May point si ate Abi.

Demiciio: So? Tara basahin na natin para malaman natin kung ano ang nakasulat.

Ara: Ano game na? I-oopen ko na ha. (sabay bukas ng unang page).

Dec 11, 2013

Uhm ngayon ko sisimulan ang pagsusulat ko ng diary. Ni minsan hindi ko ginawa ang paggawa ng diary pero dahil sa wala na talaga akong mapagsabihan ng mga sobrang masasakit na nararamdaman ko kaya naisipan ko na lang na magsulat ng diary. Uhm Hello Diary :) Alam mo ba noong day na nag brown out takot na takot ako non dahil may biglang tumakip sa mga bibig ko. Kinaladkad pa nga ako ee kaya nagkaroon ng hiwa yung paa ko, alam mo sobrang sakit nung pagkahiwa. Tapos yung unknown guy sinasaktan niya ako :'( bigla bigla na lang niya ako sinusuntok sa braso ko at napapapikit na lang ako sa sakit. Nung mga panahong iyon hindi ako nawalan ng pag-asa na sana may tutulong sa akin dito para iligtas ako pero hanggang sa tinatali na yung kamay at paa ko doon sa upuan at blinind fold pa ako nawala na ako ng pag asa na may tutulong pa sa akin.

Ara: (sinara yung diary at umiiyak) Itutuloy pa ba natin ang pagbasa? Kaya niyo pa ba? Tignan niyo una pa lang magang maga na yang mga mata niyo.

Cienne: agaw moment naman to oh (smiled) bilis ituloy na natin.

Kim: Na-iimagine ko kung ano itsura ni ye that time huhu (sabay iyak tawa)

Ara: (binuksan na ulit yung diary)

Yung time na may nagsalita na guy at pinapapili niya ako kung papayag daw ako na maging kami hindi daw niya papatayin ang mga mahal ko sa buhay :( kaya syempre sa gusto ko ng matapos yung pananakit sa akin nung kasama niya na sumusuntok sa akin ay mas pinili ko na lang na maging kami nung guy keysa sa mapatay pa yung mga mahal ko sa buhay pero that time minumura ko na yung unknown guy dahil sa sobrang galit ko at kada mura ko sinisipa ako sa tiyan o sa likod nung kasama niya. Diary alam mo ba yung pakiramdam non? Sobrang sakit :'( Yung puro sugat na at pasa yung katawan mo plus yung sakit na nararamdaman mo emotional :( Grabe diary akalain mo yun? Nakaya ko. :) Pagkatapos niya malaman na payag ako maging kami ay pinahatid niya na ako sa kasama niya pauwi. That time medyo nakahinga ako ng maluwag pero nung nasa tapat na ako ng dorm namin ayan nanaman kinakabahan nanaman ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Diary alam mo that time gusto ko makaramdam ng yakap na sobrang higpit :( pero bawal ee kaylangan sumunod sa rules para hindi sila mapahamak. Kaya kahit mahirap nag pretend na lang ako.

Abi: Oyy!! Ara bakit nanaman? Moment na to oh (habang pahikbi hikbi)

Ara: Itutuloy pa ba natin? Hindi ko na kaya gusto kong puntahan si Mika at yakapin siya.

Kim: Ano bayan! Ituloy na natin ang pagbabasa para malaman pa natin yung iba.

Friendship over

Uhm diary eto yung day na nagaway away kami ng mga kaibigan ko :( kahit hindi ko kayang makipag sagutan ginawa ko pa rin para lang sa rules Ang hirap mawalan ng kaibigan diary :( yung parang wala ng nagmamahal sayo. Yung kapag malungkot ka wala ng magcocomfort sayo :( Yung kapag umiiyak ka wala ng magpapatahan sayo :( Yung makakakulitin mo bago ka matulog :( Diary alam mo miss na miss ko na sila lalo na si Ara :'( hindi ko matanggap na ni let go niya ako :( Pero ayos lang titiisin ko para lang sa kanila. Naniniwala naman ako na sa huli happy ending parin ang storya ng buhay ko. :) Diary sana maayos ang lahat.

Ara: Nakakainis naman to si Ye pinapaiyak ako (iyak tawa)

Abi: Osha tama na commercial ituloy na ang pagbabasa.

Start a new day without them

Diary this is the day na wala na sila sa piling ko, yung kapag papasok ako ng school hindi ko alam kung bakit ako pinaguusapan ng mga tao ko sa paligid. Nung pag pasok ko sa room nakita ko iba na yung katabi ni ara :( Sobrang woah kinimkim ko na lang yung sakit ee humanap na lang ako ng ibang mauupuan. Tapos nung discussion parang nagka parinigan kami ni ara pero totoo naman lahat ng sinabi niya na nagiwan ako ng basta basta. Uhm Diary alam mo yung feeling na sa gabi bago ka matulog ay umiiyak ka, sorry ang drama ko ah? Sadyang hindi ko lang talaga kimkimin.

Cienne: Balita ko kanina usap usapan sa corridor mag vavacation daw ang family ni ye sa singapore ha?

Ara: Siguro nga, kasi nagmamadali siya kanina ee.

Abi: Pagbalik niya puntahan natin siya at ihug. I-break natin ang rules!!! Hindi tayo mamamatay, magingat lang tayo.

Kim: TAMA!!!!

Ara: Oh? Itutuloy pa ba natin yung diary ni Mika? (sabay tawa)

Demicilio: Sigeeee!!! Go lang ng go.

Tinuloy pa rin ng lady spikers ang pagbabasa sa diary ni Mika, iyak doon tawa doon. Hanggang sa nakatulog na sila sa kadramahan nila.

Started from the bottom (Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon