Chapter 5 - Class

1K 16 0
                                    

Pinabalik muna kami para mag-aral. Hindi ko na classmate ang grupo nila Cainglet buti naman. At hinde ko rin classmate si Jeron, pero magkaclassmate pa rin kami ni Arabeb. Tinatamad ako magaral mas gusto ko pang magtraining e. First subject pa lang tintamad nako.

Dumating na yung professor namin at nagdiscuss hindi ako nakikinig pero nakatingin ako sa kanya para hindi obvious na hindi ako nakikinig. Buti naman at os nito ay break na namin5 minutes time na pagkatapos nito ay break na namin.

RING.RING.RING

Yon salamat sa Diyos at time na sabay kami ni Arabebs pumunta sa canteen habang naglalakad kami ay naghihiyawan yung mga tao sa paligid hindi ko alam kung bakit kaya tinanong ko si Arabebs "Bakit sila nagsisigawan at nakatingin sila sa atin kaya for sure tayo ang pinagtitilian nila" nag ewan gesture lang si Ara.

Umupo na kami, tinanong ni Ara kung ano gusto ko kasi siya na ang oorder. Habang naghihintay ako nakita ko si Jeron papalapit sa akin at may narinig ako sabi ng isang team mate niya "Yan ba yung bagong pinaglalaruan ni Jeron?" sabay nagtawanan yung iba niyang kasama. Parang bigla akong nagalit anong Bagong laruan? meaning ba non pinaglalaruan lang ako ni Jeron? Huwag naman sana.

Tumingin ng masama si Jeron sa mga kateammate niya na parang sinasabi para kayong tanga. Parang ganon ba. Lumapit siya at umupo sa tabi ko "Mika pwede ka bang manuod sa laban ko bukas?" habang sinasabi niya yon ay naka akbay siya sa akin tinanggal ko ang pagkaka akbay niya sa akin sabay sabing "Sige"

Napapairip pa rin ako sa sinabi nung ka team mate niya na laruan lang daw ako ni Jeron sana naman hindi totoo, medyo nasaktan ako don sa narinig ko.

Dumating na si Ara at nilapag na yung food na inorder niya, kumain na kami. "Ye, ang dami mong followers sa twitter ha!" sabay ngiti "We? Hindi pa kasi ako nag oonline kaya hindi ko pa nakikita" wala naman akong paki kahit ilan pa yan sabi ko sa isip ko dahil mahalaga sa akin ay yung mga taong totoong sumusuporta sa akin.

RING!RING!RING!

Hay time na back to the class nanaman. Sabay na kaming pumasok sa room pero bago kami pumasok ay may nagkukumpulan sa may pinto sa room at naririnig namin na hinahanap nila kami. Bakit kaya?

Biglang may sumigaw na isang babae "Ayon sila" sabay nagtakbuhan sila papalapit sa amin sa bilis nilang tumakbo ay napatumba ako at nadaganan.

"Arabebs tulong!" sigaw ko. Agad akong tinayo ni Ara. Sabi ng mga tao sa harap namin Idol pa autograph naman oh. Autograph? Ano kami artista. Sinunod na lang namin ni Ara ang sinabi nilang autograph.

Pagkatpos nun ay pumasok na agad kami sa room. Hay salamat nakahinga din ng maluwag. Bakit sila nagpapa auto graph? Sikat na ba kami? Pero kahit natumba ako ok lang dahil na aapreciate ko ang pag suporta nila sa amin.

Dumating na yung prof namin "Ok class free time tayo you can do what you want" sabay nag sgawan ang class ng YES. Dahil don ang ginawa ko lang ay matuog pati si Ara natulog lang din. Kaya kami natulog para may lakas kaming magpractice para mamaya sa training.

RING!RING!RING!

Ok Lunch Time na pagkatapos nito isang subject na lang at dismiss na ang class.

Hindi ako kumain kasi diet ako hehe. Wala kaming masyadong pinagkwentuhan ni Ara Bebs kaya bumalik na kami agad sa room.

Nasa gitna kami ng corridor ng may humarang nanaman sa amin ng isang grupo ng kabataan at nagsisigawan ng "Ate Ye, Ate Ara, papicture naman po?" nagpapicture kami ni Ara at hindi namin alam 5 minutes late na kami. Kaya tumakbo na kami papunta sa room.

Buti at hindi kami pinagalitan ng prof namin, umupo lang kami at nagkwentuhan ni Ara "Ye, hindi ko aakalain na magkakaroon tayo ng fans" ngumiti ako sa sinabi ni Arabebs "Onga e dati rati inaasar ako na tanga, engot at hinding hindi daw ako magiging star player" sabay kaming tumawa ni Ara "Sabihin mo sa kanila Ye, O ano kayo ngayon? Ang dating nilalaitlait niyo ay kasama sa laban ng championship, Nga nga kayo!" at tumawa ako ng malakas.

"CLASS DISMISS" at nagtayuan na kami. Dumiretso kami Ara sa locker at kinuha ang damit namin pang training. Dumiretso agad kami sa Gym at nandon na si coach.

"Hintayin lang natin yung iba at wala tayong training may big announcement ako" sinabi ni coach habang nakangiti. "Bakit walang training? Gustong gusto ko pa naman" sabi ko then sad face, tumawa lang si coach.

Habang naghihintay naglaro muna kami ni Ara, mga 5 minutes dumating na sila sabay say pa ha. "Dahil nandito na ang lahat iaannounce ko na ang good news" inihintay lang namin ang susunod na sasabihin ni coach. "Kasali tayo sa UNIVERSITY BEACH PARTY, all universities ay kasali" naghiyawan kami sa tuwa.

Started from the bottom (Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon