Chapter 17 - Regrets

787 12 6
                                    

Umaga nanaman, papasok nanaman ako sa school. Iiwas nanaman ako sa mga taong mahal ko. Ngayon na din ako magquiquit sa volleyball sayang malapit na ang laban namin 5 days na lang (sabay simangot) ichecheer ko na lang sila kaya naman nila kahit wala ako. After 30 minutes pumunta na ako sa school. Pagpasok ko sa may school ay narinig kong pinaguusapan ako ng mga tao sa paligid ko.

Girl 1: Totoo ba na hiwalay na si Mika at si Jeron?

Girl 2: Oo girl, official na break na sila dahil si Mika bali balita ka date ngayong si kiefer ravena.

Girl 3: Ano bayan ang landii naman.

Me: (tumingin sa mga nagchichismisang mga babae at bigla silang huminto)

Normal lang ang naging day ko ngayon, ngayon at dismissal na kailangan ko na pumunta sa gym at sabihin kay coach na aalis na ako sa pagvovolleyball ko para matapos na ay matapang akong umakyat sa gym kahit alam kong pagsisihan ko to ng sobra kasi 5 days na lang at laban na namin pero hayaan mo na kaya naman nila na wala ako (sabay bumuntong hininga) mga 4 minutes ay nandito na ako sa gym at nakita ko sila hayyy namimiss ko na shetness nemen.

Ara: Bakit nandito yan?

Kim: Baka magtratraining? Kahit medyo awkward na. (sabay tawa)

Cienne: Baliw ka talaga!! Bully forever. Bakit ayaw pa niyang pumasok?

Abi: Feeling ko hindi magtratraining yan (then smiled) hindi pa siya nakapang training na damit oh.

Wensh: Oo nga no? (sabay kamot sa ulo) ee ano kaya ginagawa niyan dito?

Demicilio: Shhh quite na papalapit na siya.

2 minutes akong nakatayo doon at nagreready ng mga sasabihin ko at ngayong ready na ako lumapit na ako kay coach napansin ko namang nakatingin sa akin sila ara kaya nahihiya ako pero hindi ko pinahalata at nagdiretso diretso kay coach.

Me: Hi coach (then smiled)

Ara: (bumulong kay kim) sheeet kim namiss ko yang mga ngiti niyang ganyan.

Kim: (bumulong din kay ara) ako din hayyyy.

Coach: Oh bakit Mika? Hindi ka yata nakapang training?

Me: Uhm sorry coach pero mag ququit na po ako sa volleyball (sabay pacute face)

Cienne: (bumulong kay demicilio) namiss ko yang mga ganyang face niya. (sabay simangot)

Demicilio: (bumulong kay cienne) ako din huhu.

Coach: Bakit? (halatang nagulat sa sinabi ni mika) i-explain mo now!!!

Me: Uhm coach pero masyado pong private ee sorry po. Hanggang sa huling pagkikita coach (sabay simangot) salamat po sa pagtitiyaga niyong turuan ako, goodluck po sa championship game 2. (then smiled sabay lakad paalis)

Ara: (sumigaw) MIKA REYES!!! TANDAAN MO wala ka ng babalikan pa dito!!! Mangiiwan sa ere!!! (sabay spike ng bola kay mika)

Mika: (natamaan sa likod at napatumba sa sakit dahil may sugat pa siya doon, napaluha siya ng onti at napahawak sa likod niya at tumayo na)

Kim: Bakit mo ginawa yon ARA?!! Alam mo namang may sugat pa siya diba? Hay nako naman. (sabay kamot sa ulo)

Ara: (nilapitan si Mika) Sorrryy Ye!!

Mika: (smiled na walang halong kaplastikan) ok lang. (sabay alis)

Success ang pagkakaalis ko sa team pero sobrang lungkot ko super para akong namatayan, dahil doon nagpunta ako sa cr dahil hindi ko na mapigilan ang iyak ko. Binuhos ko lahat ng luha ko at lumabas na sa cubicle pagkatingin ko sa mata ko ay magang maga.

TOOOOOOOOT!!! TOOOOOT!!! (1 new message)

Hi babe, susunduin kita ha? Dont worry iuuwi kita kaagad hindi tayo gagala. :))

From: Demon

Hayyy life tiis tiis din kapag may time. Lumabas na ako sa campus at hinintay si kiefer na dumating sa labas. Mga 20 minutes na akong naghihintay ay wala pa rin kaya bumili muna ako ng makakain. Sakto pagkatapos ko kumain ay nakita ko na si kiefer naghihintay na doon sa pinuwestuhan ko.

Mika: Kiefer!! (plastic smile)

Kiefer: Hi babe (sabay kiss sa forehead)

Mika: Tara na ihatid mo na ako sa bahay marami pa akong projects (sabay pasok sa car)

Tahimik lang ang bumungad sa kotse ng biglang nagsalita si Kiefer.

Kiefer: Manuod ka ng basketball ko ha! Tapos kapag ininterview ako ipapakilala kitang girlfriend ko.

Mika: (napahigpit ng hawak sa shorts niya at nanggigigil) Sige lang. (fake smile)

Kiefer: Yieeee, salamat. (sabay kurot sa pisngi ni mika)

Sa wakas nandito na kami sa tapat ng bahay makakaalis na ako sa tabi ng demonyong to. Pumasok na agad ako sa bahay at hindi na nag goodnight sa kanya. Pagpasok ko ay nahalata ko na parang iniintay ako ni mother.

Mama: Mika, magsabi ka nga ng totoo may problema kaba?

Mika: Ha? Wala naman akong problema ma bakit po ba?

Mama: Nabalitaan ko ng quit ka daw sa volleyball.

Mika: Uhhh yon lang pala ee kasi tinatamad na po ako mag vball e. (fake smile)

Mama: Huwag kang magsinungaling Mika alam ko may iba pang dahilan.

Mika: Hay (bumuntong hininga) wala nga po akong problema ma!! Akyat na po ako pagod po ako ee.

Umakyat na ako sa kwarto ko para makaiwas pa sa mga tanong ni mama, agad akong humiga at nagtakip ng unan at umiyak na ako ng umiyak dahil kanina ko pa gustong iiyak ito Wala akong ibang magawa kaya iiyak ko na lang lahat ng masasakit na nararamdaman ko minsan nga naisip ko ng magpakamatay. Pinagsisisihan ko ang lahat!! Lahat lahat. (hinahamapas ang sarili) ang tanga tanga ko. Magsusulat na lang ako ng mga dapat kong sabihin pero hindi ko kayang sabihin.

Binuksan ko ang twitter ko at ang daming notifs as in parang sasabog na twitter ko. Nag scroll down lang ako ng nag scroll down ng may nakita akong picture ni ara kasama ang buong team sa nakita kong yon automatic naluha ako ewan ko ba bigla bigla na lang tumutulo ang luha ko. Namimiss ko na sila gusto ko ng hug galing sa kanya, kailangan ko si Jeron, ang taong mahal na mahal ko na pumupunas sa mga luha ko. Lahat ng mga nangyayari sa akin ay sinusulat ko sa isang papel. Gabi na rin kaya matutulog na ako, goodnight readers.

Started from the bottom (Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon