Chapter 25

78.3K 619 57
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 25

 

“A person who truly loves you will never let you go or give up on you,

no matter how hard the situation is.”

Nang mabasa ni Blesie ang text message mula sa hindi nakarehistrong number sa phone niya, nagkaroon na siya ng malapad na ngiti.

Inaliw niya si Georgina. Nag-picture sila kung saan-saan. Kumain. Nag-rides. Bumili ng souvenirs.  At pagsapit ng alas-siyete ng gabi, agad niyang hinawakan ang kamay ni G at saka ito hinigit papunta sa Wheel of Fate.

Wheel of Fate, ang pinaka- memorable ride ng EK para kay Georgina dahil dito niya unang narinig na mahal siya ni George sa tulong ni Baby Cupid. Dito sa kanya unang sinabi ni George ang tatlong salita na inakala niyang magiging dahilan ng nag-uumapaw niyang kaligayahan hanggang huli pero siya palang dudurog sa kanyang puso.

Hindi napansin ni G na papunta sila sa nasabing ride. Busy kasi ito sa pagtingin ng mga pictures sa DSLR ni Blesie kaya madali siyang nadala ni Blesie sa ride na kabilinbilinan niya kay B ay huwag na huwag nilang pupuntahan at sasakyan.

 “Gusto ko lang na maging masaya k,a G. Magtiwala ka sa’kin. Kahit ngayon lang.” Niyakap ni Blesie si G, kinuha mula rito ang DSLR at saka itinulak siya papalapit sa Wheel of Fate na noong mga oras na ‘yon ay walang sumasakay o nakapila dahil okupado na ang bawat “cage” ng mga pulang lobo na hugis-puso na pumapalibot dito. Sa palibot naman ng Wheel of Fate at ng daanan malapit dito ay makikita ang maliliit na kandila na nagbibigay ng liwanag sa madilim na kalangitan.

Unti-unti namang napansin ni Georgina ang mga tao sa park na nagsisilayuan sa Wheel of Fate maging si Blesie na masayang nakatingin sa kanya na bago pa mang tuluyang iwanan ng kaibigan ay nagmostra pa ng aksyon na nagsasabing “Sundin mo ang puso mo.”

Parang nasemento naman si G sa kinatatayuan niya na kahit inuutos na ng utak niya na umalis na siya roon at sundan na si Blesie ay labis marahil ang pagpipigil ng kanyang puso na nagsasabing kailangan niyang manatili at alamin ang mga susunod na mangyayari.

Sa huli, she stayed, but with a thought in her mind na aalamin niya lang kung ano’ng mayro’n. Nothing more. Nothing less.

Nagulat siya nang mapatingin siya kanyang likuran.

Paano kasi, mayroon palang mini stage roon. Napako ang mga mata niya sa dekorasyon ng entablado. May malaking malaking tarpaulin. Picture ni Georgina na ginawang collage na may nakalagay na “When I said I love you, I mean it.” Puno rin ng mga pula at puting rosas ang sahig ng stage. Napaka-romantic. Puro pula at puti maging ang mga suot ng mga tumutugtog sa entablado. Dalawang sikat na banda sa buong Wattpad ang nagsimula nang magpakitang gilas, ang Syntax Error ng HYSTG’s “Voiceless” at ICL Koala ng Girlinlove’s “3W8L”.

Mayroon ding screen sa tabi ng stage at nagpa-flash doon ang mga stolen shots ni G. Ang dami kong pictures, ha. Stalker ang peg?

She laughed with that thought. Muli niya na naman kasing naalala ang pagiging stalker slash admirer niya kay George. Nakakatawa. Mukha pala akong tanga.

Ang mga tao sa amusement park na nakita niyang lumayo sa Wheel of Fate kanina ay ngayo’y nakapalibot sa buong pinagdadausan ng “concert” ng SE at ICL. Iginala niya ang kanyang paningin sa bawat taong nanonood sa tumutugtog at maging sa kanya. Lahat sila ay nakatingin. Nagniningning ang mga mata nila. Parang may inaasahan silang maganda sa mangyayaring ito. Ano ba kasi’ng mayro’n? tanong niya sa kanyang sarili.

After a couple of minutes, biglang may nagsilapitan kay G at sumayaw ng sweet dance habang itinutugotg ng dalawang banda ang “Fallin’”. May naalala na naman siya: ang first dance nila ni George.

Bakit ba kailangang maalala ko ulit lahat ng ‘yan ngayon? ‘Di ba nga kinakalimutan ko na? She sighed.

And then the lead vocalist of SE, Sync Mnemosyne, and of ICL Koala, Calvin Klein Go, went downstairs. Sa mismong kinatatayuan ni G, lumapit ang dalawa. Inilahad sa kanya ang kanilang tig-isang kamay. Hindi alam ni G kung ano ang gagawin niya. Kinakabahan siya at natatakot. Gayunpaman, isang pribilehiyo ang tatanggihan niya kung ang mga sikat na banda ay hindi niya makikita nang malapitan. Kaya kahit nanginginig, hinawakan niya ang kamay ng dalawa at saka siya inalalalayan patungo sa isang upuan sa harap mismo ng stage kasabay ng pag-abot nina Sync at CK ng dalawang bouquet of roses—isang puti at isang pula.

 “This guy is really in love with you. I swear. Pinuntahan pa niya ako sa honeymoon namin ni Momo para lang sa’yo,” natatawang sabi ni Sync.

 “Give chance to people who can really love you back,” nakangiti namang sabi ni CK.

Parang naunawaan na ni G ang tinutukoy ng dalawa. Isa lang ang pumasok sa isip niya: ang taong mahal niya. Ang taong nanakit sa kanya. Ang taong kinakalimutan na niya. Si George.

Tumigil ang mga banda sa pagtugtog ng “Fallin’” at may nagsalita mula sa backstage. “Bestfriend, all I want is for you to be happy. I know you love him. And believe me, he loves you more than you do. Just sit back and relax. The show is about to begin.”

It was Blesie. Dahil sa sinabi niyang ‘yon, naluha si Georgina. Medyo garalgal din kasi ang pagsasalita ni Blesie, halatang tensyonado na rin at naiiyak.

What happened next was…

“Wow,” sabay-sabay na sabi ng mga nanonood. Kasabay niyon ang pagtingala rin ni G sa langit. May fireworks display. Puro puso, smiley at lahat ng may kinalaman sa love. Ang lahat ng mga taong nanonood ay napa- “Aaay...” in chorus dahil nabasa nila sa makulay na kalangitan…

Georgina, I’m sorry and I love you. This is all for you.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon