Chapter 13

98.4K 915 52
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 13

 

“People make mistakes, so forgive and forget.”

 

George

At last! Na-release na si Mama. Okay na siya, thank God. December 24 na. Buti naman at bago mag-Pasko ay nakalabas na siya ng ospital. Thanks to G din, of course, for accompanying me for three days. I could feel that somehow, I am really important to her tulad ng sinabi niya noong natutulog siya. Napapangiti pa rin talaga ako ‘pag naaalala ko.

Siya rin naman, e. She’s my friend and I value her. She’s…she’s the girl I like. I like her. More than a friend.

For the past six months na naging part ako ng C&K Company, naramdaman ko ang saya ng pagtatrabaho habang nakikilala mo nang lubusan ang bawat taong tumutulong sa’yo para magawa mo ang duties and responsibilities sa kompanyang pinagtatrabuhan mo. With those people, naramdaman kong malaya ako. Natuto akong makihalubilo, makipagkaibigan, at higit sa lahat, magmahal.

Kaya lang nga, sa oras na malaman nila na may kinalaman ako sa pagbagsak ng kompanya, magbabago ang lahat lalo na ang pakikitungo sa akin ni Georgina at ‘yon ang kinatatakutan ko.

Napagdesisyunan ko na sabihin kay Miss Lee at sa lahat ng bumubuo ng C&K Company na ako ang “spy”, na ako ang may kagagawan kung bakit hindi na sila ang no.1 na kompanya sa Dasma, kung bakit nasira ang pangalan nila. Oo, nag-resign na ako sa KGP Inc. Kaya galit sa’kin si Mr. Eun. Kaya naospital ang Mama ko

Sana magawa ko nang maayos ang lahat. Sana mapatawad nila ako.

But for now, I needed to relax myself. Christmas was coming. I needed to be happy.

To: Ms. Steve

Hi G. :) Thanks for your help a. Mom is doing great.

Honestly, I wanted to invite her for a dinner. Last time dapat may dinner kami kaya lang ‘di natuloy. Kaya ngayon, gusto kong bumawi sa kanya.

No Problem. :) Buti naman kung ganun :)

So, how can I invite her? Bakit ang hirap?

Ahm.. G. busy ka ba? Can I invite you for a date?

Date? Did I ask her on a date? ‘Di ba dinner lang?

Nahihiya na talaga ako. Paano kung ‘di siya pumayag? Hindi ako mapakali habang naghihintay ng reply niya. Maya’t-maya ang pagtingin ko sa cellphone ko.  Bakit kasi nagkamali ng type, e. Nagkamali talaga ng type?

Sure :) When and where?

And that made my day!

* * *

Georgina

8 A.M. pa lang pero feeling ko kumpleto na agad ang araw ko. My future boyfriend asked me out on a date! O, ‘di ba, ang saya-saya!

Ano kayang masuot? Teka, ano ba’ng dapat isuot ‘pag pupuntang amusement park? Specifically, sa Enchanted Kingdom? Excited na talaga ako. High school pa ako noong huling nakapunta roon. Nami-miss ko na. Super busy kasi sa work, e.  Ano na nga ba’ng susuotin ko?

Naghanap ako sa closet ko. Papalit-palit ako nang damit! Nate-tense ako. Dahil hindi natuloy ang first date namin ni George, ito ang magiging first date namin. Sa amusement park pa. May rides. Kasama siya. Baka mayakap ko siya? I started to imagine things. Nababaliw na talaga ako!

1 message received.

From: My George

G, ok lang bang magkita na lang tayo dun? May pupuntahan pa kasi ako.

Aww. Hindi niya ako masusundo.

Ya. Sure. No problem :)

Dahil understanding future girlfriend ako, okay lang ‘yon, siyempre.

* * *

Jason

Ang ayaw ko sa lahat, ‘yong matapos kong tulungan ay gagaguhin ako at basta-basta na lang iiwan! Na matapos kong ibigay ang lahat, kakalabanin ako. Mga walang utang na loob!

“Sorry to interrupt your Christmas break. I have a very important news for everybody.”

Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ‘yon! Makikita niya!

“Pinatawag ko kayong lahat para sabihin na ang pinakamagaling nating engineer na si George Aries Andrade ay nag-resign na.”

Katulad ng inaasahan ko, ikinagulat din lahat ng empleyado ko ang ginawa ni George.

 “Bakit, sir? Mas nagustuhan niya na ba sa C&K?”

 “Pano ‘yan, sir? Baka magsalita ‘yon na may kinalamayan tayo sa pagbagsak nila.”

 “Manahimik nga kayo! Sa tingin n’yo ba papayag akong mangyari ‘yon? Numero uno na tayo sa buong lungsod at lalawigan! Naabot na natin ang matagal nating pinapangarap! Hinding-hindi ako makapapayag na mawala pa sa atin ‘yon. Hinding-hindi!”

Ipapakita ko sa lahat, lalung-lalo na sa kapatid ko, na nagkamali ang mga magulang namin na sa kanya nila ipinamana ang kompanya. Makikita ng lahat na mas magaling ako at mas karapat-dapat kaysa kanino man. Ang KGP Inc. ang magiging Number 1 hindi lang sa Dasma, Cavite kundi sa buong bansa!

Sorry, Mom and Dad, but I have to destroy your loved company and your favorite child! Mark my words!

And that boy! Pagsisisihan niya ang pagtalikod sakin. Tingnan ko lang kung saan siya pupulutin pagkatapos ng gagawin ko!

* * *

George

1P.M. pa naman kami magkikita ni Georgina. Sa EK na lang Kasi pupunta pa Ako sa KGP Inc. Kailangan daw akong makausap ni Mr. Eun. Ito na nga ba sinasabi ko, e. Hinding-hindi talaga siya papayag nang gano’n na lang. Sigurado akong may binabalak na naman siya. At tingin ko, malaki ang kinalaman niyon sa’kin.

11 A.M. na ako nakarating sa kompanya. Pagpasok ko pa lang, lahat na nakatingin sa’kin kasama na si manong guard. Siguro nabalitaan na nila na nag-resign na ako. Ibang klase talaga ang impluwensiya ni Mr. Eun. Kaugali na niya ang mga empleyado niya!

Pero kinakabahan talaga ako. Parang may hindi magandang mangyayari ngayon.

Nang marating ko ang office niya, huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Pagpasok ko, nagulat ako nang makita ang kasama ni Mr. Eun.

Si Miss Lee.

Sabi ko na nga ba. 

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon