Chapter 26

47.1K 563 27
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 26

“One of the best days of a woman’s life is to feel that

she’s the most beautiful princess of her most loved prince.”

♫♪ Sa isang sulyap mo by 143 ♫♪

Kasabay ng pagtugtog ng SE at ICL, lumabas si Maynard, officemate nina Georgina at Blesie.

 “G, he has been loving you from the start. Nasabi ko na bang childhood friend ko siya? Hindi yata, ‘no? Sorry. Hindi kasi tayo gaanong close. Nahila nga lang ako ni Blesie no’n sa party para isayaw siya para maiwan kayong dalawa sa table. Remember? Masyado kasing torpe ang kaibigan ko kaya kailangan niya pa ng katulong. Magkaiba kami ng pinagtrabuhang kompanya dahil nauna akong mag-apply kaysa sa kanya. Unfortunately, sa kalaban pa ng C&K siya napadpad.

“Pero ito talaga ang peak ng sasabihin ko, e: Simula nang makita ka niya sa SM Dasma no’ng bumili ka ng materials for your table, nabighani na siya sa’yo, nabihag mo na ang kanyang puso, at umibig na siya sa’yo. Alam kong kinikilig ka. ‘Wag mo nang pigilan.”

Maynard handed G a keychain. Isa itong maliit na bear na nakasuot ng T-shirt na may naka-print na “G, crush kita.” He placed a quick peck on G’s cheek. “We want you to be happy.”

And he proceeded to the backstage.

♫♪ This I Promise You by Nsync ♫♪

Boss Lee was now standing on the stage holding her microphone while controlling herself not to cry. Pagkatapos punasan ang mga luha niya, huminga siya nang malalim.

“20 ka na, wala ka pang boyfriend. Pero pagkatapos nito mayro’n na siguro. Inunahan mo pa ako. Nagrereklamo ka na NBSB ka e hindi ka naman nag-iisa. Ano’ng tawag mo sa’kin? Super NBSB?”

The audience chuckled.

“Nakakainis ka! Naiiyak ako. Seriously, G, pare-pareho lang kami ng gustong mangyari: na pagkatapos ng gabing ito, maging masaya ka dahil deserved mo ‘yon. I love you, you know that. You’re such an industrious person, a loving and friendly one. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend.

“Believe me, you’re the ideal girl that every man is looking for. Pero sorry sila, wala silang panama sa kanya, ‘di ba? Sa kanya na mahal mo. Sa kanya na mahal ka. G, okay na ang kompanya. All the issues are settled. I hope na ang issue rin between the two of you ay maging okay na rin. He loves you. He really does.”

Bumaba si Boss Lee sa stage papunta kay G at saka sila nagyakap. Parehong umiiyak na. Mga babae talaga, parang gripo ang mga mata. Iniabot ni Boss Lee ang isang teddy bear na kasing laki ng bote ng Coke Sakto. Ito naman ay nakasuot ng cap at naka-print doon ang “G, I admire you.”

Tinabihan ni Boss Lee si G. Magkahawak sila ng mga kamay. Kinakabahan pa rin kasi si G hanggang sa mga oras na ‘yon.

“Relax lang. okay? Stop crying. Iwan na muna kita. Kita na lang ulit tayo later.” At katulad ni Maynard, bumalik si Boss Lee sa backstage.

♫♪ Dreaming of You by Selena ♫♪

Isang seryosong lalaki naman ang nasa entablado ngayon. Nanlaki ang mga mata ni G nang makilala kung sino siya. “Mr. Eun?”

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon