FOURTH POTION

186 15 10
                                    

Kay lambing ng boses nito. Gusto niya ang paraan ng pagkakabigkas ng kanyang pangalan. Kay sarap sa kanyang pandinig.

"... baygon ba ang perfume mo?"

Hindi agad nag sink in sa kanyang utak ang sinabi nito. A playful smile drew from his lips. Unti-unting nag-abot ang kanyang mga kilay. Nalukot ang kanyang mukha. Ang nararamdaman niya kanina ay napalitan na ng galit. Bago pa niya matuhod ito ay agad na itong na kalayo sa kanya. Binato niya ito ng ballpen pero nasalo lang nito iyon. He was laughing. Kay sarap ilublob sa isang drum ng asido. Super nakakainis, nakakabadtrip, nakakabwisit!

(At nakakabitin! XD)

"Don't worry. Hindi ko ipagsasabi sa lahat na baygon ang perfume mo." He laughed then walk away.

"MAPAPATAY TALAGA KITA SIM ALVARICO!" Tili niya.

Tumawa ito at muli siyang nilingon. Pakaway-kaway pa ito sa kanya. Lalong naningkit ang kanyang mga mata sa galit. Nang wala na ito sa kanyang paningin ay dinampot niya ang ballpen na binato niya kanina kay Sim. Iyon ang pinagdiskitahan niyang baliin. Iniisip niyang si Sim iyong ballpen at binali-bali niya ang mga buto nito.

"Urrggghhh!"

Frustrated, she sat on the bench. She tried to subside her angry. She tried to relax. Then she inhaled sharply when she remembered the comfort and security she felt when Sim hugged her. Ang tibok ng puso nito, ang hininga nito at ang masuyong pagtingin nito sa kanya. Hala, bakit ganito ang naiisip ko?

She immediately erased that memory.

"Erase! Erase! Erase!" Ginugulo pa niya ang kanyang buhok. Pero kahit ano pa ang gawin niya sa kanyang silky, smooth hair ay ayaw matanggal sa kanyang isipan si Sim. Nanlaki ang kanyang mata nang pumasok sa isipan niya kung paano ngumiti si Sim. Parang pelikulang naka slow motion. Ang mga matang nakangiti rin.

"AAHHHHH!!!" Sigaw niya.

"HOY!" Si Rhea. "Naaaning ka na naman." Lumapit ito sa kanya. "Mahangin sa labas 'te."

She smiled sarcastically and scowled. "Bakit ang tagal mo?" ... kung dumating ka sana agad hindi sana ako mapra-praning ng ganito. Hindi sana ako maloloko ng walang hiyang Sim na iyon... "Asan si Doc Yee?" Hanap niya sa kaibigan.

"Mamaya pa daw siya." Rhea looked closely to her. "Anong nangyari sayo? Ginahasa ka ba? Sino? Ano at Why? Explain briefly."

Tinitigan niya ang kanyang kaibigan. Bakit ba naging kaibigan niya ito? Ay tama, pareho silang magaganda. Ay mali, pareho silang mga diosa, diosa ng mga diosa! Puhahaha!

"Rhea..." Maiiyak na sabi niya.

"Wala akong pera."

She glared at her.

Nagpeace sign sa kanya si Rhea. "Juk lang. Ano ba talaga ngyari sayo at mukha kang ginahasa."

"Si Sim kasi..." Mahinang wika niya.

Nanlaki ang mata ni Rhea. Hinawakan nito ang balikat niya. "OOOOHH MAAAAH GOOODNESSS!! Ginahasa ka niya?"

Sinapak niya ito sa balikat.

"Aray naman."

"Umayos ka nga. Kita mo ngang seryuso ako dito."

Umayos ito sa pagkakaupo. "So di ka nga ginahasa ni Sim? Sure? Final Answer?"

Sinapak ulit niya ito.

"Aray! Nakadalawa ka na ah."

"Umayos ka nga kasi eh!" Naiinis na sabi niya.

"Opo Manang. So ano ang ginawa sayo ni Sim? Bukod sa ginahasa ka niya." Pang-aasar na naman sa kanya ni Rhea.

Hindi nalang niya pinansin ang pang-aasar nito sa kanya. Kinuwento niya dito ang ginawa sa kanya ni Sim minus the feelings she felt when he hugged her.

Tahimik lang si Rhea.

"Hoy, bakit ka na tahimik diyan? Magreact ka nga." Sabi niya kay Rhea.

"Ay, kailangan ko bang mag react?" Wika nito.

Gusto niyang sakalin ang kaibigan. "Nakaka high blood ka, alam mo ba iyon?"

Ngumisi si Rhea. "Relax ka lang. Ang init ng ulo mo."

"Sino ang hindi iinit ang ulo sa ginawa ng kologong Sim na iyon at wagas na pang-aasar mo?" Mainit na talaga ang ulo niya. Gusto niyang kumatay ng tao.

"Ano ang balak mong gawin ngayon?" Tanong ni Rhea sa kanya.

"Gusto kong makaganti sa kutong lupang Sim na iyon. Gusto ko siyang paiyakin! Gusto ko siyang pigain, tadtarin ng pinong-pino at ipakain kay Nepul!" Nanggagalaiting sabi niya.

"Sinong Nepul?" Tanong ulit ni Rhea.

"Aso ng kapitbahay namin."

"Alam mo my very beautiful friend just like me. May naisip akong magandang ideya. Tamang-tama nakita ko kanina si Doc Yee na may ginagawang..." Binulong ni Rhea sa kanya ang magandang plano nito.

Umaliwalas ang kanyang mukha pagkarinig ng plano ni Rhea. Malademonyo siyang tumawa. "I like your idea! Sa wakas makakapaghiganti na rin ako sa kurimaw na Sim na iyon! At mapapasaakin na rin si Ivan." Malademonyong tawa ulit niya.

"HUH!? Bakit na sali sa usapan si Ivan?"

Matamis siyang ngumiti kay Rhea. "Ihingi mo rin ako kay Doc ng potion para sa irog ko."

Sunod-sunod ang iling ni Rhea."Ayaw."

Nabura ang ngiti sa mga labi niya. "Siguro may pagnanasa ka sa Ivan ko no? Kaya ayaw mo ako ihingi ng potion ni Doc para sa kanya?"

Hindi sumagot si Rhea.

"May gusto ka nga sa irog ko!"

"Oo na! Ihihingi na rin kita ng love potion kay Doc." Sabi ni Rhea.

"Good." Ngumisi ulit siya.

The Following Day

Garfield Academy

Laboratory

RHEA's POV

"Doc! Doc! Doc!" Humahangos na sabi niya.

"O?" Maiksing sagot sa kanya ni Yrecka. Hindi humihiwalay ang mata nito sa librong binabasa nito tungkol sa genetic mutation.

Kinuha niya ang libro dito. "Kailangan ko ang tulong mo Doc Yee! Nakasalalay sayo ang kinabukasan ko at ang kaligtasan ng mundo!" Inaalog-alog pa niya ang balikat nito.

"Ano ba! Nahihilo ako!"

Itinigil na man niya ang pag-alog dito. "Kailangan ko ang tulong mo Doc Yee! Nakasalalay sayo ang kinabukasan ko at ang kaligtasan ng mundo!"

"Inulit mo lang ang sinabi mo kanina." Walang ganang sabi nito sa kanya.

"Hehehe..."

"Ano ba ang kailangan mo?" Wala pa ring ganang tanong nito sa kanya.

"Ganito kasi iyon Doc..."

*flashback*

Sepia old film playing

(juk lang, walang flashback.)

Kinuwento niya ang nangyari kay Ann kahapon at kung bakit kailangan

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon