SECOND POTION

236 22 21
                                    

Volleyball Court

Physical Education Class

Walang ka buhay-buhay si Annalie na naglalaro ng jackstone gamit ang bola ng deodorant. Isang linggo na kasing lumipas noong huli niyang makita ang kanyang, my prince charming, my love, my hero, my knight in shining armor, my destiny, etc. sinuyod na niya ang buong Garfield Academy pero kahit anino man lang nito ay hindi niya makita. Nang mabored ay umayaw na siya at pinuntahan si Rhea na nakatunganga lang sa gilid ng court.

"Ang boring... ang super duper mega over to the highest level na boring..." Matamlay na wika niya. Tinatamad siyang kumilos sa mga nakalipas na araw. She sighed. "Kailangan ko ng energy booster at-"

Binigyan siya ng Cobra, Sting, Extra juice ni Rhea.

"Mura lang. Diyes pesos ang isa."

Itinulak niya papalayo ang mga inoffer nito. "Hindi ko kailangan niyan! Ang kailangan ko lang ay bitamina para sa aking mga mata at nang-"

Binigyan siya ng Optein ni Rhea.

Tinapon niya ang gamot. "Hindi iyan ang kailangan ko! Masilayan ko lang ang kagandahang lalaki ng aking, my prince charming, my love, my hero, my knight in shining armor, etc. ay babalik ang dati kong sigla!"

"Drama." Sabi ni Rhea.

Inignora niya ito. Naghugis puso na naman ang kanyang mga mata. As usual, umakyat na naman sa cloud nine ang kanyang diwa. Gumagaan ang kanyang pakiramdam sa tuwing nag de-daydreaming siya sa kanyang my prince charming, my love, my hero, my knight in shining armor, etc.

Naputol ang kanyang pantasya nang may nag-abot sa kanya ng isang larawan. Nanlaki ang kanyang mga magagandang mata nang makilala kung sino ang nasa larawan. Ang kanyang my prince charming, my love, my hero, etc.! Dali-dali niyang kinuha ang larawan mula sa nag-abot at tinitigan ng maigi ang kanyang my prince charming, my love, etc. Agad niyang pinunasan ang tumutulong laway. Nakiusyuso naman agad si Rhea. Napasinghap ito nang malakas pagkakita sa larawan. Agad din naman nitong tinakpan ang bibig nito.

Tinignan niya ang babaeng nag-abot sa kanya ng larawan ng kanyang my prince charming, etc. Ito ang babaeng extra lang kuno sa kwentong ito na nakilala nila noong freshmen welcome party. Tinignan niya ito ng masama.

"Bakit may ganitong larawan ka ng aking my etc.?" Buong pagtatakang tanong niya sa babaeng extra lamang kuno sa kwentong ito.

"Sino ka bang talaga?" Tanong ulit niya. "Bakit palagi ka nalang sumusulpot sa eksena? Umaattend ka bas a mga acting workshops ng telekoreanobelang ito? Bakit palagi kang wala sa timing?!" Sunod-sunod na tanong niya sa babaeng extra lang kuno sa kwentong ito.

"Ganito talaga ang role ko sa telekoreanobelang ito. Kaya dapat masanay ka na. At tungkol naman sa larawang iyan, napulot ko lang 'yan sa basurahan noong nag sa-sideline akong basurera sa kabilang estasyon." Sagot ng babaeng extra lang kuno sa kwentong ito.

"May ibang kopya ka pa ba niyan Ale?" Rhea interrupted.

"Meron. Sengkwenta isa." Agad na nilabas ng babaeng extra lamang kuno sa kwentong ito ang mga iba pang larawan ni Ivan.

"Pabili!" Super excited na wika ni Rhea.

She glared at Rhea. "Akala ko ba wala kang pagnanasa sa my etc. ko?"

As usual eksaherada na naming tumawa si Rhea. "Bwahahaha! Wala nga!"

"Kung wala, bakit ka bumibili ng mga larawan ng my etc. ko na may kalakip pang pananasa look." Pinandilatan niya ito.

Eksaheradang tumawa ulit si Rhea, "Panakot ko lang to sa mga daga. Ang dami kasi sa bahay."

She frowned. Bumili ng apat na larawang si Rhea at dali-daling binayaran ang babaeng wala pa ring pangalan. Pagkabili aya agad itong umalis habang tumatawa na parang galing sa mental ni Afa-chan(http://www.facebook.com/pages/Afa-chans-Mental-Hospital/147178851996222-pa like po.).

Pailing-iling niyang tinatanaw ang papalayong kaibigan. "Ang weird 'nun. Katulad ng manunulat ng kwentong ito." Binalingan niya ang babaeng ekstra kuno sa kwentong ito na hanggang ngayon ay wala pa ring pangalan. "Ano nga ang pangalan mo Miss?" Tanong niya dito.

"Yrecka. Yee for short." Sagot ng babaeng ekstra kuno sa kwentong ito na may pangalan na rin sa wakas. Yrecka offered a handshake.

Nakipag shake hands siya dito. "Nice meeting you Yrecka. Ako nga pala si Ann." Ningitian niya ito. "Ang ganda naman ng ispiling ng name mo Doc."

Nagkasalubong ang kilay ni Yrecka. "Huh?"

"Ang sabi ko, ang ganda ng ispiling ng name mo Doc. Bingi!"

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Yrecka. "Bakit mo ako tinatawag na Doc?"

"Ang cool kasi."

Halos mag-isang linya ang dalawang kilay ni Yrecka. Hindi siya nito ma gets.

"Saka utos ng manunulat Doc."

"Ewan ko sa inyo. Magsama kayo ng weirdong manunulat ng walang kwentang telekoreanobelang ito!" Nag walk out ito.

(Fast forward, katamad eh. XD)

Lumipas ang mga araw ay naging magtalik na magkaibigan sina Ann, Yrecka at Rhea. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto naman siyang inaasar ni Sim. She really wanted to kill that annoying man. Gusto niyang ibitin ito ng patiwarik sa puno ng saging at pausukan or di kaya'y sunugin nalang ng buhay. Pero agad din naming naglalaho ang kanyang galit at pagkainis sa tuwing nasisilayan niya ang kanyang lab ob her layp. Si Ivan Golbez Crew. Makita lang niya ito ay nagiging kompleto na ang kanyang araw.

PERO HINDI ALAM NI ANN NA MAY ISANG PUSO NA LIHIM NA NASASAKTAN. (Chos!)

Rhea's POV

Nakaupo lang siya sa gilid ng basketball court. Lihim niyang pinagmamasdan si Ivan na naglalaro ng basketball kasama ang mga kabanda nito.

"May gusto ka kay Ivan no?" Wika ng isang boses sa kanyang likuran.

Nilingon niya ang nagsalita. Tumabi ito sa kanya at ngumiti. Lumitaw ang dalawang dimples nito. Cute! Pero sino ba ito? Another extra na naman?

"Ha?" Nagtataking saad niya.

"Sabagay, sino ba naman ang hindi ma-iinlove sa lalaking iyan?" Tinignan nito si Ivan ng ilang segundo at muling ibinaling sa kanya ang tingin nito. He then smiled again. "Lamang lang siya ng isang paligo sa akon." He chuckled.

She almost gasped when she heard him laugh. Tila nagsi-awitan ang mga anghel nang tumawa ito. Napakaganda sa pandinig ang tawa nito. Pero sino nga ba talaga ito?

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon