THIRTEENTH POTION

66 6 2
                                    

She woke up when she felt someone was caressing her hair and at the same time someone was lightly kissing her on her forehead. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakita si Sim na nakatunghay sa kanya. Automatic na sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Gusto mo ng tubig?" Agad na tanong nito sa kanya.

Marahan siyang umiling. Kumikirot ang kanyang ulo. Napahawak siya doon. "Anong nangyari?" Tanong niya dito. Parang pinukpok ng martilyo ang kanyang ulo. Medyo nahihilo pa siya. Her memory was clouded. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa sakit.

"Hinimatay ka." Anito. Ngumiti ito pero nababakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. "You still haven't changed Ann. Lampa ka pa rin." He chuckled as he caressed her cheeks. "Go back to sleep." Marahang utos nito sa kanya. Itinaas nito hanggang dibdib ang kanyang kumot.

Sunod-sunod ang kanyang pag-iling. "Ayoko. Baka paggising ko wala ka na." Natatakot na wika niya.

Sim sweetly smiled at her. "Hindi kita iiwan. Dito lang ako. Babantayan kita." Malambing na wika nito.

Hinawakan niya ang kamay nitong humahaplos sa kanyang buhok. "Promise?" Parang batang sabi niya na tila takot  maiwan na mag-isa.

Sim held her hands tightly and gently squeezed it. "Promise. Just like the old times, I won't leave you Ann." He even raised his other free hand to make a promise sign.

She smiled at him and contentedly went back to her sleep. Kampante siya dahil alam niyang hindi siya nito iiwan. Just like the old times, lagi itong nasa tabi niya para bantayan siya sa pagtulog.

Hinahaplos ulit nito ang kanyang buhok.  "Babalik na naman tayo bukas sa dati. You will not even remember we're having this kind of conversation."  Mahinang wika nito. Nababakas sa mukha nito ang kalungkutan. He sighed deeply.  

"What did I do that made you hate me this much Ann?" Mahinang tanong nito sa natutulog na dalaga. Pinunasan ang tumutulong laway ng dalaga.

A sad smile drew from his lips. "Sleep well Ann." He said softly and kissed her goodnight.

Tiktiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiilaaaaaaaaaaaa—ooooooooooooooook?

Tiktiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiilaaaaaaaaaaaa—ooooooooooooooook?

Tilaaaaaaaaaaa—oooooooooooooook?

Tiktiiiii—

Tiktiiiii—

Tiktiiiii—

Tiktiiiii—

—ooooooooooooooook?

—ooooooooooooooook?

—ooooooooooooooook?

Agad niyang pinatay ang naglolokong alarm clock niya. Pikit ang isang matang tinignan niya ang orasan.

6:30 AM

Maaga pa. 7:30 pa kasi ang kanyang pasok every Thursday. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata para balikan ang kanyang magandang panaginip. Si Ivandale. Ang kanyang pinakamamahal na prince charming. Sa kanyang panaginip ay hinaharana siya nito. Kinakanta nito ang kanyang fave song na Baby, I love you na originally sang by Tiffany Alvord.

There are three words, that I've been dying to say to you

Burns in my heart, like a fire that ain't goin' out

There are three words, & I want you to know they are true...

I need to let you know

I wanna say I love you, I wanna hold you tight

I want your arms around me & I, want your lips on mine

I wanna say I love you, but, babe I'm terrified

My hands are shaking, my heart is racing

Cause it's something I can't hide, it's something I can't deny

So here I go...

Baby I lo-o-o-ve you

Kay ganda talaga ng boses nito. Lalong naghugis puso ang kanyang mga mata at tuluyang tumulo ang kanyang laway nang ningitian siya nito. Muntikan na rin malaglag ang kanyang panty ng lumuhod ito sa harap niya at—

"Anong ningingi-ngiti mo dyan?" Tanong ng isang boses.

Nabura ang kanyang ngiti. Kaboses ni Sim ang nagsalita. Impossible. Ano naman ang ginagawa ni Sim dito? Hindi niya pinansin ang boses at muling bumalik sa kanyang napakagandang panaginip.

Her heart melted when he kissed her hands. Ma-iihi ata siya sa sobrang kilig.

"Gising na! Malalate na tayo!" Utos ng boses sa kanya.

Hindi pa rin niya ito pinapansin. Ninanamnam pa niya ang—teka lang! She suddenly remembered what happened last night!

"Ayaw mong bumangon huh!?" Pagbabanta ng boses sa kanya.

Napadilat siya. Nanlalaki ang mga mata, nakaawang ang bibig at lumalaki ang butas ng kanyang ilong. Si SIM nga! Nakatayo ito sa paanan ng kanyang kama. He was in his school uniform. Halatang bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok nito. Both of his hands were on his pocket.

Oh syet, wet look! Ka gwapo talaga! Teka, teka, teka, bakit niya pinupuri ito? Pinilig niya ang kanyang ulo to erase those compliments that were running on her head.

Salubong ang mga kilay na nakatitig ito sa kanya.

Napatili siya nang biglang hinila nito ang kumot niya at hinatak siya nito pababa ng kama.

Boggggsssshhh

Bumagsak siya sa sahig.

"Araaaaay!" She shouted the moment her body kissed the floor. Napaka brutal talaga nitong lalaking ito. Nilingon niya ito. She gritted her teeth. Nanlilisik ang kanyang mga mata at lumalaki ang butas ng kanyang ilong sa galit. She clenched her fist. Kinuha niya ang kanyang tsinelas na nasa ilalim ng kama at sumugod dito.

"Hiyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw niya.

Baaaaaaaaaaaaaaaaagggssssshhh!

Boooooggggggsssssh!

Plaaaaaaaaaaaaaaaaaank?

Sinapok siya nito ng unan sa mukha. Napatumba siya sa kama.

"Maligo ka na. Malalate na tayo." Aroganteng utos nito sa kanya sabay labas sa kanyang kwarto.

Tumili siya sa sobrang pagkainis niya sa lalaking iyon.

"I HATE YOU SIMEON ALVARICO!" She screamed. Wala siyang pakialam kung magising ang buong Korea sa lakas ng tili niya. She really, really, really irritates him. Tatanda siya ng maaga kung lagi niya itong makikita. Mamatay siya sa konsimisyon.

Ginawa niyang punching bag ang kanyang unan para ilabas ang sobrang pagkainis.

"I hate you! I hate you! I hate you! I hate you! I hate you! I hate youuuuuuuuuuuuuuuuuu!"

Pero imbes na mawala ang pagka inis niya ay nadagdagan pa nang maalala niya ang mga nangyari kagabi. Ito ang dahilan kung bakit siya hinimatay kagabi. Hindi siya mababangga sa nakaharang na pinto kung hindi ito makikituloy sa kanila. Sa lalaking iyon na rin niya sinisisi ang problema kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagbabati ang South at North Korea. Lahat ng problema sa mundong ibabaw ay isisisi niya sa lalaki. Baliw na kung baliw. Makita pa lang kasi niya ito ay problema na ang dala nito sa kanya. Hari ito ng mga problema. Ano na naman ba ang masamang binabalak nito at ipinagsiksikan nito ang sarili nito sa tahimik, mapayapa at magandang buhay nila. Sambakol ang mukhang pumasok siya sa loob ng banyo. Padabog niyang binuksan ang shower. At napuno ng tili ang loob ng banyo.

"Ang lameeeeeeeeeg. Bwisit ka talaga Sim!"

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon