Prologue

3.8K 114 24
                                    



Palinga linga ang mga mata ni Maxine sa paligid ng Northfield Academy. Unang araw niya sa pagiging college student niya. At dahil college na siya ay hindi na siya sinamahan pa ng kaniyang ama sa pagpasok. Dalaga na daw siya kaya dapat ay matuto na siyang tumayo sa kaniyang sariling paa. Tutol man siya ay wala naman siyang nagawa dahil maging ang kaniyang mama ay iyon din ang sinabi.

Kanina pa siya palibot libot ngunit hindi pa rin niya makita ang bulletin kung saan nakasulat ang magiging schedule niya. AB in Film and Audio Visual ang kinuha niyang kurso. She was very fascinated in acting and directing. Infact, she was the main lead actress of her former school's theatre arts club. Bata pa lang siya ay hilig na niyang sumali sa mga play sa kanilang school. Masaya siya sa kaniyang ginagawa at masaya din siya na suportado siya ng kaniyang pamilya. Ang mga magulang niya ang number one fan niya. She was only child kaya naman ginagawa ng kaniyang mama at papa ang lahat upang masuportahan ang lahat ng gusto niya. Sinikap ng mga magulang niya na sa isa sa mga sikat na international school siya makapag-aral. But she was never been a spoiled brat.

Lumiwanag ang kaniyang mga mata ng makita na niya ang kaniyang hinahanap. Papalapit na siya ng may bigla na lamang sumulpot sa kaniyang daraanan. At dahil sa pagkabigla ay hindi niya napaghandaan ang mga sumunod na pangyayari. Namalayan na lamang niya na nakaibabaw na pala siya sa katawan ng isang lalaki. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata.

"Oh my God!" naibulalas na lamang niya. Mabilis na tumayo siya.

Kitang kita niya ang galit na mukha ng lalaking nadaganan niya. The guy was long hair. Bahagyang nalagyan ng ketchup ang mukha nito.

"Alam mo ba kung sino ang binabangga mo ha?" galit na tanong nito nang makatayo. Naniningkit ang mga mata nito palapit sa kaniya.

"I'm so sorry, hindi ko po sinasadya." Hinging paumanhin niya.

"Talaga? Nalalaman mo ba kung ano ang ginawa mo? You ruined my hair!" bulyaw nito sa kaniya.

Hindi na niya nagustuhan ang pagbulyaw nito sa kaniya.

"Teka teka! Humingi na ako ng despensa di ba?" hindi niya maiwasang magtaray. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang sinisigawan ng wala naman sa katwiran.

Napangisi ito. "Aba't malakas pa ang loob mo na magtaray ha? Hindi mo ba ako kilala?" anito sabay turo sa sarili.

Pinagtaasan niya ito ng kanang kilay sabay tingin dito mula ulo hanggang paa. "Hindi? But I know the likes of you! Isa kang spoiled brat na walang ibang ginawa kundi humingi ng pera sa magulang!" dire-diretsang saad niya.

Nagulat na lamang siya ng may humablot sa buhok niya.

Anak ng...!

In Your Arms AgainWhere stories live. Discover now