Chapter 29: Bad news

2.3K 40 1
                                    


JIA'S POV 


*Ting!* 


Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko para tingnan kung sino yung nag-text. 


Sana si Jho..


Sana sya na.. 


Pero nabigo ako no'ng nakita ko kung sino yung nag-text. 


8080 

Hi! Get FREE 40MB of mobile surfing, valid for 1 day/s! Just load at least 50.0 by 12/26/20**! Expect your reward in 24 hours. This is a free advisory. 


-______________________- 


Bababa na nga lang ako, itatanong ko nalang si Jho kila Mich, baka dumating na. 


Time Check: 6:35 AM. 


Hays, ang aga pa pala. 


Pagbaba ko sa living room, walang tao kaya binuksan ko yung TV. UKG palang, aga pa nga talaga. Makikinig muna akong balita, naks! Good girl, updated sa news! Joke haha. 


Hindi ko ba alam sa sarili ko pero bigla akong napatingin dun sa babang part ng TV. Yung may mga news na nasa line ganun ay? Basta yun. 


"Volleyball player ng Ateneo Lady Eagles na si Jhoana Maraguinot, natagpuang sugatan sa kanyang sasakyan kaninang ala una ng umaga. Siya ay itinakbo sa *** Hospital. Kung sino man po ang may contact sa mga kapamilya nya, pakisabi nalang po." 


Dali-dali akong pumunta kila Mich na kasalukuyang nagpre-prepare ng breakfast. 


"M-mich...." Tiningnan nya lang ako. 


"Oh, Jia? Ano nangyari sayo?" kinapa nya yung noo ko. "Ba't nanlalamig ka? May sakit ka ba ha?" tanong nya. 


"Mich... Si Jho...." sabi ko sakanya. Hays, di ko masabi. Pero, hindi kaya namalik mata lang ako sa nakita ko sa tv? EH HINDI PWEDE! Kitang-kita ko kasi eh! 


"Oh? Ba't si Jho? Di pa nga umuuwi eh, umaga na." binalik nya ang tingin nya sa mga sandwiches na inaayos nya. 


"Mich... ano kasi... Si Jho.. nabalitaan ko, na-aksidente d-daw sya..." sabi ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sakin, sana namalik mata lang ako. Please po.... 


"Yan kasi, kapapanood mo ng mga horror na may bidang naa-aksidente, pati pa si Jho, eh dinadamay mo na, Jia." seryosong sabi ni Maddie.


"Wag kang nagbibiro nang ganyan, Ji. Hindi nakakatuwa yng acting mo, sa totoo lang." sabi ni Ana. 

Unexpected (JhoBea Fanfic) [MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now