Chapter 28: Phone call

2.1K 36 4
                                    


JHOANA'S POV 


Nagtatawanan kami ng teammates ko habang pinapanood yung Episode 5 ng The Legend of the Blue Sea nang biglang mag-ring yung phone ni Mich. Hmm, may tumatawag.  Nako, nako, di nagkwe-kwento si Mich! Tas yun pala, daddy nya ano? Ay epic! Hahahaha. 


"Jho, si Bea." uneasy na sabi ni Mich sakin. Bigla namang kumabog yung dibdib ko nung narinig ko yung pangalan ni Bea. 


Dahan-dahan kong kinuha yung phone ni Mch tapos lumabas ako. 


"Hello?" sabi ko.


"Hello, Jho..." malamig nyang sabi. 


"B-bakit?" Gosh, grabe tong nadarama ko. 


"Ah, kamusta?" malamig pa ring sabi nya.


Magpapasko na nga, malamig na, tas idadagdag pa yung lamig nya. ): 


"Ah, okay naman ako! ikaw ba? Hehe." tinry kong maging jolly para ma-ease yung awkwardness sa pagitan naming dalawa. 


"Okay lang rin." sabi nya, awts, sakit naman, ang cold! Pero seryoso, okay na rin ito, at least nakakausap ko sya. 


"Tama na muna, Jho, okay?" biglang sabi nya. 


"Huh? Sige bukas nalang." sabi ko naman nang may pagtataka. Seriously, di ko talaga sya ma-gets. 


"No, I mean wag na tayong mag-usap okay? Nakakapagod ka na kasi eh. Alam mong lagi akong pagod galing training noon, pero sumasabay ka pa. Hindi ka man lang marunong maka-appreciate sa binibigay kong time sayo. Yung kahit sobrang pagod ko na, sige,makikipag-usap pa rin ako sayo kasi nababahala ako na baka ma-fell out ka nalang bigla. Sobrang mahal kita, sobra, as in. Pero pagod nako, siguro nga eto na yung sign na kailangan na natin tumigil. Kaya ako tumawag para putulin ang anumang namamagitan sa atin. Okay, AYOKO NA. Ayoko na ituloy to, Jho. Ayoko na sayo. Bye." mahabang sabi nya, tapos ibinaba nya na. 


........Hindi ko alam. 


Pero bigla ko nalang naibaba yung phone ni Mich tapos dali-daling kinuha yung car keys ko sa bulsa ko tapos pumunta sa car ko, then nag-drive. 


Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero.... ang alam ko lang, gusto kong umalis ngayon. Gusto kong maglabas ng sama nang loob. 


Sobrang sakit kasi eh. Yung taong hinintay mo, yung taong sobrang mahal mo, iniwan ka na. Iniwan ka na kasi ayaw na sayo. 


*ting!* 


Nagtext si Mich. 


Michifu 

Jho, asan ka? Gabi na, uwi na u. 

Unexpected (JhoBea Fanfic) [MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now