Are we Still Strangers? [4]

1.3K 51 3
                                    

Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa may plaza. Apat na araw nang sila. Buti na lang at gabi na at nakasuot siya ng jacket. Lagot na ang image niya kung may makakakita pa… Hindi na nga siya masiyadong kilala eh lalo pa siyang hindi makikilala dahil may ka date siiyang isang baduy.

Hindi naman talaga sa baduy si Sheena. Sadyang hindi lang sya marunong pumorma. Kaya ayun, nagmumukha siyang baduy.

“Ilibre mo naman ako nun!” sabay turo ni Sheena sa may siomai.

“Eh? Wala ka bang pera?” sabi naman ni Troy.

“Meron. Pero di ba ‘tayo’? kaya ilibre mo na ako…”

“Tssss..” agad naman nagtunog si Troy sa may siomai-yan at binalikan na si Sheena na may dalang siomai.

“Oh ayan na..! Siomai mo!”

“Thank you!” sabi ni Sheena. “Upo ka na sa tabi ko.” Pinat pa ni Sheena yung uupuan ni Troy.

“Alam mo, hindi kita maintindihan. Ano ba kasing plano mo??” tanong  ni Troy. Kahapon pa siya nabo-bothered sa mga sinasabi ni Sheena.

“Ayun nga! Nasabi ko naman na hindi ba? Yung about kay Tanya, yung about sa iyo. Ayun… Yun lang yun.” Sabi ni Sheena.

“pero ano nga? Bakit mo ginagawa yun?” Tanong ni Troy.

“May gusto lang akong patunayan…” sabi niya.

“Patunayan???” isang nakakabagabag na salita na naman para kay Troy. For sure mababaliw na naman siya kakaisip mamayang gabi.

“Ay pag-usapan na lang natin yung about sa atin!” sabi ni Sheena.

“Paanong sa atin?”

“Meron kasi akong gustong mangyari habang tayo! Susulitin ko na!” sabi niya habang tumatawa.

“Baliw.” Sabi ni Troy saka umirap.

“Ano ka ba, for sure mag eenjoy ka rin dito.” Sabi niya.

“Okay, EH ano ba 'yun?”

“Yung una, gusto kong makasakay sa Ferris Wheel!”

“Gusto mo mag perya?” Tanong ni Troy.

“Oo. Pero… Kapag wala nang tao. I mean, kapag sarado na yung perya.” Sabi niya.

“Adik! Eh hindi na pwede yun!” sigaw ni Troy. Kumokontra na siya ngayon lang. Alam niya kasing mahihirapan na siya eh.

“Kaya nga gusto kong mangyari yun eh! Okay? Gawin natin yun sa first week natin! Okay? Then yung second, sunset sa itaas ng bundok. Gusto kong makakita ng sunset mula sa bundok!”

Are we Still Strangers? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon