Are we Still Strangers? [3]

1.3K 45 6
                                    

“Magiging tayo ng isang buwan…”

 

 

“Magiging tayo ng isang buwan…”

 

 

“Magiging tayo ng isang buwan…”

 

 

“Uwaaaaaa!!!!” Sigaw ni Troy. Patuloy na ume-echo pa din sa tenga ni Troy yung mga sinabi ni Sheena sa  kanya. “Sabi ko na nga ba! Black mailer yung babaeng yun! May gusto lang sa akin yun kaya niya sinabi yun! At ang tanga ko naman! Bakit ako pumayag! Grrrr!” sige lang ang pagsuntok ni Troy sa unan niyang nasa kama.

“Hoy Troy!” sigaw naman sa kanya ng nanay niya. “Huwag ka ngang maingay! At nabubulahaw mo ang mga kapitbahay!”

“Tssss.” Napasimangot na lang si Troy. “badtrip na babae yun.. Ano naman ang naisipan at sinabi niya yun. AKo naman itong tatanga-tanga, at uto-uto, pumayag!” napatayo siya. “Kung tutuusin, pwede naman akong humindeeee! Pwede naman ahhh! Bakit hindi ??!!!”

“Hoy Troooy!!!” Kinalampag na ng mama niya yung pintuan ng kanyang kuwarto.

“S-Sorry!” Naiinis, nababadtrip, at tila gusto na niyang pumatay pero … no choice. Naka OO na siya kay Sheena.

**Kinabukasan.

“Good Morning!” masayang bati sa kanya ni Sheena pagkalabas na pagkalabas pa lang ng bahay.

“Yo.” Sabi ni troy habang namamaga ang mga mata at nanlalamya ang hitsura.

“Oh? Hindi ka nakatulog? Siguro kakaisip sa akin noh?” sabay kiliti pa niya sa tagiliran ni Troy.

“In your dreams.” Sabi ni Troy.

Agad naman sumakay si Sheena sa likuran ng bisikleta.

“Oy, mamya mag date tayo sa plaza ah?” sabi ni Sheena.

“Huh? Eh may gagawin ako mamaya! Kasama yung mga kaibigan ko!” pagrereklamo ni Troy.

“Okay, sasabihin ko na lang kay Tanya na super super crush mo sya to the point na ang dami dami mong pictures sa—“

Biglang gumewang yung bike. Kaya naman napakapit sa bewang ni Troy si Sheena.

Thump. Thump. Thump.

“O sige na sige na… S-sasama na ako sa iyo.” Sabi ni Troy kay Sheena.

“Thank youuuu!” tuwang tuwa namang sabi nito. “At oo nga pala, wag kang mag-alala, walang ‘tayo’ sa school at kapag naka uniform tayo. Pero kapag wala tayo sa school, at hindi tayo naka uniform,‘tayo’ ulit. Gets?”

“Huh?”

“Basta.. kapag nasa school tayo, classmates lang tayo. At wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Tanya na nakatira tayo sa iisang bahay. Saka, walang sinuman ang makakaalam na may ‘tayo’ sa school kasi di ba sabi mo , we’re strangers?”

“O yeah. Sure.” napasimangot na lang siya at nagpidal ng bongga.

Nang makarating na sila sa Kanto, binaba na ni Troy si Sheena at pumara na naman ito ng tricycle.

** School. English Time.

“Guys, magkakaroon kayo ng report. By three’s.” sabi nung teacher. “Kayo na ang bahala na mag group sa sarili niyo. Then after that, get one fourth sheet of paper, write it there the name of the members and then pass it to me—“

“Ma’am, eto na po yung group namin.” nagpasa na agad si Sheena ng papel.

“Oh…kay?” kinuha na ng teacher ang papael at binasa ito. Napaangat naman agad ang teacher ng ulo at inannounce kung sino ang mga magkakagrupo. “SO the first group will be… Sheena, Tanya… and.. TROY.”

Bigla naman nanlaki ang mata ni Troy. “Whadaheck.” Bulong niya sa sarili niya. Agad naman niyang tinitigan ng masama si Sheena habang si Sheena naman ay nakangitin sa kanya.

“Wow, hindi ko alam na close pala kayo ni Sheena.” Sabi bigla ni Tanya.

Bigla naman siyang bumalik sa normal. Nakita niyang nakatingin ito, si Tanya, sa kanya habang nakangiti.

“Ah-Ahh.. o-oo? Medyo. Hindi ko alam.”

“Well, sana magawa natin ng maayos yung report.” Sabay kindat.

Shoooot! Kinausap ba ako ni Tanya? Hindi nga?? Halos hindi makapaniwalang tanong ni Troy sa kanyang sarili. May binigay naman na libro si Sheena sa kanya.

“Oh, ayan daw yung irereport natin. Page 3.”

Kinuha niya ito at tinignan ang page 3. Nang may napansin siyang nakasingit na papel dito… binasa niya ito.

“Tutulungan kita mapalapit kay Tanya. Pero habang hindi pa kayo nagiging okay, may ‘tayo’ muna ha? :D – Sheena”

Napatingin naman si Troy kay Sheena na hanggang ngayon eh nakatayo pa din sa harapan niya. Ngumiti naman si Sheena sa kanya.

“Ahhh?” nagtatakang tanong ni Troy.

“Ay Tanya!” bumaling naman si Sheena kay Tanya.

Okay? Tutulungan niya ako kay Tanya? Pero habang ginagawa niya yun eh kami? Paano yun?.. Ano bang binabalak ng babaeng ito? Ang weird talaga…

Oh well, papel. Ano na lang ang mangyayari?

Abangan na lamang natin ;)

Ang may akda,

Rizza Maruja <3

---

Are we Still Strangers? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon