Are we Still Strangers? [1]

6.3K 67 7
                                    

“Sheeeeeeenaaaaa!” sigaw ni Troy habang tumatakbo papasok sa eskuwelahan.

“Hahahaha! Habulin mo ako! Ang bagal mo kasi! Ayan! Hindi mo ako mahabol! Tsk. Tsk..” patuloy naman si Sheena sa pagpidal sa bisikleta.

“Eh paano kita mahahabol? Naka bike ka, shunga!” hingal na hingal na sabi ni Troy.

“Habol ka na lang! Ah oo nga pala! Yung lunch natin nasa bag mo! Baka maalog!” sigaw naman ni Sheena.

“Ano?” Biglang napatigil si Troy at binuksan ang kanyang bag. At yung lunch boxes? Ayun, natanggal ang takip at nagkalat ang pagkain sa loob ng kaniyang bag. Sayang naman. “Loko ka talaga Sheena hindi mo agad sinabiiiii! Humanda ka sa kin mamaya pag-uwi!!” at nagpatuloy na siya sa pagtakbo.

Sina Sheena at Troy?

Hindi sila magkaibigan.

Hindi sila magkamag-anak.

Wala silang relasiyon. Except sa salitang ‘tayo’.

And they are totally STRANGERS.

Pero… sa iisang bahay sila nakatira.

Paano nangyari?..

Simulan natin ang kuwento. 

***

** FIRST **

“Anak, pakiayos naman yung isang kuwarto dun. Dadating na kasi yung anak ng kaibigan ng Daddy mo eh."

Napatigil ng  bahagya si Troy sa kanyang ginagawa. “Ho? Eh pwede po bang mamya na lang?” patuloy pa din si Troy sa pagsusulat. “Madami pa po akong ginagawa eh.” Sagot niya sa kanyang Mommy.

“Eh ano ba yang ginagawa mo? Assignment?” Akmang lalapit na sana ang Mommy ni Troy sa kanya kaya naman bigla niyang itinago ang kanyang sinuslat.

“Wag na kayong lumapit! Sige na sige na, ako nang bahala dun sa kuwarto!” sabi niya saka tumayo. Kinaladkad na din niya yung Mommy niya papalabas ng pintuan. “Sige na Mom, ako na ang bahala.” Saka niya sinara yung pinto.

Muntikan nang Makita ni Mommy yun ah.. Tssss. Sabi niya sa kanyang sarili. Kinuha niya ulit yung notebook na kanina niya pa sinusulatan at tumambad sa kanya ang napakaraming pangalan, pictures at doodle niya sa super,duper crush niyang si --- TANYA.

“Hay Tanya..” Pag de-day dream niya. “Kailan ka magiging akin? Haaaay…” at saka niya nilunod ang sarili niya sa pananaginip ng gising..

Ah, kung hindi niyo pa siya nakikilala, ang pangalan  niya ay Troy Montero. Medy pamilyar? Oo, Troy Montero nga. Hindi ka nagkakamali. Kapangalan ng kapatid ni KC Montero. Yung pogi? Yung Artista? That's him!

Are we Still Strangers? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon