Step 22: BVD!!

5.3K 114 16
                                    

Step 22: Bitter Valentine’s Day!!

 

 

February 14.

Valentine’s Day, birthday ni James.


I’ve been texting Kai, hindi siya nag-rereply o tumatawag. At parang ang layu-layo ng bahay namin ah! Nai-inis na ‘ko! Maybe he’s getting along with someone!

Hay! Valentine’s pa naman..

Siguro ganito yung naramdaman ni Sephie noon. Gusto mo rin bang maramdaman ko ‘to Sephie? Sabagay.. Hiram ko lang naman siya eh.


Lunch time hanggang gabi, Masquerade party. Tapos gabi hanggang madaling araw, club party. Ang yaman ni James. Sa bahay nila gagabapin yung events.


Kung hindi pupunta si Kai, then ‘wag! Sumama siya kay Nadine. They could make their baby tonight!! I don’t care..


How I wish I really don’t.


Ayoko nang umiyak. Ayoko nang atakihin ng asthma.


I got ready. Nag-insist si James na kung hindi pa raw dumadating si Kai 10 mins. before time, siya na ang susundo sa’kin since naka-gown nga ako.

MAbait naman pala si James eh. Ma-angas lang talaga.. Pero hindi pa rin ako makatitig nang matagal sa kanya. Nakaka-takot eh.


Nag-bihis na ako. Nagamit ko ngayon yung mga tinuri ni Shirley about make-ups. I miss her. L

Natapos ako, saktong may bumusinang kotse.

Napa-takbo ako sa bintana..


Oh. It’s James.


Bahala ka Kai. Magpapaka-saya rin ako ngayong gabi.


”Hey, you look hot.” James says, looking at me from head to toe. Nakaka-ilang since medyo daring yung gown ko.


Halter tapos medyo may labas sa cleavage ko. It’s Shirley who bought this. =__=

“Stop it.”

“Buti ‘di dumating syota mo. Masusulot kita ngayon.”


I’ll take that as a joke. Kahit na napaka-seryoso ng pagkaka-sabi niya.


“Since wala kang date, ako ang date mo. Birthday at Thank you gift mo na sa’kin.” May magagawa ba ako?

I sighed in response.


Nung dumating kami, Na-shock ako sa laki ng place nila. Elegant.


”Asan parents mo?” Puro teenagers ang nakikita ko eh.

“Not here. Nasa States sila. This is EXCLUSIVELY for friends and schoolmates.”


Medyo kinabahan ako nun. Ibig sabihin, wala kaming kasamang parents or relatives niya.

Calm SuShi. Atleast marami pa rin kayong magka-kasama. Si Jen kasi, hindi sumama. I can’t see my classmates, too. Nakakahiya namang mag-reklamo, hindi ko naman party ’to.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon