Step 13: Doubts & Realizations

6.2K 134 8
                                    

Kharu’s corner:

GUUUUUUUUUUUUYS!! Sorry talaga sa late update. Dapat nung isang araw pa, kaso wala talagang internet. Sorry talaga. Kaya ayan, dinamihan ko na. Pasensya talaga.. Godbless!!

SuShi and Sephie's Pic------>

***********************************************************

Step 13: Doubts—Realizations.

Naguguluhan na ako.



Ano ba ‘tong nararamdaman ko? I hope it’s not something… deep.


UGGH!! I don’t know what to do. I don’t want to think of it..


I don’t want to fall for him.


CRAP. My plan was to make him fall for me!! Well yeah, I did that part.


Pero kasama ba na pati ako mahuhulog sa kanya? I might be a newbie when it comes to love, but of course I know what I feel! And I’m not liking it..


Ayoko. Hindi pwede..


Kinuha ko yung picture naming dalawa ni Sephie.. Kinuha ‘to nung umuwi siya nung 15th birthday namin. Ang hilig talagang mag-pout ni Sephie sa pictures..

Nagulat nga ako nun kasi pina-dye niya ng dark brown yung buhok niya, eh ako blonde pa rin nun. Ngayon, pina-brown ko rin naman ang buhok ko.

Dear twin sister.. Help me..


Feeling ko, tina-traydor kita eh..


Ginawa kong lahat ‘to, para sayo.. To take revenge..


Ayoko ring baliin ang promise ko.. He may be special to me, pero sa mga oras na ‘to, mas matimbang ka pa rin, Sephie.



Kailangan ko nang matapos ‘to. Para maka-balik na ako sa dati kong buhay..


Siguro, nai-infatuate lang ako.. Or naa-attract sa looks niya. Or most probably, kasi ang bait niya sa’kin. Siya lang ang nag-pakita ng ganun sa’kin bukod sa family ko.

But of course, everything is unreal.

I’m unreal, my identity is unreal.. His love is unreal.

Malay ko ba kung anong ini-isip niya?!


But he always looks sincere..



UGGGH!! Ako na mismo ang nakikipag-talo sa sarili ko!! I hate it!!




Sephie.. Please give me a sign.. Hindi ko alam kung anong opinion mo sa mga ginagawa ko eh.. Nami-miss ko na yung mga advice mo..


Mahirap kang pantayan Sis, lahat tinitingala at nire-respeto ka. Masyadong mataas ang expectations nila..

Mahirap ma-reach yun, lalo na kung hindi naman ako katulad mo.. Hindi tayo magkapantay sa mga ganitong bagay..


Ayokong masira ang pangalan mo sa school.


I need a company!! Hindi ko na kaya, mababaliw na ’ko!!


I called Trish. Jen’s out of town. Weekend naman kasi.



“Hello, Seph?”

“Trish.. Busy ka?”

“Hmm.. Considered bang busy ang pagb-boyhunt sa TV? Haha!! Bakit, may problema ka?”

“I badly need a company..”

“Oh sure, maya-maya kakatok na ‘ko. Haha!!”

Binaba niya yung phone, mga two minutes, nag-doorbell na siya.


“Oh Ba------“ Pagka-pasok niya, niyakap ko na kaagad siya. Siya na yung naging big sister ko. Super comfy ako kasama siya.

”It’s too hard..” Hinimas niya yung buhok ko.


Umupo kami sa kama ko. Nakita niya yung picture naming ni Sephie. For a while, nag-panic ako. Peron a-realize kong wala naman akong dapat ika-takot.


“Magka-mukha pala talaga kayo ng kakambal mo ‘no? Magka-iba nga lang kayo ng kulay ng buhok dito. Ano ba ang natural?” She asks.

“B-blonde. Nagpa-dye lang ako pag-dating ko sa Philippines. Nakaka-OP kapag blonde eh. Haha!”

”Loka. Haha! Ang cute niyo tingnan!!”


”Thank you..”

”Oh, back to topic.. Whatcha problem?”



”Hmmm. Madami. Expectations sa school, homesickness.. Si Kai...”

”Aba! Ngayon ka lang namroblema sa ganyan ah? Intindihin mo na lang ang school niyo. Role model ka kasi. SC President ka pa. Hindi maaalis ’yan.. Kung nami-miss mo naman ang pamilya mo, normal lang din ’yan!! Pag nalu-lungkot ka, andito naman ako!! Ang maganda mong Ate..” Lumapit ako kay ATE Trish tapos nag-hug kami.

”Ngayon, kay Kai naman.. Ano namang problema?”

”I’m doing something I wasn’t supposed to do...” I tried to make my answers as vague and innocent as possible.

“Nahuhulog ka ulit sa kanya ano?”  Hindi ko alam ang isasagot ko. In the first place, first time ko ’tong maramdaman..


Dun pa sa taong hindi ko pwedeng magustuhan..


“Di naman kita masisisi…” She continues. “Gentleman, gwapo at mabait. Ideal man talaga… Ba’t ka naman matatakot at ba’t mo pagba-bawalan ang sarili mo na ma-inlove ulit sa kanya? Okay, given na nasaktan ka niya ng sobra.. Pero hindi mo ba nakikita kung gaano siya ka-sincere?” Hinawakan niya ako sa balikat.


”Seraphine, sometimes it’s good to give second chances.. Not everyone is ready for the first time..”


Ang sarap sabihin na, ‘Hindi ko kailangan ng motivation para ma-fall kay Kai.. What I need is something that could force me to hate him’


I need to do my plans as soon as possible…

I don’t want to experience love at this time, at this situation, and at ’this’ person.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon