Step 17: Unexpected

5.2K 142 37
                                    

Step 17: Unexpected

 

This is it.

Pagka-tapos ng araw na ’to, kailangang kalimutan ko na lahat ng nangyari sa Pilipinas..


Lahat ng naging kaibigan ko.. Yung taong minahal ko.


Kasi hindi naman sila ’sakin’ eh.


Kay Sephie sila. Peke ako.


Pumasok ako nang naka-tungo. Wala akong confidence.


Ngayon lang pumapasok sa isip ko yung mga epekto ng ginawa ko.

Nirespeto, Inalagaan at minahal nila ako, dahil tingin nila, si Sephie ako. Hindi dahil ako ay AKO.


I’m an impostor. Kung malalaman ’to ni Nadine, for sure sasabihan niya pa ako ng b*tch.

Well partly, I deserve it.


Pero hindi nila ako masisisi ng sobra. Mahal ko lang talaga ang kapatid ko. Kahit paano, nai-ganti ko na siya..


Naka-pasok na ako sa classroom. Let’s do this.


”Sephie!!!” Tumakbo sa’kin si Jen, tapos niyakap ako. I hugged back.

”Nabalitaan ko yung nangyari.. Okay ka lang?” WOW. News flies.

“Yeah---“ Hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko, hinampas niya ako sa braso.


”BAKIT MO SIYA BINASTED??!!!” She bursts out.

”Jen you don’t---”

”OF COURSE I DO!! Mahal ka niya, mahal mo siya. THEN BABASTEDIN MO? WTH??” Gosh, she’s gone hysterical!!!


“Oh Come on Jen!! You don’t know anything!!!” Tears started to fall from my eyes.


Tumakbo ako palabas.. Too late.. Nakabunggo ko yung huling taong gusto kong makita sa araw na ‘to.


“K-Kai..”

“Tara.” Cold. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palayo. Great. We’re going to cut classes.


Usual place. Binitawan niya ang kamay ko.. Nakakadagdag sa tension ang hangin..


”Why?” He says. ”Bakit hindi ka um-oo? May kulang pa ba? Ayaw mo na sa’kin? Or may iba ka na?”

Humarap siya. Walang luha, walang emosyon..


Pero kita mo yung pain sa mata niya.


”Kai...”

”Answer me!” Lumapit siya at hinawakan ang mag-kabilang balikat ko.


Hindi na ako nakapag-salita.. Napa-hikbi na ako..


Niyakap niya ako.. Stroking the strands  of my hair.


Tama na Kai. Alam ko namang si Sephie ang mahal mo.. Hindi ako.
Aasa lang ako lalo kapag ginawa mo yan.. Masyado nang masakit..


”Kai.. Tama na,, P-please..”


”Mahal na mahal kita.. Kahit ano ka pa, o kahit sino ka pa.. I love you. Please, give me a chance..”


Napa-pikit ako sa sinabi niya.. Konting-konti na lang, bibigay na ako. Tama na please..


He held my cheeks.. Closer and closer..


Ayaw ko man, hindi ako naka-laban..


Our lips met.

 

Tuloy-tuloy na yung luha ko. ‘Di ko na mapigilan.

Sephie.. Mali ba kung kahit ilang buwan lang, angkinin ko yung mga bagay na iniwan mo? Lalo na itong lalaking nasa harap ko?


I love him.. Sobra.. Alam ko na yung naramdaman mo dati..


Pwede bang mahalin ko rin siya?


Kahit na hindi naman ako yung talagang mahal niya?


Alam kong masasaktan lang kami pareho sa huli kung itutuloy ko ’to.. Pero..

”I love you, please.. Say you love me too..” He pleads.


Pero Hindi ko na kaya..

 

 

 

For once.. let me be happy with him. Ilang buwan na lang naman eh.. Sephie, pahiram muna ah??

 

 

 

 

”I-I love you, too.. Kai..” He smiled.

The smile that takes my breath away.

We both laughed, a sweet laugh.

Though deep inside..

My heart is breaking into thousands of pieces.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon