EPILOGUE

162K 2.7K 47
                                    

EPILOGUE

            "BAKIT ka pa nandito?" gulat na tanong ng ate niya ng makita siya sa kwarto niya.

            "Gusto mo na akong umalis?"

            "Hindi sa ganoon sis pero nagpaalam sa akin si Raj na kikidnapin ka raw niya dahil ayaw mo siyang kausapin."

            "What? Ibig sabihin alam mo kung saan ako?"

            "Of course, para saan pa at naging ate mo ako." Nakangising nagpeace sign ito sa kanya.

            "Ate, anong alam moa ng hindi ko pa alam?"

            "Huh? ahm... wala!"

            "Alam ko kung nagsisinungaling ka and I know you are lying to me right now." Seryosong saad niya, kinagat nito ang labi nito at gumalaw galaw ang mga mata. She knows it, nagsisinungaling sa kanya ang kanyang kapatid.

            "Kasi, sis. Sorry," hingi nito ng tawad. "Iyong nangyari sa kotse niya nasettle na talaga namin iyon hindi naman siya nanghingi ng bayad. Pero lakas ng loob niyang sinabi sa amin na gusto ka niya. Sa mismong araw na iyon, and that is the reason why he got a space here. At saka alam kong nasasaktan ka pa kay Calyx and you need someone to divert the pain and I believe I did the right decision." Pumasok din si Miggy pero hindi niya ito pinansin. "That guy loves you, alam koi yon Coleen dahil nagmamahal din ako. Nang umalis siya panay ang tawag niya sa ain para kumustahin ka but he refused to talk to you dahil kapag narinig niya ang boses mo ay baka mahirapan siyang pigilan ang sarili niyang hindi umuwi."

            "He called me every night tita through skype, he wants to see your sleeping face." Maging si Miggy ay may alam na hindi niya alam. Hindi tuloy niya alam kung ano ang iisipin at gagawin ng mga oras na iyon. Gusto agad niyang takbuhin ang bahay ng binata at sabihin dito na mahal niya ito.

            "Talaga?"

            "Oo, he said you are still pretty even if you are drooling."

            "Mahal ka ni Rajeev sis. Proven and tested ko iyan dahil nakita ko kung gaano ka nasaktan for the past eight months. I told him to back off and stop hassling you but he refused, he even kneeled in front of us to have your hand. Hindi ka na raw niya pakakawalan-." Hindi na niya pinatapos ang kapatid dahil sapat na ang mga narinig niya upang tuluyan na itong mapatawad. Nawala ang agam-agam na naramdaman niya and it was replaced by several emotions.

            "Saan ka pupunta?'

            "Sa kanya, this time I will be happy for sure."

            "Go!" cheer sa kanya ng kanyang kapatid. Lumabas siya ng bahay, malapit ng mag-alas sais kaya kailangan niyang habulin ang oras na itinaning niya dito.

            "Sabrina!"

            "Ay tapa." Gulat na napatigil siya sa pagtakbo ng makita si Eugene na nasa tabi ng kalye. Basang-basa ito marahil ay dahil sa ulan, may hawak itong bote ng whisky at nagpapakalunod sa alak. "Eugene, what the hell happened to you?" bigla itong tumayo at yumakap sa kanya, naramdman niya ang pagpatak ng mga luha nito sa likod niya.

            "She is gone." Parang batang sumbong nito sa kanya. "She did moved on when I left her, si Zuris."

            "Bakit? Anong nangyari kay Zuris?"

            "She is married now at hindi sa akin. Ang sakit-sakit lang akala ko pwede ko pang buuin ang nasira ko dati pero hindi na pwede. Masaya na siya at hindi ako ang taong nakapagpasaya sa kanya. Iba na."

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now