Chapter Two

146K 2.5K 42
                                    

Chapter Two

            Kanina pa siya nakatitig sa puting canvass na nasa harap niya. Her paint brushes and her paint colors weren't even touched for a while. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig doon, for some weird reason wala siyang maisip na iguhit o ikulay doon. Parang wala siya sa mood pero nasa mood, hindi niya maintindihan. Nagpepaint lang naman siya kapag wala siyang ginagawa and since she is on vacation leave kaya keysa naman mamasyal at mapagod kaya ito nalang. Mabuti nalang at nasa nursery school si Miggy at nasa school ang dalawa pa niyang pamangkin.

            She pick pieces of cheese stick and place it inside her mouth when she heard a gasps from somewhere. Nagulantang siya ng mapansin na hindi pala cheese stick ang kinakagat-kagat niya kundi daliri ng kung sino.

            "Ahhh!" napatili siya sa gulat. She is about to murder a finger using her teeth. Oh God!

            "Muntik mo ng kainin ang daliri ko, tapos babasagin mo pa ang eardrums ko Sabrina. You are one hell of a woman."

            She blinked her eyes and then realized who the hell interrupted her from her staring contest with the white canvass.

            "You!" turo niya kay Rajeev na nasa harap pa rin niya. "What are you doing here?"

            "For this one." May ibinigay itong papel sa kanya. Kunot-noong tinanggap niya iyon at lihim na nagcuss ng makita ang ilang digits na nasa papel na iyon. Oo nga at may kaya sila, actually her brother in law is a billionaire pero hindi naman siya ganoon kayaman. She is earning and her savings is not enough to compensate the amount written and printed on that damn paper. Bakit ba niya nasabi na siya nalang ang magbabayad? Mukhang mapapasubo pa yata siya nito ah. Ganito ba talaga kamahal ang sasakyan na iyon? Napabuntong-hininga siya at ipinilig ang ulo niya upang kahit papaano ay makahinga ng maayos.

            "You pay me now." Asar na tiningnan niya ito. She bit her lips to stop herself from crying in frustration and in despair.

            "Excited much Raj?" napabuntong-hininga siya. Alam niyang nakakahiya ang sasabihin niya pero kailangan niyang sabihin. "Look, can I pay you in installment basis?" she bit her lips to lessen her tension.

            "No, I want it full."

            "Eh naman... mayaman ka naman eh."

            "Akala mo ba ganoon kadali ang kumita ng pera?"

            "Pinapalabas mo ba na hindi ko alam kung gaano humanap ng pera for your information nagtatrabaho din ako. Nagkataon lang na I am on my leave kaya huwag mo akong simulan ng mga ganyang litanya." She said to him.

            "Alam mo naman pala eh. You said you will pay me."

            "Hindi ko naman alam na ganito kamahal eh. Nababaliw ka na ba? Fake yata ito eh, pagpapaayos lang ito ng salamin tapos ganito na kamahal? Ano ba iyang salamin ng sasakyan mo yari sa diamond? My God!" na-iusal niya.

            "If you are doubting it you can talk to-,"

            "Huwag na baka kakilala moa ng may-ari ng talyer at kinausap mo tungkol dito."

            "If you won't pay me I can immediately talk to my lawyer and sue you." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. He looks so serious while he said that, hindi siya pwedeng makulong.

            "Naman eh." Napatayo na siya at napatingala dito. "Do I look rich to you?" she even presented her normal self. Ito siya eh, hindi naman siya mayaman naambunan lang siya ng grasya ng kuya Cash niya at ate niya. She is wearing a sweatpants and a loose shirt na may butas-butas na, iyon naman talaga ang suot niya kapag nagpipinta siya. "Hindi ako mayaman and I do have savings but it is not enough to compensate you. Kaya nga gusto kong through installment basis dahil hindi ko kayang bayaran ng buo."

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now