Brake up

2.6K 71 1
                                    

Maine POV

Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa parking lot ng condo ni Alden, hindi ako makapasok, kinakabahan ako pero kaya ko to. Inayos ko yung sarili ko at pumasok na sa loob.

Ito na, ito na. Malapit ng magbukas yung elevator.

*TING*

Ito na, lalapit na yung paa ko palabas. Habang naglalakad ako papunta sa unit ni Alden ay pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko. Wooohh, ito na. Nagdoorbell na ako and then..

"Maine?" Nagsmile lang ako.

Agad nya akong niyakap.

"A-alden," Humiwalay na sya sa yakap.

"Pasok ka."

"Ahh hindi na, kukuhain ko lang naman yung papel na kailangan mong pirmahan," Hinila nya agad ako sa loob at isinara yung pinto.

"Seryoso ka ba dun Maine?"

"Oo naman,"

"Mahal, wag naman ganto. Ayusin natin to?"  Namiss ko yung endearments namin.

"Alden, it's my final decision."

"Maine, hindi ko to pipirmahan."

"Kung hindi mo pipirmahan yan, babagsak ang kumpanya nyo, Kaya wag ka ng magmatigas Alden, pirmahan mo na yan." 

"Hindi ko kaya,"

"Hindi mo kaya?" Umiiyak na naman ako. "Hindi mo kaya? Para pirma lang yan Alden, bat di mo magawa? Eh bakit yung gumawa ka ng bagay na ikakasira natin, Nakaya mo?"

"Maine, pagpinirmahan ko yan  maraming mawawala at magbabago? I can't."

"Gawin mo nalang Alden."

"Maine, mahal kita."

"Kung mahal mo ko, pirmahan mo yan."

"Maine,"

"Alden, do it."

Umiyak na ako at umiiyak na din sya.

"Maine, mahal mo pa ako, Right? Pero bakit ginagawa mo to?"

"Dahil yun ang gusto ko, ang malimutan ka." Humagulgol na ako sa iyak.

"Hindi mo yan kaya diba? Mahal moko,"

"Pirmahan mo na yan Alden kundi mo pipirmahan yan, tuluyan ng pababagsakin yang company mo, Wag mo ng pahirapan ang Daddy mo,"

Umiiyak sya ng pirmahan ang papel, kinuha ko na to agad sakanya.

"Salamat," Pinunasan ko ang luha ko at tuluyan na syang nilayuan pero hinigit nya ang braso ko atska hinalikan.

Hindi ko magawang magpumiglas dahil gusto ko din ito, namimiss ko na ang mga halik ni Alden. Habang hinahalikan nya ako ay umiiyak pa din kami parehas, ang passionate lang ng halik nya. Halos matagal na ang paghalik nya kaya nagpumiglas na ako.

"Maine, don't do it to me, please." Magkadikit ang noo namin.

"Alden, it's your choice, and i respect that."

"Maine."

"Thank you Alden sa lahat."

Pagtapos non ay umalis na ako ng mabilisan at pumunta sa banyo, Doon ko iniyak lahat. Lahat ng galit, lungkot ay inilabas ko na. Ito na ang huling pagkikita natin Alden.

EXPECT the UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now