four

3.5K 108 1
                                    

Alden POV

Nasa bahay ako ngayon habang nanonood ng TV ay may narinig akong yabag ng mga paa.

"Oh? Anak? Bakit di ka pa nagbibihis? Aalis tayo diba?" Sabi ni Daddy.

"Ha? San tayo pupunta?"

"Tsk, anak naman.. Syempre ngayon na ipapakilala sayo yung future wife mo? Remember?" Iniwas ko yung tingin ko at ibinalik ulit.

"Bakit kasi may pakasal kasal pang nalalaman. Sige na Dad, magbibihis lang ako" Umakyat ako sa taas.

****

Nagpark kami sa harap ng isang malaking bahay. Habang nasa kotse ay nagsalita si Daddy.

"Anak, pagpasok natin ipakita mong magalang ka, alam ko ang ugali mong bata ka kaya isantabi mo muna yang pagkabad boy mo ha!?"

"Paano pagayoko?"

"Anak?"

"Sige na Dad!"

Bumaba na kami at nagdoorbell.

DING DONG...

"WAIT LANG!" Boses ng babae ang sumigaw na yon.

Maya maya ay may lumabas na babae at may buhat na baby.

"Oh? Tito Richard? Kayo pala pasok po" Nagbeso sila ni Daddy.

"Si Mommy at Daddy mo?" Tanong ni Daddy.

"Ayy andun po sa sala, hinihintay kayo!" Dumiretso na kami sa loob.

EXPECT the UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now