KenTaki: 2

2.1K 39 0
                                    

On the way na si Kenneth para sunduin si Taki. Hanggang ngayon nagfaflashback pa rin sa isip nya yung pinagsasabi ng kaibigan nyang chicmoso.

May something ba sainyo between you  and her?

May something ba sainyo between you  and her?

May something ba sainyo between you  and her?

May something ba sainyo between you  and her?

Nagfaflash pa rin sakanya yung tanong ni Miggy na yon. Di nya alam pero bakit ganon nalang ang kaba nya sa pinagtatanong ng kaibigan nya.

"Ahhhh Kenneth.. Ano ba to? Bakit ba kinakabahan ka? Huuuhh, wala to.." Bulong nya sa sarili.

Nang makarating ay nagbuntong hininga muna sya bago magdoor bell. Ang akala ay si Taki ang magbubukas pero si Miguel pala.

"Ow? Kenneth? Ano nama't napadalaw ka?" Miguel.

"Ayy haha hindi, kasi si Taki.. Nagpapasama sa mall.."

"Ahhh kaya pala bihis na bihis,"

"Hehe, Nasan sya?"

"Nasa loob eh, halika pasok ka muna"

No choice si Kenneth kaya pumasok na sya besides nasanay na rin sya dahil halos araw araw napupunta sya don.

Naupo muna sya sa sofa while waiting kay Taki kaya nakita naman sya ng Mommy nito, si Tita Flor.

"Oi? Kenneth?" Tita Flor.

"Tita, bless po," Nagbless si Kenneth.

"Napadpad ka na naman, Ayy teka? Si Taki ba ulit? Wait tatawagin ko," Akmang aalis na si Tita Flor pero pinigilan ni Kenneth.

"Ayy Tita wag na po, ako na po, nakakaabala pa po ako,"

"O sya sige, nasa kwarto nya sya." Umalis na si Tita Flor at dumiretso si Kenneth sa kwarto ni Taki.

"Oy? Kenneth?" Nagpopony si Taki.

"Sorry kung pumasok ako, boring kasi dun sa baba walang makausap."

"Ayy sorry, matagal ba ako?" Taki

"Hindi naman, ano ba? Ready ka na?"

"Sige, let's go!"

Umalis na sila at pumasok sa mall. Nagulat nalang si Kenneth ng hawakan ni Taki ang kamay nya.

"Hahaha, Kenneth?" Napagtanto ni Kenneth na nakatulala pala sya.

"Ayy sorry..sorry, Ano yon?"

"Tsk, sabi ko kung bagay ba tong dress sakin? Kung havey ba sa paningin mo?"

"Hmmm... Oo naman? Ang cute nga eh!"

"Talaga ba? Gusto mo?"

"Ahhh a-ang a-alin?"

"Ha? Anong alin? Itong dress kung gusto mo ba for me?"

"Ayy haha oo,"

"Ikaw, lutang kana naman!"

"Nagugutom lang ako."

"Ayy sabagay ako din eh, tara kain na tayo babayadan ko lang to."

"Sige.."

Hanggang  sa kumain lang sila at namasyal, ngayon naman ay nakaupo sila sa park na kumakain ng ice  cream.

"Taki," Tawag ni Kenneth.

"Oh?" Respond naman agad ni Taki.

"Ano bang feeling kapag inlove?" Nagulat naman si Taki dun

"Ha? Wow ha, hindi ka pa ba inlove or nainlove?"

"Uhmm, di ko naman tatanungin kung naranasan ko na diba?"

"Okay, so, Kung di mo pa alam ang inlove naman ay masaya sa taong kasama nya, masaya ka na yung parang ayaw mo na syang mawala. Yung lahat gagawin mo para sakanya, Kung kailangan mong yakapin sya everyday gagawin mo just to protect her, Ganon, Bakit?" Taki.

"Ah ano, yung kaibigan ko kasi tinatanong ako kung inlove daw ba sya o hindi."

"Ahh.. Oy yung ice cream mo nagmemelt na,"

Agad kinain ni Kenneth ang ice cream na natutunaw. Nang maubos ay tska sya inaya ni Taki na umuwi kaya sumakay na sila sa kotse.

Nang makarating na ay agad na sanang gigisingin ni Kenneth si Taki pero nakatulog na pala. Hindi nya na muna ginising bagkos ay tinitigan nya ang maamomg muka nito atska nag-isip ng kung ano ano.

"Bakit ganon? Bakit parang natamaan ako sa mga sinabi mo sakin sa park? Ganon na ba ang nararamdaman ko sayo? Pero bakit hindi ko masabi? Parang hindi ko pa nga alam na inlove ako, Manhid ba ako? Mahal na ba kita Taki?"

EXPECT the UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now