Curse her! Chapter 27

78 3 0
                                    

A/N: merry christmas and a happy new year!!! soorrryyy at ngayon lang naupload...hehehe busy sa panunuod ng detective conan 

Miho’s POV

Nakakainis talaga ang Mabby na to!!! Bakit ba kasi siya ang naging girlfriend ni Hiroshi??!! Ang laki ng lamang niya sa akin, na-iintimidate ako! Paano ba ko lalaban sa kanya?? I wanted to curse her! Really , bakit ba kasi secret pa ang course niya?? Gusto kong lagyan ng ipis, daga, gagamba at kung anu-ano pa ang locker niya, tapos yung upuan niya lalagyan ko ng chewing gum, tapos papagulpi ko  siya!! Grrrhh!! Ang dami ko ng naiisip na gawin sa kanya para layuan niya si Hiroshi, gusto ko siyang bigyan ng death threats, pero paano ko naman yun gagawin kung hindi ko alam kung saang room siya, pati pagsusumpa hindi ko magawa kasi malay ko ba kung ano full name niya!!

Curse that girl!! Ang tagal-tagal ko ng mahal si Hiroshi tapos siya??? Girlfriend na agad wala pa nga atang isang buwan bago sila nagkakilala!!! Life is sooo unfair!! Kahapon ay binasted agad ako ni Hiroshi, he told me that he was sorry…he didn’t like me as a lover…I somehow anticipated that already, but I don’t wanna give up that easily! I love him for more than a decade now, I can’t give up!! Mabait akong tao pero kung para makuha siya ay magpapakasama ako!! Hindi ko siya isusuko sa Mabby nay un! Umiyak ako pagkauwi ko pero, love hurts pero I don’t mind, I will still love him..Aagawin ko siya! Magpapakasalbahe ako if needed! That’s how much I love him..naniniwala ako na ako talaga ang destined person for him…I should be the one to grow old and die with him..Not that girl..>___<

Pumunta ko sa shooting area nila Hiroshi at naabutang naka-upo si Vince ..at  O__O kasama niya ang gf niyang malandi!! Binati ko si Hiroshi at dineadma ang bwisit na mabby..Sumiksik ako sa tabi niya,>.< Kyaaaa ang sarap sumiksik sa kanya!! Nararamdaman ko ang tigas ng abs niya!,, ang matigas niyang biceps!!

“Mabby, could you get me a soda please..”-sabi ni Hiroshi kay Mabby

“Why should i?”-Mabby

Ano to may LQ sila??!!! Yes Yes yes!! HAllelujiah!! Ang bilis namang dingin ni LORD  ang panalangin ko!! Sana po ay mag-break na sila NOW NA! ASAP!!

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Hiroshi? Kumuha ka daw ng soda!”-sabi ko naman…hihihi magpapalakas ako kay Hiro..^__^

 “Then why don’t you get it? You’re not even a model here..” –Mabby

Ang taray niya talaga ngayon ah! Pati ako tinatarayan! Well dapat lang naman na magtaray siya sa akin dahil makakatikim siya sa akin,,paghihiwalayin ko sila ni Hiro!

“Mabby, I want you to get me a drink, or else..i might say something about your…”-Vince

Hmmm?? Ano daw?? Parang nag-away talaga sila at may pang black mail si Hiro..

“Stop!, yeah I’ll get it!”- Mabby

Tapos ay padabog na umalis ito…^____^ mukang dini-dingin na talaga ni Papa God ang prayers ko kagabi!!Huwag ka ng bumalik dito Mabby!! Lamunin ka sana ng lupa!!kekeke

“Hiroshi, kayo ba talaga nung babaeng yon??”-ako

“Huh?..”-Hirsho

“Parang hindi naman siya sweet sayo kaya tinatanong ko kung kayo talaga…”-ako

“Ah..oo kami talaga nun noh..may misunderstanding lang..what are you doing here anyways?”-Hiroshi

“uhmm..binibisita ka! At nagbabakasakaling wala na kayo ni Mabby…”- hindi naman ako masyadong straightforward noh? Kailangan hindi nahihiya pagdating sa pag-ibig!! Minah fwighting!!

“Hindi kami magkakahiwalay..and I’m sorry but I will never like you…”-Hiroshi

What the??...Nireject na naman ako ng super bilis…ang sakit..huhuhuhu bakit ba kasi hindi na lang ako ang mahalin niya!! Pero ang harsh niya ngayon ah.. he will NEVER like me daw….the hell grabe naman ata yung NEVER…napapaiyak na ko dito!

“You better leave now..”-sabi ni Hiroshi ng hindi tumitingin sa akin…And soo I took my leave…I will still love you Hiroshi…

Tumakbo ako paalis at may mga pumapatak ng luha sa mukha ko…BANG..,Aray!!Ano ba yan! Sino ba tong nakaharang na ito? Panira ng drama ko oh!Kinuskos ko ang mata ko para Makita yung nabunggo ko…-______O

Tsskk, si Fred lang pala…

“Miho?? Anong nangyari bakit ka tumatakbo at…umiiyak?”-Fred

“Bakit bawal bang tumakbo? At hindi ako umiiyak noh! Napuhing lang ako..Tabi nga dadaan ako!”

Paalis na ako ng hawakan niya ako sa braso..

“You could always cry on my shoulder you know that..”

“Yeah, whatever!”-sabi ko at mabilis na umalis..ano bang pinagsasabi ng mokong na yun..like I would want to cry on his shoulder…>.<   Kung hindi lang din naman ako sa piling ni Vince iiyak ay mag-isa na lang akong iiyak noh!

Minah’s POV

Lumabas ako saglit para bumili ng soda, buti na lang malapit lang yung vending machine dito.

“Oh, soda mo!”-sabi k okay Vince sabay hagis…nakakapang-gigil talaga siya, utos ng utos tapos ngingiti ng pagkagwapo-gwapo….bakit ba kasi ang hilig ko sa gwapo, inis ako dapat sa kanya eh! Huwag lalambot Minah enemy yan!!

Dumaan ang mga araw at laging ganito ang scenario..uutusan niya ko na bumili ng kung anu-ano! Walang mintis ah araw-araw na ginawa ng diyos lagi niya kong inaalila…well hindi naman hard-work pero kahit na ginagawa niya kong utusan..Tapos tinatawag pa kong HONEY!!! Yuck!! Honey daw ??!! Sinasabi lang naman niya yun pagnasa music club kami…nandun kasi si Leo…

Ewan ko ba dun as if maiinis si Leo pagtinawag niya kong honey!! Hindi naman yun nangliligaw sa akin non,, malay ko ba kung type ako nun!! Pero kung type ako ni Leo, pwes mas type  ko rin siya hahaha ang gwapo kaya ni Leo!! Hay, mahirap mang aminin pero, oo mas gwapo si Vince sa paningin ko..pero nevermind galit pa rin ako sa kanya at lalong nadadagdagan ang galit ko sa kanya araw-araw!! Tapos nag-iinit talaga ang ulo ko pagdumidikit yung Miho na yun na para bang wala ako!! Tapos pinapabayaan niya lang?? E diba ako nga kungwari ang girlfriend?? Ano na lang sasabihin ng mga tao?? Na pumapayag akong makipaglandian sa iba ang boyfriend ko sa harap ko pa!!

“Minah, punta ka ng club meeting mamaya ah may important news”-Lucy

“Ha? Oo..anung news??”-ako

“About sa magpeperform sa festival…”-Lucy

“Ah!! May alam ka dun??”-ako

“Secret!!”-Lucy

“Ang daya sabihin mo na!”-ako

“Yoko nga!! Kayo nga ni Jollybeh naglilihim sa akin eh! Manigas ka dyan mwahahahahaha!!”-Lucy

Tssskk,>___<  kaloka naman itong si Lucy, pasecret-secret pa e malalaman ko rin naman!!Tska lagi naman na akong nagpupunta sa club dahil kay Vince,, jinujulalays ako, si Jolly at Lucy mukang nerd lagi sa club, habang ako ay naka-Mabby mode…ayoko na nga magtanggal ng disguise eh lagi akong tinitingnan ng mga tao! Kaasar!! Artista lang ang peg! May mga stalkers na ata ako, ingat-ingat tuloy ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HotNerdy X-gangLeader!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon