Minah meets Miho Chapter 20

139 2 0
                                    

A/N: Finally maisasama ko na sa story ang kontra bidang inaabangan ng buong bayan! Chos hahaha,,Ang pinakamagandang kontrabida ay nandito na please welcome!!! Miho Orbigs!! Pasensiya ka na at ngayon ka lang nasama sa story kari! Alam mo na dapat sa badang huli nilalagay ang mga panira! Joke lang !Yung mga cute sa huli dapat! Mention ko na rin ang ilan sa aking gorgeous frends sa story hahah next time na ang iba!

The next day….

Miho’s POV

Finally! Nakauwi na ko sa Pinas,,super late na ko sa pasukan sa Warlington university, Kasi naman! Yung mga kamag-anak ko sa korea (sa mother’s side) ayaw akong pauwin!!Dun kasi ko nagbabakasyon lagi! Pero now I’m back!!First year college pa lang ako,at excited much na akong  magkaroon ng kaibigan!! At siyempre para Makita ulit ang aking boyfriend na si Hiroshi!! Kyaaahhh! Joke lang hindi ko siya boyfriend! Pero malapit na! Gagawin ko ang lahat para magkatuluyan kami!..Kapitbahay namin si Hiroshi kaya naman bata pa lang kami ay supeerrr close na kami,at dahil dun ay unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya..It’s LOVE!!!

Tiniyak ko na makakapasok ako sa school na pinag-aaralan niya kekeke kaya nga I’m here ! Sa Warlington University kung saan mabubuo ang wagas naming pag-iibigan!! Mwahahaha ,Hiroshi saranghae!!!

Kakagaling ko pa lang sa airport pero papasok na rin ako today noh, ang dami ko ng absent!! Chicha!!(really)  Nagpunta na ko sa room ko at sakto naman na papasok na yung prof,,

“Excuse me Ma’am, I’m Miho and it’s actually my first day here..i just came from korea”-ako

“Oh, nice to meet you Miho^__^ , just wait first here and I’ll call you so you could introduce yourself properly.”-prof

Pumasok nga ito, binati siya ng mga students at tumahamik naman ang mga ito, tapos ay binuksan na nung prof yung door at pinapapasok ako to introduce myself…Awkward!!Nakatingin lang naman silang lahat sa akin! Kahiya naman,,Kamusta ba ang face ko? Baka naman haggard pa ang face ko dahil kauuwi ko lang sa Pinas.,,T^T

“Ahm, Good morning everyone I’m Miho Orbigs, I’m half- Filipino, half-korean..i just got here in the Philippines a while ago..I hope we could get along,^___^”-sabi ko at nagsmile^__^ cute naman ata ako today dahil  nagsmile din sila sakin , may mga pumalakpak pa nga oh^____^ ..Well, maraming nagsasabing maganda at cute ako,, hehe siguro dahil na rin sa lahi kong half-half >.<

“Upo ka na dun sa tabi ni Minah, yung vacant seat sa tabi nung may salamin na babae..Oh I forgot to introduce myself pala, I’m Sandy Darl..Nice to meet you Miho..^___^”

Whooaa ang ganda naman ng prof ko pagnagsmile!! Ngayon ko lang napansin ang beauty niya dahil iniisip ko ang sarili kong  face haha..Hmm..yung magiging seatmate ko,,,hmmm…weird yung salamin niya ah,,nerd ,,hmm at hindi lang siya nag-iisa ah..Umupo na ko sa tabi niya at nagsmile sa kanya,,

“Hello”-sabi nito sa akin,,nakangiti siya kahit yung labi lang niya yung tiningnan ko..nakakailang yung eyeglasses niya Sa laki at kapal eh! Mukha naman siyang mabait^__^, kaya nag-hi ako..

Yung guy sa harap ko lumingon sakin at nagsalita bigla..

”Hi welcome, to BSN1y1-1, I’m Carl by the way..”

“Ah, hello Carl, I’m Miho, nice to meet you..”tapos nagstart na yung class..May guitarang dala yung Carl, guitar nga ba? Basta nasa lalagyan ng guitar hehehe, hayyy naalala ko tuloy si Hiroshi!! Magaling yung tumugtog ng guitar , idagdag pa ang beautiful voice niya!! KYaaaaahh!!

Anywayz excited na ko to meet new friends at siyempre to see Hiroshi my loves!! Sana nandito pa siya after ng class ko!

Minah’s POV

Wheew Hindi ko na alam kung paano ko nakauwi kahapon after dumating ng parents ni Vince, basta ang natatandaan ko nagtachycardia ako! At nawala na sa sarili! Kasi naman ang weird lang , bigla-biglang sumusulpot sa isip ko yung handsome face ni Vince..Well, dati ko pa namang naiisip ang mukha ng mga gwapong tao pero grabe ah puro si Vince lang kagabi..

Hmmm..nabagok siguro utako ko kahapon…>__<..Kamusta na kaya siya tska pumasok kaya siya??

Ngayong umaga ay wala ng naghahanap sa akin..as a heroine kuno..pinakalat na ni Kuya bee sa newspaper ng school na ako ay isang student model, kaya nagsusuot ako ng iba’t ibang uniforms ng university,kumalat din yun sa site ng school..At infairness makikita yung maganda kong picture sa newspaper at sa site,,at kyaaaahahaha yung picture na kasama ko pa si Vince ang nilagay!! Ang gwapo niya!! Maitago nga yung newspaper tapos gugupitin ko yung picture namin at ilalagay sa photo album ko ! remembrance ba!

Feel ko maraming naiingit sa akin dahil ang gwapo ng partner ko! Pwes mamatay sila sa inggit mwahahahaha!! Napapangiti na kong mag-isa ng pumasok si Ma’am Sandy sa room..tapos ay sinabi nitong may bagong student…

At  (O_______O),…Whoooaw…….Ang cute!!!!!!! ,,maganda/ cute na babae ang biglang pumasok sa room!! Para siyang doll!!! Nagpakilala ito,,half-korean kaya pala parang may something sa beauty niya!! Ang cute cute niya talaga!! Miho daw ang name.>////< naalala ko tuloy yung my GF is a Gumiho!

Tapos ay pinaupo ni Ma’am sandy si Miho sa tabi ko!! Yes naman , gusto ko siyang maging friend!! Ang swerte ko naman!

“Hello” sabi ko dito sabay smile

“hi” sabi naman nito at ngumiti din!>/////< ang cute niya lalo!! Puwede ko ba siyang iuwi sa bahay?!? Naispeechless ako dahil sa pagsmile niya sa akin, tapos ay sumingit si Carl.. friend na rin naman siya nina Lucy, pero not that close ,,hindi niya alam ang secret namin..kasama rin ito sa music club..may club meeting nga pala, at finally makakaattend na ulit ako hahaha bukas may shooting na naman ! Sabi ni kuya bee every other day na lang daw yung shooting,.bakit kaya??hmm..baka busy yung photographer??

Hmmm..wait….aattend kaya ng club si Master??...tska si Leo??...Speaking of Leo nagtext pala siya kagabi at hindi ko nanaman nareplayan!!Wala nga kasi ko sa sarili kahapon ,..>.<..hmmm..Paano kaya mamaya?>__<

Nagbreak na muna kami tapos ay nagsilapitan yung mga classmates ko sa tabi ko,,ay hindi pala sa akin,,kay Miho! Hahaha assuming ka Minah! Pinalibutan siya ng mga boys, etong si Eners at Nikko, makikipaghandshake pa kay Miho!! Yun, napingot yung tenga ,,hahaha yung gf ni eners ay ang diyosa ng class namin! Ganda kaya ni Iwi,,haba ng hair..tapos yung gf ni nikko ay si Mich, na muse naman ng class..hahah ewan ko bas a dalawang toh may gfs na nga makikipagkilala pa kay Miho oh!! Mga mokong na yun oh!

Umalis muna ko sa puwesto ko at hindi nako makahinga sa dami ng nakapalibot sa gawi namin..>////< iba talaga ang kyuteness ni Miho..UmaaPAW!!! Hayan tuloy at iniinterview na siya ng bonggang-bongga ng mga classmates namin! Hot Seat ang  peg!! Wawa naman si Miho na-hot seat agad! Mukang hindi na siya  makakapagbreak..Lumapit ako kela Lucy at Jolly..

“Kain tayo?”-ako

“Samahan ko na lang kayo, diet ako…”-Lucy

“ha? Bakit naman???”-ako

“May shooting sa isang magazine mamaya,baka tumaba mukha ko..”-Lucy

“Payat naman ang mukha mo, sexy ka pa,,huwag ka ng magdiet..”-Jolly

“thanks frend, pero diet talaga, baka lumobo mukha ko mamaya hahahaha  hindi nga pala ko makakasama sa club ah..”-Lucy

“Ay ganun? Ay Lucy paano nga pala ,magdisguise pa ba ko? Baka andun si Master ”-ako

“huwag ka ng magdisguise! Tska ikaw Jolly mag-ayos ka na, pakita mo na ang hidden beauty mo kay Minah at sa world!! Dala mo contacts mo?”-Lucy

“oo, dala ko..^__^”-Jolly..

Wiieee excited na ko Makita ang hidden beauty nitong si Jollybeh…at naisip ko na naman si….arghh erase erase!! Ano ba Minah! Isipin mo na lang lahat ng mga guwapo sa music club! Like Leo, Jerry, Fred, Denise……huwag na si Master magsawa ka naman!! Makakain na nga!!

HotNerdy X-gangLeader!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon