Music Club Ch.4

215 7 0
                                    

Leo’s POV

“Ano na ang nangyari? Wala pa rin bang balita tungkol kay mystery girl?”tanong ko kay Rein.

Umiling lang ito sa akin. Saktong isang linggo na ang nakalilipas simula ng mabunggo ako ni mystery girl. Hindi na ko makapaghintay sa muli naming pagkikita. Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pagsikip ng aking dibdib pagnaiisip ko siya..Hell, I think it’s not just a simple liking..

“Kung tumingin tingin kaya tayo sa mga school clubs?, mukang freshman siya dahil sabi mo ay nakapangcivilian siya noong makita mo.”untag ni Rein

“Hmmm..i think I like that suggestion. This lunch break na tayo magsimulang maghanap ng mga clubs na pwede niyang salihan.” Wala akong club na sinalihan last year kaya tiyak na okay lang magkunwaring sasali ako sa iba’t ibang club..Maraming clubs sa school at lagi silang may mga booth sa first 2 weeks ng semester para sa mga bagong studyante.

Pagsinabi mong interesado ka ay iimbitahin ka nila sa club room nila na nagbubukas  pagdating ng 3pm. Hindi ko alam kung anong oras natatapos ang isang club meeting dahil hindi naman ako member ng kahit anong club.

Kung sakaling Makita ko si mystery girl sa isa sa mga clubs ay baka sumali na ko dun.

Lunch Break…

Minah’s POV

 “Saan pa ba tayo titingin?”sabi kina Lucy at Jolly ,,nakakapagod na kaya,,super daming booths sa campus..May astronomy club, beads club, music club, dancing club, artist club, sleeping club, k-pop club, anime club, bishounen club, host club,book club, mystery club at kung anu-ano pang club!!!! Si Lucy naman kasi masyadong dedicated makasali sa isang club kahit hindi  naman required. Pero okay na rin toh para may more bonding time kami together! At Bonus pa kung may gwapo sa club na sasalihan namin!!Mwahahahaah SANA lang Talaga meron kekekeke…Naku Minah umaandar na namn ang kalandian mo! Stop stop na …(>.<)

“Eto  na talaga,,sa music club na last stop natin oki?Dito na lang tayo tutal marunong naman tayong kumanta nila jollybeh”sabi ni wika na huminto na rin sa wakas !!!Nasa harap na kmi ng music club,,kinausap na ni Lucy yung incharge sa booth..Mukang dito na nga kami dahil kaclose na agad ni Lucy yung incharge..

“Mga friendships ok na!!Dito na tayo hahah mamayang 3 daw tayo pumunta sa music room hehehe”nakangiting wika ni Lucy..

“Sige okay lang sakin”sabi naman na jollybels

“Well, ala naman na kong choice noh??hahahaha”jusko walang choice talaga eto lang ata ang papasa sa panglasa ko..Magaling akong kumanta at marunong din akong magpiano,,Pinilit kasi kong maglesson nung nsa elementary pa lang ako..Masaya namang kumanta kaya gorabels na ko dito…

Pagdating ng 1 ay natapos na ang classes naming kaya yehey!!!Maglilibrary daw muna ang dalawa,, ako naman ay babalik muna sa aking condo para mahiga saglit..hehehe inaantokers ako, kya mamaya na lng ako babalik for the club chuchu..

Vince’s POV

3 o’clock na,,kaya nandito nanaman ako sa music club,,pinilit ako nila Jerry na sumali dito, palibhasa masyadong mahilig sa music ang mga ugok..No choice kungbaga…buti na lang at maganda ang boses ko,,dahil na rin sa club ay natuto akong maguitara..Well, hindi naman sa pagmamayabang pero lamang na lamang ako sa tropa ko,,Masyadong maganda ang boses ko kya nabibighani ang lahat pero siyempre kumakanta lang ako pagmay events ,,mahal ata talent fee ko..(^___^)

Nasa dulo lng kami lagi ng music room dahil ayokong makihalubilong masyado sa mga babae na panay ang tingin sa grupo namin.. Gwapo kaming lahat sa grupo pero di hamak na mas nakaaangat ako sa aming apat. Yung ibang followers ko na kaschool namin ay sinundan kami dito sa club,, ayos na rin at dahil sa kanila ay natatakot sumali ang mga maaarteng babae…Buti na lang at lalaki ang president ng club kaya medyo comportable pa rin dito..1/4 lang siguro ang mga babae sa club dahil sa underlings ko.

Nakabukas ngayon ang club namin para sa mga interisadong studyante..malamang ay marami nanaman ang pumunta dito,,pero bka lumayas din ang mga iyon pagnakita ang ilan sa mga underlings ko..

“Uy tingnan mo ! yun ung mga nerds nanakita natin kanina,,kaya lang parang kulang sila ng isa oh.”pag-aabala sakin ni Jerry. Tiningnan ko ang dalawang bagong pasok na nerds ,kinakausap sila ni president..,hmm kulangnga sila,,bakit kaya ? maganda kung mgiging member sila may makikita kong bago hahaha..

“Jerry, may gusto ka ba sa isa sa kanilang dalawa? hahaha” panghihimasok ni Fred na halatang tinutukso si Jerry dahil hanggang ngaun ay nakatingin pa rin ito sa kanila. May pagka-weird siguro ang taste ni Jerry hahaha…

Jolly’s POV

Nandito na kami sa music club, pero wala pa rin si Minah,,naligaw kaya siya??Sabi niya dati samin ay ligawin talaga siya..Nag-aalala tuloy ako para sa kanya..(x__X)

“Lucy, nasaan na kaya si Minah?”tanong ko okay Lucy pagkaupo namin sa loob.

“Hindi ko nga rin alam kay Minah ,,hayyy bakit kasi hindi ko nakuha ang number niya!!ang bobo ko naman oh! Baka mamaya naligaw nanaman yun!!”sagot ni Lucy.  Pareho lang pala kami ng iniisip ni Lucy,,hay Minah nasan ka na ba? Nawala ako sa pagmumuni-muni nang mapansin ko na…ang konti ng mga babae..at sa kabilang gilid ay may mga nakakatakot na lalaki!!Eeekk…Music club ba talaga toh??

Hmmm..sa bandang pinakadulo naman ay parang may 4 na modelo..ang gagwapo nila,,miyembro ba sila ng music club?? Napansin kong nakatingin ang isa sa kanila sa akin.. sakin nga ba?? Ewn ko,, sa gawi namin,,medyo Malabo pa rin ata ang mata ko kahit may salamin na ko dahil kumikinang silang apat sa paningin ko..pero may kung anong kaba akong naramdaman ng magtama ang mata namin, nung isang brown ang buhok..yung nakatingin sa gawi namin…

Huu..nasan ka na ba Minah,,kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko oh!(O////O)

Minah’s POV

Hmmmm…ang sarap ng naging tulog ko,,,hehehe ilang oras kaya akong nakatulog?? Teka,,,3:20 na!!! OhhMYYyy LATEE NA NAMAN AKO!!!!..May usapin kami nina Lucy at Jollybeh na magkikita kami sa music room para sa club chorva…ano ba yan.. Tumayo na agad ako at nagbihis ng pangcivilian malelate ako pagnag stockings pa ko !!!

Dali-dali akong kumaripas ng takbo!, Infairness! Nakarating agad ako sa campus ng 3:30?? Ang bilis ko talaga ah! GRABEH I’’m sooo Proud of myself!!mwahahaha…pero teka ..asan ult ung club room??!! Jusko mairmar eto nanaman poh tayo!!LIGAW to the AWESOME na namn ang PEG ko..Thank you at may napagtanungan nanaman akong janitor!! Hahaha dapat na nilang taasan ang sweldo ng mga janitor dito!!! They are sooo helpful to me!!hehehehe

Binuksan ko kaagad ang pinto,,OOppSs,, napalakas atang masyado ang pagbukas ko!.Lahat ng tao sa room ay napatingin sa gawi ko!!Eeekkkk!!!nakakahiya humihingal pa man din ako dahil sa sobrang pagmamadali…Well infairness natahimik silang lahat…Agad kong napansin ang mga besties ko! Lalapit na ako sa kanila nang mapansin kong, parang gulat na gulat sila pagdating ko,,at parang hindi nila ko kilala ha…

Napahawak agad ako sa mata ko at,,,Awwww hindi ko suot ang nerdy glasses ko!!Yung buhok ko nakalugay din!!tapos nakacivilian pa ko!!Aba’y malamang hindi nila ko makilala!!MINAH ang Tanga lang talaga oh!!!

“Ahm, hello, I’m Laxus, the music club president,you can call me Lax for short.”sabi nung president sa akin sabay lahad nito ng kamay..

“Ahh Hi, Lax,I’m..”teka ano ba sasabihin kong namesungandito sila Lucy…ah..”.I’m Mabby, I’m just here to observe,,sorry for being late at naistorbo ko kayo..”okay na siguro ang Mabby..M from Minah at Abby mula sa 2nd name ko…kinamayan ko si Lax at umupo na sa gilid..

Pero parang nakatingin pa rin ang lahat sakin ha…ano ba  an ganun ba ko KAGANDA?? Natameme silang lahat e!!??!, o nashockers lang talaga sila sa pagpasok ko,,kagulat ba ko masyado?MUMU lang MUMu Ba?(OoO) Hindi ko malalapitan sina Jolly nito ,,nasayang lang tuloy ang pagmamadali ko…makakinig na nga lang sa mga dinidiscuss ni Lax..Tatapusin ko na lang toh at uuwi na ko bago pa ko makilala nina Lucy..well,malalaman na rin naman nila dahil I wanna show them the real me hirap kayang magtago!!

HotNerdy X-gangLeader!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon