PART 2

14.7K 550 89
                                    

[SECOND PART]

September 3, 2013

 

“Ano?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Gee. “Paanong naglaho? As in agad-agad?”

“After five seconds saka umilaw ‘yong papel at unti-unting nawala sa kamay ko. Parang magic! Huhuhu.” Maluha-luha kong kwento sa kanya.

Never lose your destiny paper. It will help you find your destiny.

‘yan ang famous line mula sa pamahiin ng Destiny Paper. Hindi ko pa man nababasa ‘yon, alam ko yan dahil sa chismis ng lahat.

So anong ibig sabihin ng pagkawala ng destiny paper ko?!

Naalala ko kasi si Ate Aiza. Isang 4th year student dito. Sinubukan nya ang destiny paper… at nang makuha nya ito, hindi naman daw ito naglalaho. Hanggang ngayon, andun pa nga sa notebook ang papel, nakaipit.

Pero ‘yong akin, sa loob lang ng ilang segundo, nawala na. Huhuhu. Di dapat kasi ganun ang mangyari e! Hindi dapat agad naglaho ang papel na ’yon.

 

Pano ko na makikita destiny ko nito?!

“Halika girl! I-check natin ang Golden Book. Baka nakasulat ‘don ang reason.”

Nagpahila na rin lang ako sa kanya papunta sa Library. Buti nalang at walang gumagamit sa Golden Book kaya agad namin ‘tong nahiram.

“Destiny Paper… Destiny—eto! Page 486.” Agad na nilipat ni Gee sa page 486. Hinayaan ko nalang syang basahin ito mag-isa.

Wala akong gana na tignan ‘yan.

I’m just so depress! Bakit kailangang mawala ng papel? Bakit ‘yong sa iba, hindi? Nakakapag-alala, sobra. Baka dahil nawala ang papel ay di ko na rin matagpuan ang destiny ko.

Teka. B-aka... natigok na ang destiny ko sa mga oras na unti-unting naglaho ang papel? Uwaaah! Ano ‘to? Di ko pa nga nakikilala, byuda na agad ako?

“Ayoko naaaaa.” Pinag-uuntog ko na ang ulo ko sa mesa.

Kung kelan may isang pamahiin ng nangyari sakin, ito pa ang mangyayari?! Why? Don’t I deserve to meet my destiny?

“Ssshhh!” sabay hampas nya sa akin ng malakas. “Nagbabasa pa ako girl. Tahimik ka lang.” Aw, masakit ah.

Focus na focus lang sya sa binabasa nya. Ako? Nakatunganga lang hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagyugyog nya sa balikat ko.    

"OH MY. Look girl!" Inusog nya sakin ang libro saka ini-trace ang isang pangungusap na nakaprint sa pahinang ‘yon. Inilapit ko naman ang mukha ko sa libro at binasa ng paulit-ulit ang pangungusap.

Destiny Paper (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon