PART 3

17.7K 1K 355
                                    

[THIRD PART]

September 30, 2013

 

“Kailan ba sya magigising? Magigising pa sya hindi ba?”

Narinig ko sabay ng isang malakas na hagulgol ng isang babae. Hindi ko naman makita ang itsura nya dahil maraming mga kapamilya yata nya na kinokomfort din sya.

Simula nang maupo ako dito, umiiyak na sya sa labas ng isang kwarto at hindi rin magkamayaw ang mga taong nakapaligid sa kanya na di maiyak.

Kaya ayoko dito sa hospital e!

Kung sana nga lang ang madatnan ko ay mga mag-asawang masaya dahil sa kasisilangang lang nilang anak… pero hindi e. Walang katapusang kalungkutan ang nakikita ko. Mga taong iniiyakan ang mga taong mahal nila na inooperahan o nasa bingit na ng kamatayan.

Nakakainis lang! Malapit na ang Pasko, marami namang taong malungkot.

“Ang tagal mo Tay ah.” Bungad ko sa kanya nang lumabas na sya mula sa isang kwarto. “Alis na tayo.” Aya ko kaagad at kumapit sa braso nya.

Nagpa-check up lang si Tatay. Naninigurado lang lalo na’t may katandaan na sya.

“Nakakabagot bang maghintay?” tanong nya sabay gulo ng buhok ko.

“Hindi.” Sabay iling ko. “Masakit lang.” Nasasaktan lang ako sa bawat segundong lumilipas sa kahihintay ko dito.Hindi ako sanay sa ganitong eksena.

Sinulyapan ko muli ang babae na umiyak kanina. Teka. “Diba, ‘yon yung kapitbahay natin? Nakatira ‘don sa kabilang bahay na walang tao since last year pa?” tanong ko kay Tatay.

Bakit kaya sya umiiyak?

**           

October 3, 2013

 

“Girl!!!” Nagtatakbo syang lumapit sa akin at nakiupo sa tabi ko dito sa garden. "Bakit andito ka? Tapos ka ng kumain? Hinahanap ka ng iba e."

Tumango lang ako bilang tugon.

“Girl, anyare sayo?” Luminga-linga sya sa paligid at biglang sumigaw. “Lou! Anong ginawa mo sa friend ko?! Magpakita ka sakin boy!”

“Wala sya.” Sabi ko para tigilan na nya ang kakasigaw. Baka pati sya e mapagkamalang schizophrenic tulad ko.

Inakbayan nya ako at inilapit ang mukha sakin. “Wala pa rin sya?”

Ngumiti lang ako at di na sumagot pa. Actually 6 days na mula noong pag-uusap namin sa kwarto at di na sya nagpakita. Kinaumagahan paggising ko, walang Lou na kinukulit ako at nag-iingay bilang alarm clock ko.

Hindi kaya dahil ‘don sa sagot ko sa kanya? Nagtampo kaya sya? May ibang ibig sabihin naman kasi talaga ang sagot ko e, di ko lang nasabi.

Destiny Paper (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon