Dose- - Sleep over

570 15 0
                                    

*Kylie
Inimbitahan ko ang barkada na mag sleep over sa bahay ko. Saka isa pa para magkaroon kami ng bonding kila  Sprinkle.

Sinundo ko muna si Sprinkle sa kanila. Halatang pikon na naman sa nanay nya dahil nakasambakol ang mukha nito.

"Anyare?" Tanong ko agad pagpasok nya ng kotse.

"Panu si nanay humingi na naman ng pang sugal nya! Tapos yung kapatid ko wala pang panggawa ng project si Kuya naman umuwi na naman ng lasing tapos yung bunso namin natamaan ng bote sa ulo kaya nangutang pa ako para mapagamot yun. Wala man lang silang pakielam.." umiiyak na sabi nya.

Niyakap ko lang sya!

"Shhh! Tana na ako na ang magbabayad ng utang mo, tapos ipapagamot ulit natin ang kapatid mo!" Sabi ko dito.

"Ok lang! May alam ka bang pwedeng pasukan ng trabaho?" Inosenteng tanong nya.

So cute!!!

"Yeah sa bar na kinakantahan namin, pwede kitang ipasok dun as a waiter, kilala ko may ari nun friend ko" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Talaga!"

"Oo"

Niyakap nya ako ng mahigpit. Parang lumukso ang puso ko dahil nakita ko na syang masaya.

"Teka lang Kylie isasama ko yung bunso namin na si Ella" sabi nya sabay baba ng kotse. Nagulat ako nang makita ko ang kapatid nya halos magkahawig sila pero iba ang ganda nila.

Si Sprinkle maganda na maamo ang mukha samantalang si Ella maganda na matapang.

"Mag Hi ka sa kaniya Ella" utos ni Sprinkle kay Ella.

"Hi" tipid na sabi nito.

Ngumiti lang ako dito. At nagbyahe na kami. May benda ang kapatid nya sa ulo kawawang tingnan. Nakatulog agad ito pagpunta namin sa bahay.

"Nagdala ka pa ng damulag!" Asar agad ni Sugar sa kaniya.

"Tse! Ayokong iwan ang bunso namin" sigaw sa kaniya ni Sprinkle.

"Manahimik na kayo tulog na yung bata!" Saway sa kanila ni Jennifer.

Pinahiga ko sa Guest room yung kapatid nya. Dumating na din ang lovebirds kasama si Naomi.

"Sorry Guys! Ngayon lang makakabawi!" Sabi ni Naomi.

Tumango lang kami. Uminom lang kami at nagkaroon ng mga ilang usapan.

"Feeling ko di lang kami ng baby ko ang mag lovebirds dito" Medyo bangag na sabi ni Meghan sabay tingin sa amin ni Sprinkle.

"Oo nga kayo na ba ni Sprinkle ha Kylie? " tanong naman ni Sugar.

"We are only friends! " nakangiting sabi ko sa kanila.

"Lahat naman nag-uumpisa sa pagkakaibigan" sabi naman ni Naomi.

"Paano kung dumating sa point na mahulog kayo sa isa't-isa?" Mala hot seat na tanong ni Cheska.

Napaisip ako dun ah!

"Liligawan ko si Kylie,  di ko na pakakawalan ang babaeng kagaya nya!" Diretsang sabi ni Sprinkle.

Lumukso ang puso ko aa kilig! Oo kinikilig ako sa sinabi nya!!!

"Paano mo naman liligawan si Kylie eh wala ka namang pera bugok!" Pagpapatuloy ni Sugar.

Sinasamantala nila ang pagka bangag ni Sprinkle.

"Gagawin ko ang lahat basta mapasaya sya" seryosong sabi ni Sprinkle.

"May Gusto ka ba kay Kylie? " singit na tanong ni Jennifer.

Life Defined (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now