LabingIsa- - Welcome Back!!!

533 15 1
                                    

*Eunice
Naiinis pa din ako kasi di man lang sya bumati nung mot2x namin. Nakakainis sya!!

Buti na lang nandito lagi sa tabi ko si August.  Lagi kaming umaalis para di raw ako malungkot. Kagaya ngayon aalis kami. Tatambay lang kami sa park tapos kung ano-ano lang kinukwento nya saka kung ano-ano lang ang kinakain namin.

Nagiging masaya ako kapag kasama ko sya nagiging kumpleto ang araw ko dahil sa kanya.

"EJ nag reply na ba si Lay?" Tanong nito habang kumakain ng kikiam.

"Hindi pa nga nakakatampo nga eh!" Malungkot na sabi ko.

"Naku! Tutuktukan ko nyun eh!" Kunwaring nanggigigil.

"Baka pinagbawalan sila"

"Naku kung gusto may paraan"

Ngumiti na lang ako at ininom ang juice na hawak ko.

Umuwi na kami kasi hapon na niyaya ko muna syang pumasok kaso tumanggi sya.

"Bye EJ ingat ka ah! Txt na lang tayo mamaya!" Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Sa  tuwing ginagawa nya nyun nakukuryente ako. Di ko na lang binibigyan ng malisya.

Alam kong parang may something sa nararamdaman ko sa kaniya simula pa lang ng 1st day sa school kaso di ko na lang pinapansin kasi nandyaan si Lay at alam kong mahal ko sya.

Bago ako matulog nag check muna ako ng message sa cp.

August
-EJ good pm tulog ng mahimbing di na tayo makakapag txt  soon to cut na.... huling txt na ito xD....

Napa smile ako, buti pa sya nagtetxt samantala yung taong mahal ko hindi.

Natulog na lang ako at inisip na malapit ko nang makita si Lay....

-------------------
*August
Tapos na ang long weekend namin para sa akin na enjoy ko kasi kasama ko si Eunice.
Papasok na ako ng makita ko si Joe sa kanto.

"Joe!" Tawag ko dito.

"Dud! Hindi sa ano kasi makikipag bugbugan ako kila Troy mamaya" sabi nito.

"Ano kasi Dud baka hindi ako makasali" nauutal kong Sabi.

Ayoko muna makipag-away kasi ba naman. Gusto ko kapag nakita ako ni Eunice maayos ang itsura ko.

"Ok lang dud" halata sa boses nya na malungkot.

Pumasok din ako sa school ng makita ko na napakaraming estudyante sa cafeteria may mga nakasabit dung balloons tapos may mga heart sa ding-ding tapos may nakalagay sa tarpaulin na 'belated happy monthsary' nakita ko na lang na ang saya ng mukha ni Eunice habang nakatitig kay Lay.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Paano kung gusto ko na si Eunice...

Paano kung gusto ko syang agawin kay Lay.....

Pero hindi pwede,  dapat maging masaya na ako dahil ang taong mahal ko ay may mahal ng iba at alam kong mahal din sya nito...kaya dapat happy na ako....

Iiwas na ako.... bago pa lumalala ang feelings ko para kay Eunice....

Buong klase na iniiwasan ko sila Eunice. Si Gin naman tahimik ayokong makielam sa kaniya ngayon.

Nang uwian nagmadali akong umuwi ng makita ko si Joe na hingal na hingal.
Agad ko itong nilapitan pero tinulak nya lang ako.

"Alam mo! Napunta ka lang sa magandang school iniwan mo na kami nila labo! Kayong dalawa ni Gin!" Sigaw nya sa akin.

"Pasensya na Dud" tangi ko lang nasabi.

"Bugbog sarado kami ni Labo, nasa hospital sya ngayon! Kasalanan mo ito..." mahinahong sabi nya pero may halong pangigigil pa din.

Binunggo nya ang balikat ko nung umalis na sya....

Tangina pinabayaan ko ang tropa! Dahil ito sa Eunice na nyan! Nasa kaniya ang buong atensyon ko kaya di ko na naisip ang tropa...

Agad kong sinugod sila Troy sa tambayan nila.
Sinugod ko agad ito ng suntok.

"Oh Welcome Back Juantes" nakangising sabi nito habang hawak ang dumudugong ilong nya.

"Tangina mo pagbabayaran mo ang ginawa mo sa tropa ko lalo na kay labo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Tingnan natin" nakangitong sabi nito.

Sinugod agad ako ng mga tukmol nyang kasamahan kumuha na lang din ako ng medyo malaking kahoy nakipag hampasan sa mga barako. Kaso nahampas ako sa likod at napag tulungan na ako ng mga hinayupak..

Tumayo pa rin ako at pinagpapalo uli sila. Isa na lang natira si Troy halimaw..

Nahampas nya ako ng matindi ng ikinadugo talaga ng noo ko. Nag-iinit ako lalo kaya di pa rin ako sumuko hanggang sa mapatumba ko sya....

Kaso nagdilim na din ang aking paningin....

---------------------
*Gin
3 days ng nasa hospital si August naglihim na naman sya ng away. Tulog pa din tuloy hanggang ngayon napaka sugapa kasi.

"Di talaga nagbabago ang bata na nyan!" Naiiling na sabi ni Ate Sugar.

"Dapat sinali man lang nya tayo!" Reklamo naman ni Sprinkle.

Binatukan naman sya ni Ate Cheska.

Naiilang ako sa mga kasamako ngayon sa kwarto ni August.  May mga kasama kasi sila Ate Sugar na dalawang magandang babae. Kylie at Meghan ang pangalan.

"Ikaw Gin, bakit di mo man lang sinamahan tong kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Ate Sugar.

"Nilihim nya lang!" Ang sabi ko.

Tumango lang ito. Umalis na din sila pagka dating ni Mang Berto kasama si Chief.

Nag-usap sila na kukunin na ni Chief si August. It means malalayo si August sa amin.

Ano ang feeling ko??? Syempre malungkot malalayo ang kaibigan ko at baka malipat din sya ng school.

Sinabi ko agad kila Eunice ang narinig ko mula kila Chief. Nalungkot sila malamang...

Pang-isang linggo na tulog si August at nandito pa rin ako bumibisita.
Pero nagulat ako na bigla syang dumilat at tumingin sa kinaroroonan ako. Syempre ako nagkamaos sa paghiyaw sa nurse.

Binalita na namin sa mga kaibigan namin ang lahat ng paglayo ni August sa amin. Nagtaka nga ako na ok lang kay August at hindi sya nag-aalboroto. Hindi man lang sya umangal.

"Dud ok lang talaga?" nagtatakang tanong ko dito.

"Mas ok na nyun Dud maiiwasan ko na si Eunice " seryosong sabi nya.

"Bakit?" Nagtataka pa din ako.

"Parang gusto ko na sya....kaya gusto kong umiwas sa kaniya saka nasasaktan ako pag nakikita kong masaya sya sa iba at hindi sa akin.. nagbabago ako ng di ko nalalaman... Dud ang sakit masakit na isipin na hindi ako kailanman magiging kaniya..." umiiyak na sabi nya.

Hinawakan ko sya sa balikat nya.

Naiintindihan ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nya kung gaano kahapdi.

"Naiintindihan kita" seryosong sabi ko...

+--------------------------------------+

Ang sakit pala pag napatunayan mo na at mismong naramdaman mo na wala kang halaga sa kaniya.....

Life Defined (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon