Anim- - Group Project

817 17 1
                                    

~3rd person pov~
Hindi pa rin matanggap nila Jennifer at Kylie na magiging ka grupo nila si Sugar at Sprinkle. Ganun din naman ang nararamdaman nung dalawa.

Bakit pa ang mga bitches ang magiging kagrupo nila wala pa si Cheska sa tabi nila...

Pero nandito ang dalawang isip bata sa tapat ng bahay ni Jennifer hinatid sila ni Meghan na naging ka close na nila dahil kay Cheska piling nila na may something na sa dalawa...

Pagpindot nilang door bell agad na may bumungad na isang malaking guard.

"Anong kailangan nyo!" Matapang na sabi nito.

"Kaklase kami ni Jennifer kuya guard paki sabi pong nandito na kami" sabi ni Sprinkle.

"Pangalan po nila?" Tanong agad nung guard.

"Sprinkle saka ang magandang nasa harap mo ngayon na si Sugar" si Sprinkle uli.

"Kuya papasukin mo na kami!" Sigaw ni Sugar.

Bubuksan na sana nung Guard ang pinto ng biglang sumulpot si Jennifer sa likod nung Guard.

"Napakatagal nyo naman!" sigaw nito.

Halata sa mukha nya ang pagkainip. Tila napatulala naman si Sugar sa suot ni Jennifer dahil sa iksi ng short nito pero nag padagdag ng sex appeal nito.

"Ayaw naman kaming papasukin agad ng guard nyo!" Sigaw din ni Sugar.

"Eh paano mukha kayong magbebenta ng produkto ano bang magandang tawag dun??? Ah! Tindera sa palengke" pang-aasar nito.

Inirapan lang siya nung dalawa.. Sawa na silang sampalin ang babae na to dahil sa kunat ng mukha nya at parang di naman nadadala.

Pumasok na ang dalawa diretso lang sila at namangha sa ganda ng bahay ni Jennifer at sa sobrang laki nito.

Pagpasok nila sa  living area nakita nilang naka salampak lang si Kylie sa carpet habang nag gigitara.

Napatulala si Sprinkle dito dahil sa angas ng dating nya at mas nakakaakit pa ay sa bawat pag strumming nya nakapikit ito at damang dama nya ang musika na nanggagaling sa gitara.

"Hey Kyle the losers is here!" Basag ni Jennifer sa kaniyang kaibigan.

Di naman na nagsasampalan si Kylie at Sprinkle yun nga lang puro sila asaran...

"Nandito na pala sila kaya may naaamoy akong something fishy" pang-asar na sabi nito.

"Alam nyo kung aasarin nyu lang kami gumawa na lang kayo ng sarili nyong project" inis na sabi ni Sugar.

"Mayaman lang kayo pero wala namang utak" dagdag ni Sprinkle.

Umirap lang ang dalawa. Dahil alam nila kung pagdating sa pera lamang sila pero pagdating sa pag-aaral lamang ang dalawa.

"Sya simulan nyo na!" Sabi ni Jennifer.

Ganito ang usapan nila kila Jennifer ang gamit tapos sila Sugar ang gagawa.

Sinimulan na nila Sugar at Sprinkle ang paggawa magaling kasi sa pag dedesign si Sugar samantalang si Sprinkle naman sa idea. 

Samantala yung dalawa nanonood lang...

Napansin ni Jennifer na maganda naman si Sugar at magaling pa sa pag design kahit madalas silang nagsasampalan hindi maiwasan ni Jennifer na ngumiti ng palihim dahil di sila nag-away ngayon.

Natatawa naman sa kaniyng isipan si Kylie dahil bulong ng bulong si Sprinkle sabay sulat. Tapos palihim nya ring binabasa ang mga ito. Talagang magaling si Sprinkle dahil ang dami na nyang naiisip na idea kahit ilang minuto pa lang ang lumipas.

Life Defined (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon