Madilim ang eskinitang nilalakaran niya,
Kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso ay ang sunod sunod na paghinga, hindi niya na alam kung saan siya pupunta o kung ano ang kailangan niyang gawin.
Hanggang makarating siya sa dulo kung saan wala ng kahit anong madaanan maliban sa pag akyat sa bubong na gawa sa pinagtagpi tagping yero at maliliit na plywood.

Napahinto na siya.

Hindi niya na kaya.

Muli, kasabay ng pawis niya
ANG tuluyang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi.

Ano ba ang dapat niyang gawin?

Susuko na ba?

Saan?

Sa katarungan o sa samahang kanyang kinabibilangan.

Muli siyang tumingin sa lalaking may hawak na kalibre kwarenta'y singko, at kasabay ng pagputok nito patama sa kanyang ulo, Ay ang paglabas ng larawan sa kanyang harapan ng kanyang pamilyang nakangiti at nagsusumao sa kanyang muling pagbabalik Sa kanilang tahanan.


Papel ni LunaWhere stories live. Discover now