*One Message Received
View || Exit
Cindy..
11:00:33 PM
Delete || Reply || Exit
Hindi ko alam kung magrereply ako o hindi, habang pinipindot mo ba ang mga letra na bumubuo sa pangalan ko at isenend sakin , Ilang beses mo din bang pinag-isipan?, nahirapan kadin ba ng pagtext sakin, kagaya ng pagreply ko sayo?
bakit ba tayo natapos sa ganito? bakit Bigla kang nawala at ngayon, nagparamdam ka bigla, ganun lang ba kadali sayo paglaruan ako? Hindi ko alam ang nararamdaman mo kaya hindi ko alam kung paano matatapos to ng sarili ko lang ang kinakausap ko,
Tapos na tayo hindi ba? Teka meron bang tayo? wala naman hindi ba? Pero bakit nag-aantay ako ng kasunod o katapusan? kung wala naman pala tayong naumpisahan.
narinig ko ang pagring ng cellphone ko
*09054654321 Calling...
Mas Malakas pa ang tunog ng kaba na nararamdaman ko kaysa sa Ringtone ng cellphone ko, Hindi ko kayang sagutin ang tawag mo, hindi ko kaya.
Tinitigan ko lang ang cellphone ko na patuloy ang pagtunog, napasandal ako sa gilid ng kama ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha na patuloy na umaagos sa pisngi ko.
Gusto ko, Gusto kong makausap ka, pero bakit ako ganto?
Pinipigilan ko ang sarili kong kausapin kita.
nakareceived ako ulit ng text mula sayo,
View || Exit
Please..
11:15:26 PM
Delete || Reply || Exit
Bakit?
Sending..
Cancelled..
Message saved to Draft.
Kahit pala natype ko na, hindi ko pa rin kayang iparating sayo, Maraming laman yang 'bakit' nayan. Emergency balance nalang ang meron ako, huminga ako ng malalim at binuksan ko ang drafts at sinend ko ulit ang text ko sayo, sa pagkakataong ito, hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko.
*One Message Received
View || Exit
Sorry..
11:16:09 PM
Delete || Reply || Exit
Hindi ko alam pero mas lalo akong nainis, at naiyak nung mabasa ko ang text mong yun.
Ang daming bakit ang gusto kong itanong sayo..
Gusto kong sagutin mo yun, ng hindi ko itinatanong sayo.
Ang tanga ko lang diba?
pinipigilan ko ang paghagulhol ko sa bahay dahil ayokong magising sila mama at papa at makita ang kadramahan ko. humarap ako sa kama ko at sinubsob ko ang mukha ko. hindi ko alam, ang tanda tanda ko na pero ganto pa rin ako umiyak, alam mo naman diba? iyakin kasi talaga akong tao.
Nakareceived pa ako ng mga ilang messages mula sayo pero, wala na akong gana na buksan pa yun, Alam ko na ayaw mo na sakin, hindi mo man sabihin, alam ko, naririnig ko at nararamdaman ko.
Pero kahit ganun umaasa ako na pupuntahan mo ako at sasabihin mo sakin na mali ang iniisip ko,
pero naging malinaw lang sakin ang lahat ng mabasa ko ang huling text mo kasabay ng huling patak ng minuto ng araw na to.
*3 Messages Received
View || Exit
Alam ko ang kapal ng mukha ko, hindi dapat kita iniwan,
11:30:54 PM
Delete || Reply || Exit
Alam ko Dapat hindi na kita kinukulit pa, Alam kong nasasaktan lang kita, Pero sana sabihin mo naman sakin ang Totoo ng hindi ako nag mumukhang tanga.
11:36:09 PM
Delete || Reply || Exit
kung ayaw mo na talaga ako makausap, kung ayan talaga ang gusto mo, Sige, hindi na kita guguluhin pa . Salamat sa lahat,
11:59:01 PM
Delete || Reply || Exit
|| Reply ||
Mahal Kita, mahal na mahal.
Sending..
Message not sent, saved to draft.
![](https://img.wattpad.com/cover/4354205-288-k341086.jpg)
BINABASA MO ANG
Papel ni Luna
Short StoryNapatingin si Luna sa mga papel na nakalagay sa kanyang mga lamesa. Kasalukuyan siyang walang magawa. kaya naisipan niyang sulatan ito ng kung ano-ano na tumatakbo sa kanyang malikot na pag-iisip. at di niya namalayan na nakagawa na siya ng isang kw...