Horror Story 7

219 9 0
                                    

Shooting


Hindi kapanipaniwala ang kwentong ito pero totoo. Nais ko lang isulat para subukang pakawalan sa aking isip.

Ilang linggo makalipas ang shooting namin, may mga kakaibang nilalang akong nakita pero di ko pinapansin dahil baka dala lamang ng pagkahilo at gutom ko pero nung muli kaming bumalik sa lugar na yun ay muling nagpakita ang mga yun. May mga pagkakataon na sinusundan kami kaya sumisimple ako ng dasal na di mahahalata ng mga kasama ko para di nila mahalata at maiwasan ang magkatakutan.

Kahit sa mga panaginip ko ay nakikita ko sila, lumalapit at sinasama nila ako pero hindi ako pumapayag kaya nanlalaban ako, yun ang dahilan kung bakit ako binabangungot tuwing gabi. Madalas din sumasama ang pakiramdam ko, lalo na tuwing gabi nasusuka ko ang mga kinakain ko at mas nagiging bugnutin at emosyonal ako para bang may kumokontrol ng emosyon ko may mga pagkakataon na kahit di ako galit ay bigla na lang akong nagagalit may mga pagkakataon din pag natutulog ako ay di ko magalaw ang katawan ko kahit dilat na ang mga mata ko at pakiramdam ko ay titigil na lang ang tibok ng puso ko.

nakakabaliw ang kwentong ito pero totoo, dahil kahit sa oras na ito ay nararamdaman ko parin na nakapaligid sila.

kung ano at sino man kayo pakiusap wag niyo na kaming sundan. manahimik na kayo.

Spooktacular Real Horror StoriesWhere stories live. Discover now