Horror Story 2

532 15 0
                                    


The woman in my dream

February 29, 2013 tandang tanda ko pa ang araw na nangyari yung bagay na hindi niyo gugustuhing mangyari sa inyo. 4:30 am tumunog ang alarm ng cellphone para mag gayak na ko dahil may trabaho pa ko nung araw na yun. Then pumara ko ng taxi, pag sakay ko tinanong niya ko kung saan ako bababa. ( na talaga naman tinatanong) pero yung paraan niya ng pag sasalita kakaiba yung tipong parang sobrang laki ng boses at tipong kala mo mangangain. Tapos inaabot ko ang bayad pero hindi niya kinukuha, so ipinatong ko nalang sa harap ng taxi niya. Tapos pagbaba ko bigla siyang tumawawa. (Ibig kong murahin) at ang kinagulat ko sarado pa ang pinapasukan ko na dapat kanina pang 4 am bukas (late na nga ako eh) then tinawagan ko yung katrabaho ko. Tinawagan ko yung kasamahan ko. Tinanong ko kung bakit wala pang tao sa opisina. Sagot niya na parang kagigising lang. "Brad niloloko mo ba ko? Alas dose palang! Istorbo ka!" (napagalitan pa ko) Dahil nainis na ko at insip ko nalang na baka na mali ako ng set ng time, umuwi nalang ako. Natulog nalang ulit ako, at nag alarm ulit ng panibago pero sa pag kakataong ito hindi na ko nagising sa alarm. Sa paniginip ko na para akong nasa isang eskinita at may tila tinatakbuhan na isang kakaibang creature at hindi ko maipaliwanag. Tinatawag niya ang pangalan ko at tumatawa. Pakiramdam ko na hindi lang ako at ang humahabol sakin ang tao sa lugar na yun. Kung hindi parang napakaraming mata ang nag mamasid sa akin. Takot na takot na ako noon. At wala rin katapusan ang tinatakbuhan ko pilit kong inaaninag ang dulo ngunit puro dilim lang ang nakita ko. Idagdag mo pa ang bagay na tawa ng tawa sa likod ko. Pero habang tumatagal may naaaninag akong liwanag. Tapos biglang sumigaw yung hahabol sakin. "Huwag kang papasok sa lugar na yan! Akin ka lang!" Galit na galit siya habang isinisigaw niya yun. (ano ba yan pati demonyo na in love na sakin) back to the story. Pero hindi parin ako huminto at nang makarating na ko sa lugar na yun. Nagulat ako sa kagandahan nito. (Yung tipong hindi mo na gugustuhin pang umalis). Pagkatapos may nakita akong isang babae na sobrang ganda. Maputi at mahaba ang buhok. Lumapit siya sa akin at sinabing "hindi ka dapat nandito, hindi pa ito ang oras mo binigyan ka pa niya ng pagkakataong baguhin ang buhay mo". Hindi ko maintindihan ang kung bakit niya sinabi sa akin yun. (Pero that time kasi medyo pa sira na ang buhay ko. Yun nalang ang inisip kong dahilan.) Pagkabanggit niya ng mga salitang yun. Nabalot ng puti ang paligid ko at unti unti siyang nawala at bigla akong nagising sa isang puting kwarto na nasa tabi ko ang nanay kong lumuluha. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Ang sagot niya "dahil gising kana anak" tanong bakit ano ba ang nangyari sa akin? Sabi niya "wala ka bang natatandaan anak? 2months kanang nasa comatose dahil sa na bundol ka ng isang truck, akala ko anak hindi ka na gigising muli". After na maka recover ako naka usap ko yung katrabaho ko na tinawagan ko. Ang sabi niya sa akin na nung oras daw na kausap ko siya sa cellphone eh yun din yung oras na nabundol ako nagulat daw siya dahil naka rinig siya ng busina at pagka tapos nawala na yung tawag. Sinubukan niya daw ako ulit tawagan pero hindi niya na ko makontak kaya dali dali niya daw tinawagan si mommy at hinapan ako. Nabangga daw ako sa lugar na malapit sa opisina namin. So kinilabutan ako ng husto ng malaman kong hindi na pala nakauwi yung katawan ko, kaluluwa nalang. Pagkatapos lumipat na ko ng ibang kumpanya pati na rin ng bahay at may nakilala akong isang babaeng sobrang pamilyar sa akin. Kahawig siya nung babaeng nasa panaginip ko yun ngalang maikli ang buhok niya, at ngayon fiance ko na siya. Salamat po sa pag basa alam kong hindi kapani paniwala pero totoo at nangyari lahat.

Spooktacular Real Horror StoriesWhere stories live. Discover now