Chapter 3 The PsyChoJoKes

67 4 2
                                    

Chapter 3 The PsyChoJoKes

"C'mon Guys, it would be fun" pangungumbinsi ko sa kanila about sa deal na sinabi ko kay Ma'am kahapon.

"Yan ang epekto ng kababasa mo ng mga libro eh." medyo galit na sabi ni Paul Lopez, ang pinakamatanda at pinakamatalino sa aming apat. Maputi na may katabaan. Nag-iisang anak sa pamilya gaya ko, actually kaming apat ay pare-parehong nagiisang anak. Kaya kami siguro magkakasundo.  

"Isa pa James, kung gagawin natin yang sinasabi mo... Paano na yung mga chix na nag-aasam at nagaantay sa atin?" Seryosong tanong naman ni Cristopher Cruz, ang pinakanon-sense sa aming magkakabarkada. Walang ibang laman ang isip kundi puro babae, pero di pa rin pinapalad na makahanp ng babaeng makakasundo niya. Maitim at Matangkad, pangalawa sa pinakabata sa barkada. May pagka-athletic build ang katawan na lubhang ipinagmamalaki niya samin at sa mga pinopormahan niya.

"Wala na tayong magagawa kundi mag-isip ng paraan kung paano natin magagawang ma-solve ang isang murder case." dagdag ni Kristian Oliveros habang naglalaro ng kaniyang rubix cube. Pinakabata at pinakapositive sa aming lahat, hindi kasing talino ni Paul pero mahusay sa pagsosolve ng mga puzzles at iba pa. Katamtaman ang taas, kayumangging kulay at nakasuot ng salamin.

"See? Kung magiging optimist lang tayong lahat tulad ni Kristian, edi sana OK na diba?" pangungumbinsi ko sa kanila ulit. Ako ang pangalawa sa pinakamatanda. Pinakamatangkad at gayundin pinakamasayahin. May kaputian pero sakto lang.

"O sige na nga, in na rin ako kahit nangangahulugan pang mawawalan ako ng time para sa mga chix, basta kayo."

"Yun! Buti naman Cristopher. Eh ikaw paul?" tanong ko, sabay tingin sa kanya, pati si Kristian tumigil sa paglalaro ng rubix para tingnan si Paul dahil di siya sumasagot.

"May choice pa ba ako? Kung makatingin kayong tatlo sakin parang may nagawa akong kasalanan ah." napipilitang sagot ni Paul.

"Yes! Maraming maraming salamat talaga guys. Para satin din naman to eh." sabi ko habang ina-appear sila

"Ok na nga sabi diba?" sabat ni Paul

"Oo nga, hahahaha. Wala naman akong pinapalabas eh." pangaasar ko 

"Guys stop it... Hindi ako makapag-concentrate sa pagrurubix"

"Teka-teka... Syempre pag na-solve natin ang isang case, magiging sikat tayo at makikita tayo sa TV, dapat may tawag satin diba?" umaarangkada na naman sa kalokohan tong si Cristopher.

"That's not a fact." sagot ni Kristian

"I think I agree to Cristopher." sabat ni Paul na ikinagulat naming lahat, kadalasan na siya yung tutol sa aming tatlo pero bigla siyang sumang-ayon ngayon.

"Kaw ba talaga yan Paul?" pangungutya ni Cristopher

"Tss... Kinakampihan ka na nga eh, tapos ganyan ka pa?"

"Ok tama na! Puro na lang tayo away, kung magkakapangalan tayo... Ano naman at bakit?" pang-aawat ko sa kanila

"ChickaBabes!" --- Cristopher

"Bro Busters?" --- Ako

"Rubix Twister." --- Kristian

"No, no and no! Dapat may meaning, may dating at may koneksyon sa ating apat." --- Paul

"Tama" --- Ako

"He has a point" --- Kristian

"ChickaBabes kasi pare-pareho ta---"

"HINDI!!!" sabat naming tatlo sa pinagpipilitan ni Cristopher

"How about using our initials?" suggest ni Kristian

"Good Idea" sabi ni Paul saka sinulat ang initials namin sa papel. According to age, pinakamatanda hanggang pinakabata

P  J  C  K

"PaJama CaKe!" sigaw ni Cristopher, di na namin siya pinansin at iniba ni Paul ang ayos ng letters, random niya itong isinulat.

P  C  J  K

"PsyChoJoKes" natatawang sabi ni Kristian

"What???!!! That doesn't make sense, ang cute na nga nung kanina kong binigay eh.." protesta ni Cristopher.

"Akala nila pipitsugin at biro lang ang mga Psychologist na katulad natin, pero magugulat silang tayo ang makakatulong na mahuli at mawala ang mga taong kinakatakutan nila." sabi kong nakangiti.

Please Close The Door...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon