Chapter 2 2nd Door

66 3 0
  • Dedicated kay Edwin Ciudad Cuizon
                                    

Author's Note: Guys sorry antagal ko magupdate T.T kasi ang unti niyo din namang ngbabasa nito eh.. tpos di pa kayo nagco-comment.. Try niyo maging hyper at active para mahawa din ako ah? :) Thank you. Tapos ito papaliwanag ko sa inyo, kasi baka mamisinterpret niyo. May Chapters na naka-3rd Person Point of View. Yung parang ako ang nag-nanarrate. Pag ganun automatic hindi na Point of View ni James yun ah. Its either sa killer POV cia or sa iba pang Characters. Yun lang ^_^ Enjoy. Dito ko pala kinuha yung Teaser ko.. Hahahaha Sorry ang haba ng note ko..

______________________________________________

Chapter 2 2nd Door

It's gonna be his second kill... Pero sariwang sariwa pa din sa isipan niya ang ginawa niya nong gabing iyon. "Mangyayari ang Dapat mangyari" Sabi niya sa isip niya. Hindi naman mahirap ang pagpatay. Nagawa niya nga noon eh, ngayon pa kayang malaki na siya at mas marami na siyang alam?

Dali dali siyang naghanap ng biktima... Natatawa lang siya sa sarili niya habang naglalakad sa madilim na eskinita. Walang makakahuli sakin, hindi nila alam kung ano ang kaugnayan ko sa mga biktima, pagsasalita niya ng pabulong. Isang tawa pa... Pero hindi ako baliw, this is just for entertainment.

Pagkatapos ng ilan pang hakbang, nkahanap na din siya ng mbibiktima... Ano ba kasing laging sinasabi ng mga magulang niyo? "Anak, wag kalimutang isarado ang pinto ha?" Pero hindi pa rin kayo nakikinig. Ayan tuloy, andito ako para turuan kayo ng leksyon.

Pumasok siya sa isang bukas na pinto, nararamdaman niya na ang kasiyahan at kaba habang papalapit siya sa babaeng nagluluto sa kusina, bakit ba kasi hindi talaga kayo nagsasara ng pinto ha? Pero hindi na dapat pa siyang magtagal, kaya agad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo sa kanyang bulsa at dahan dahan itong dinikit sa leeg ng babae.

"Subukan mong sumigaw... Sigurado akong hindi ka na makakasigaw pa ulit." Bulong niya sa babae

"Ano ba ang kailangan mo? Sabihin mo sakin, pera? Katawan ko? Ibibigay ko basta wag mo lang akong patayin. Maawa ka sakin..." napansin niyang nanginginig na sa pagmamakaawa ang babaeng hawak niya.

"Wala akong kailangan sayo, gusto ko lang sana humingi ng pabor."

"Ano iyon? Gagawin ko basta please... nagmamakaawa ako sayo wag mo akong patayin..."

"Pwede bang sa susunod huwag mo nang iiwang bukas ang pinto?"

"Oo cge... hindi ko na iiwang bukas ang pinto sa susunod.. Pangako.. Pwede bang tanggalin mo na yang kutsilyo sa leeg ko?"

"Sorry... Hindi na pwede..."

"Ha? Bakit? susundin ko naman yung pabor mo.. Bakit hindi pwede?"

"Dahil wala nang sunod na pagkakataon..."

And just like that. Nakapatay na naman siya. But he never felt any regret. Actually, he enjoyed it. At ngayon naliligo na ang kaniyang kamay sa dugo ng babaeng pinatay niya. The truth is kilala niya ang babaeng pinatay niya. Matagal na niya itong inoobserbahan, kailangan niya lng humanap ng tamang pagkakataon: Ang maiwan ng babae na bukas ang kaniyang pinto. Yun lang ang kailangan niya, at nangyari yun ngayon. Tiyak na magiging memorable ang gabing ito.

Dahil ito ang pangalawang beses na pumatay siya. The 2nd Door. Take note...

The 2nd Door. 

Pero saan at kailan nangyari ang 1st Door?

You'll know soon...

Please Close The Door...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon