Horror Story 1

1K 26 8
                                    

My Girlfriend was raped by a Demon

Seriously, hindi ako yung taong pala-kwento. But I just want to share this experience 4 years ago. I hope na maipost to since this is my first time na magsulat dito.

I have a girlfriend, itago na lang natin sa pangalang Shane, we've been together for almost 8 years and in fact ikakasal na dapat kami nun. We promised each other kasi na kapag makagraduate kami ng college at magkaron ng stable job, magpapakasal na kami. So yun nga, sinesettle ko na yung wedding namin. Bilang isang lalaki gusto ko kasing mabigyan ng unforgettable at kakaibang wedding yung gf ko kaya todo effort ako at syempre gusto ko syang mapasaya sa special day na yun. I asked her kung ano ba ang gusto nyang mangyari sa wedding, syempre hihingiin ko ang opinion nya and she said ""Kahit hindi bongga, basta gusto ko sa amin tayo ikasal"" (Taga probinsya sya at sa Manila lang nag aral so bale gusto nya dun kami sa province nila ikasal. Wala namang problema although never pa akong nakapunta dun dahil dito ko na sa Manila nameet ang parents nya pero pumayag ako dahil yun ang gusto ng prinsesa ko).

Umuwi kami sa province nila para dun na magprepare, di ko na sasabihin saang province basta somewhere sa South. Pagdating namin sa kanila, hindi ko alam pero nagkaron ako ng goosebumps which is very rare. Malaki yung bahay nila at mukang luma na pero kakaiba yung feeling ko. Weird lang dahil kalalaki kong tao pero parang may kakaibang takot akong naramdaman. Nung sinabi ko sa parents nya na dun kami ikakasal nagulat sila, bakit daw doon, wag daw doon. Hindi ko magets kung bakit, kahit si Shane nagtataka rin. ""Ma, bakit naman, eto hometown ko, pagbigyan nyo na ako please"" sabi nya sa mama nya. ""Anak parang awa nyo na, umalis na kayo dito, para rin yan sa inyo"" Napatingin naman ako kay Shane dahil alam kong masama ang loob nya. ""Okay tita, we'll leave by morning"" sabi ko sabay yakap sa gf ko. ""For sure may reason ang mama mo kung bat ayaw nya na dito tayo ikasal"" sabi ko na lang kay Shane.

Kinagabihan, dun kami sa kwarto nya natulog, nagpalipas lang kami ng gabi dun at babalik ng Manila kinabukasan. Akala ko magiging okay ang lahat pero hindi pala. Habang natutulog na sya, bigla akong nagising at nauhaw kaya bumaba ako para kumuha ng tubig at laking gulat ko nung makita ko na yung iniinom ko naging itim. Nahulog ko yung baso pero nung natapon yung tubig, hindi naman itim ang kulay. Akala ko imahinasyon ko lang yun pero bigla akong nagulat nung marinig ko si Shane na sumigaw mula sa kwarto. Agad akong tumakbo paakyat, nagising din ang parents nya at sumigaw ""Asan si Shane?!!!"" tanong ng mama nya. ""Nasa kwarto po"" sagot ko. ""Bakit mo sya iniwaaannnnn?!!!!!!!!"" sigaw ng mama nya at napaiyak ito, kinalampag namin yung pinto pero hindi mabuksan. Rinig na rinig namin yung iyak nya at sa bawat sigaw nya parang gusto kong sakalin at iuntog ang sarili ko dahil feeling ko kasalanan ko yun at wala man lang akong magawa.

Maya maya nabuksan na yung pinto, tumakbo ako para yakapin sya ng mahigpit pero iyak sya ng iyak. Pati ako at ang parents nya naiiyak na rin ""Babe, what happened?"" tanong ko pero lalo syang naiyak, napansin namin na wala na syang undergarments. Bigla namang humagulgol ang mama nya. ""Dumating ba sya iha, anong ginawa nya sayo?????!"" iyak ng mama nya. ""Opo ma, DUMATING SYA MA, AKALA KO WALA NA SYA DITO, AKALA KO TAHIMIK NA BUHAY KO. MA, NI-RAPE NYA PO AKO"" sabi ni Shane at biglang umiyak at nanginginig ang buong katawan. ""Matagal na nyang pinagnanasaan si Shane kahit nung bata pa sya, hindi namin sya nakikita pero nakikita sya ni Shane nung bata sya. Lagi nyang dinadalhan si Shane ng bulaklak noon at sabing isasama sya nito sa kanilang tahanan pero nung lumaki si Shane natakot na sya kaya sa Manila namin pinag-aral. Siguro nagselos sya nung nalaman nyang ikakasal na si Shane"" pag eexplain ng mama ni Shane. Biglang nagdilim ang paningin ko dahil sa ginawa nya sa gf ko ""PAPATAYIN KO SYA"" sabi ko sabay tayo pero hinawakan ni Shane ang kamay ko. ""Babe, hindi sya tao, engkanto sya, demonyo"" lalong naiyak si Shane nung sinabi nya yun. Never akong nakaencounter ng ganito sa tanang buhay ko. Maya maya may pusang itim na lumabas galing sa ilalim ng kama nya. ""Andyan sya, wag kayong maingay"" sabi ng mama ni Shane. Pero pinagbabato ko yung pusa sa sobrang inis at galit ko ""T*ng*n*!!! Hindi ako takot sayo!! Anong gusto mo, magpatayan tayo? Sige magpakita ka saking put*ng*n* ka! Hindi kita aatrasan!"" sigaw ko habang naluluha at hawak pa rin ni Shane ang kamay ko.

Kinabukasan nun pabalik na dapat kaming Manila, pero nagkasakit si Shane. Sobrang taas ng lagnat nya, hindi sya makakilos, ang tamlay at ang putla nya. Panay pa ang suka nya kaya we decided na pagpahingahin muna sya. Nung tumawag kami ng doctor, wala naman syang sakit. Maya maya nagbigay yung doctor ng pregnancy test kit. ""Bakit nyo sya binigyan nyan?"" tanong ko. ""Iho, try mo lang. Iba ang nararamdaman ko sa girlfriend mo, hindi ba sya buntis?"" ""HINDI PO!"" sagot ko pero nung tinignan namin after subukan ni Shane, nagpositive sya. Well wala pang nangyayari samin kahit 8 years na kami dahil naniniwala ako sa post-marital s*x. 5 beses naming triny na itest sya pero puro positive lahat. Hinang hina sya nun. ""Babe, alam mong ikaw lang diba? I never had s*x with anyone"" sabi nya. Niyakap ko sya at bigla syang napaluha at sinabing. ""Wait, kagabi..... Nooooooooooo! Nooo waaaaaaay!! NOOOOOOOOOOO!!"" Sigaw nya at umiyak ng malakas, so nabuntis sya nung engkanto?

Ilang araw kami sa kanila nagstay dahil palala ng palala ang condition nya, where in fact wala naman syang sakit. Hanggang sa dumating tong araw na to, gumagapang na lang sya dahil sobrang hinang hina na sya. Ang laki ng pinayat nya, eh 1 week pa lang kami dun, as in parang yung balat nya nagdry. Yung boses nya paos paos na, nanginginig ang buo nyang katawan. Tinawag nya ako at sinabi nyang ""I'm dying, di na ko makahinga. I'm sorry for this, kasalanan ko to..."" Binuhat ko sya at dinala sa kotse ng papa nya, nagpasama akong dalhin sya sa hospital dahil awang awa na ako sa gf ko. Ibang iba na ang hitsura at kilos nya "" I WON'T GIVE UP ON YOU, LALABAN TAYO. YOU PROMISED ME NA KAHIT ANONG PROBLEM MAGKASAMA NATING HAHARAPIN. I WILL STAY WITH YOU NO MATTER WHAT"" Naluha sya habang nakahiga sa braso ko at pati ako napaluha non, biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Maya maya nakatulog sya sa sasakyan pero pinakinggan ko yung tibok ng puso nya........ WALA NG HEARTBEAT. Chineck ko yung pulse nya, wala na rin....... She's dead. Halos masiraan ako ng bait nun sa kotse, iyak ako ng iyak. Niyakap ko sya ng mahigpit nun, ayokong maniwala na nangyayari yun. Pilit kong iniisip na isa lang yung nightmare pero totoo pala kaya tumuloy pa rin kami sa hospital para ipaembalsamo sya. Hindi ko akalain na magiging ganun yung mangyayari.

Pagdating namin sa hospital bitbit ko pa rin ang katawan nya. Ipapaembalsamo na namin yung katawan nya pero nagulat yung lalaki at sinabing ""BAKIT NGAYON NYO LANG YAN DINALA? ANG TAGAL NA NYAN"" Nagulat ako ""What? Kamamatay nya lang po sa kotse, ilang minutes lang ang nakakalipas"" sabi ko habang namamaos pa. ""ANO? EH ISANG LINGGO NA YANG PATAY IHO, MATAGAL NA AKONG NAGTRATRABAHO DITO. HINDI GANYAN ANG BANGKAY NG TAONG KAMAMATAY PA LANG"" Sabi nung lalaki, gulat na gulat pa rin kami.

After nun naalala ko yung batang dala dala nya kaya itinanong ko ""WAIT LANG PO, YUNG BATA PO SA SINAPUPUNAN NG GF KO?"" Nagtaka naman yung lalaki. ""IHO, HINDI BUNTIS ANG GIRLFRIEND MO, WALANG BATA SA SINAPUPUNAN NYA!"" Lalo akong kinilabutan, ilang beses syang nagpregnancy test at lahat positive.

Kwinento ko sa mama nya yun at nagpatawag ng magtatawas. ""Yung demonyo ay matagal ng may pagnanasa sa girlfriend mo. Gusto nya itong maging asawa at magkaroon sila ng anak kaya hinalay nya ito"" sabi ng matanda ""Kinuha po nung demonyo yung bata sa sinapupunan ng gf ko?"" tanong ko. Bigla namang napatingin sakin ang matanda. ""Hindi lang ang bata ang kinuha nya iho, pati ang nobya mo"" kinilabutan ako nun. Pinauwi akong Manila ng parents nya dahil baka daw ako pa ang pag initan. Kahit ayokong umalis, napilitan ako, gusto ko syang ibalik kahit alam kong imposible. Gusto ko syang bawiin at napakasakit nun para sakin dahil wala akong nagawa man lang.

Until now di pa rin ako nakakamove on, ayaw na akong pabalikan ng parents ko sa lugar na yun. Pinipilit kong ibaling ang attention ko sa ibng bagay pero kahit 4 na taon na ang lumipas, hindi ko pa rin matanggap na nawala sya sakin sa isang iglap.

Pasensya na kung napahaba ang kwentuhan, thanks for those who take time reading this.

PS: Don't hesitate na ipakita ang pagmamahal nyo sa taong mahal nyo, don't be afraid to fight for them. Kung talagang mahal mo, you can conquer everything, yun ang hindi ko nagawa.....

The Man who can't be Moved

Spooktacular Real Horror StoriesWhere stories live. Discover now