Chapter 12 : Mystery

1K 51 13
                                    

GLENN

I-I can't believe this. S-She's alive.
Tumakbo sila Dex at Ivan sa kanya at yumakap. Ginantihan din niya yun at kapwa niya hinahagod ang likod nilang dalawa dahil sa pag-iyak. Nakangiti siya habang ginagawa yun.
Nag-uumpisa ng magtubig ang mga mata ko at alam kong ganun din ang dalawang nasa tabi ko.

" sensei." Lexter. Napatingin sa kanya si Sensei. Ikinumpas niya ang kamay na parang tinatawag kami kaya hindi na kami nagdalawang isip pa at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang lumuluha. Ganun din ang ginawa ng iba.

" What took you so long? Miss na miss ka na namin sensei. Namiss ko ang pagtuturo mo, ang boses mo, ang galaw mo, ang paa, tuhod, balikat' ulo. Namiss talaga kita sobra." Dex

" Yeah ! Angtagal mong nawala sensei. Alam mo bang wala ng nang-ookray sa akin? Wala ng nambabara, walang nambabatok, walang gumagamot sa sugat namin. WALAAAA ! Lahat kasi sila mas gusto akong halikan, huhuhuhu ! I really missed you my sensei, my love." Ivan

-_________-

Mga walang hiya ! This is suppose to be a hearttouching scene but these two... These two idiots ruined the moment. Tsk !
Napailing na lang kami pati si Sensei ay parang hindi makapaniwala sa pinagsasabi nila pero dun pala ako nagkamali.

" WAHHH ! Namiss ko kayo, namiss ko ang luto mo Dex. Angtagal kong nagtiis sa luto ng iba. Namiss din kitang manyak ka. Buti nga sayo at walang gumagamot sa sugat mo. Angmanyak mo kasing sumigaw ng ARAY. Huhuhuhuhuhu" saka niya niyakap ang dalawa.

" Hello, nandito pa kami." Misaki, napatingin sa kanya si Sensei kaya lumapit siya saming tatlo at lumundag dahilan upang matumba kaming apat sa sahig. Niyakap niya kami ng mahigpit

" Huhuhu oo na, wag na kayong magselos. Kayo pa rin ang tatlong bato ng buhay ko ! Hug ko na lang kayo. Hmmmmm!" Niyakap niya kami na halos masakal na. Hindi pa rin nagbago. Isip bata !

" ahem... What's goin on?" Cassy

Ewan ko ba pero biglang naging seryoso ang mukha ni sensei bago napalitan ng nakangiting mukha at tumayo upang harapin si Cassy. Alam kong nakita rin yun ng dalawa kaya nagkatinginan kami.

" Hi ! Nice yo meet you, I'm NICA YASHIRO." Binigyang diin talaga niya ang pagbanggit sa pangalan niya. Para saan?


" I'm---"

" Cassandra Monica. Yeah I know" putol ni Sensei sa sinasabi ni Cassy. Nagkatinginan kaming lima dahil parang sila lang ang nagkakaintindihan. Pati sila Yvonne, Kim at Bel ay nakatingin lang din sa dalawang babaeng nagkakatitigan.

Ngumiti bigla si Cassy at inilahad ang kamay para makipagshake hands kay Sensei.

" Nice to meet you too."


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Narito kami nila Dex sa sala ng isa sa mga bahay ng grupo. Si Cassy at Cedrick ay kapwa nagpapahinga na. Si sensei ay nasa labas upang ihatid sila Yvonne.

" There's something weird." Misaki

" Yeah, parang may mali." Lexter

" Kanino? Kay sensei o kay Cassy?" Tanong ko sa kanila dahilan upang matahimik kami ulit. Alam kong may mali, may hindi kami nalalaman dito. This is like a mystery. A mystery that we need to solve. Kailangan naming mag-imbestiga at kausapin si Nico sa nangyayari.

Naputol ang pag-iisip namin ng dumating si Sensei. Umupo siya sa sofa na kaharap sa amin.

" I know you have lots of question. You can ask me now." Sabi niya

" Anong nangyari pagkatapos ng labanan between the two mafia?" Lexter. Napabuntong hininga siya bago sumagot

" Malala ang nangyari sa akin pagkatapos kong makipaglaban kay Dennix. I passed out at ganun din kayo dahil sa gamot na itinurok sa inyo ni tita Juvs. Kailangan niyang gawin yun upang mapakalma ang bawat isa sa inyo. Hindi biro ang mga nasaksihan niyo. I was hospitalized and comatosed for about three years." Sensei

" Kung ganun hindi nga ikaw ang inilibing noon? How about George? I saw him last time." Ivan

Napapout si Sensei dahil sa tanong niya. Bakit naman kaya?

" Psh ! Angkulit kasi ni George, sinabing mag-ingat para hindi siya makita pero dahil likas na malaki at matigas ang ulo ng batang yun, nakita tuloy siya. Alam kong hindi lang ikaw ang nakakita sa kanya Ivan." Sensei

" Yeah, I think Cassy saw him too. So, George is alive?" Tumango tango si Sensei dahil dun.

" ... Hindi kami ang inilibing nung araw na nagdadalamhati kayo. Pero heppp--!" Pigil niya sa reaksyon namin

" alam kong iisipin niyong nagmukha kayong tanga at parang niloko namin kayo. I'm sorry for that my dear students but WE really need to do it. Tsaka ko na ipapaliwanag ang dahilan dahil alam kong may nagmamatyag sa akin. It's a secret for now but I promise to tell it to you if the right time comes." Napabuntong hininga kami at tumango.

" Naiintindihan namin. Ang mahalaga ngayon ay ang malaman naming buhay ka." Sabi ko kaya ngumiti siya sa amin.

" Thank you." Sensei

" Pero kung buhay ka pala, bakit ibinigay ni Nico sa amin ang misyon na 'to? He even told us that Cassy have your heart." Tanong ko na sinang-ayunan nila Lexter

" Matalino ang kakambal ko at gagawa at gagawa siya ng paraan para mapalabas ako. Itinago rin sa kanya ni tanda na buhay talaga ako at mukhang naghihinala na siya. Alam niya ang consequence ng ginagawa niya. He take the risk. Ang tunay na pakay niya rito ay mapalabas ako at sa tingin ko'y nagtagumpay siya. Angtigas din kasi ng ulo niya." Napapailing na sagot ni Sensei

" anong ibig mong sabihing He take the risk? At ibig sabihin lang ba na hindi talaga ang pagbabantay at pagtukoy sa gustong pumatay kay Cassy ang misyon?" Tanong ni Lexter

" Nope. You still need to do that. Lahat ay konektado. Lahat ay may kalakip na peligro. Alam yun ni Nico at ginamit niya yun para mapalabas ako and the same time malaman ang plano ng kalaban. It's like hitting two bird with one stone. Hindi lang ang Dark Wings Org ang kalaban ng White Fangs."

" ibig sabihin konektado si Cassy Noona sa kalabang sinasabi mo sensei?" Dex

" Exactly !" Nakangiting sambit ni Sensei

" Oh well, kailangan ko ng umalis. Mag-iingat kayo." Sabi niya at tumayo na upang umalis

" sandali !" Pigil ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit

" babalik ka pa naman di'ba?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa ulo.

" angtakad mo, halos di ko tuloy maabot ang ulo mo. Angdami niyong pinagbago." Sabi niya tumingin sa aming lahat pagkatapos ko siya pakawalan sa yakap.

" I shall return."

^kruu^kruuu

" HOY ! Tawa kayo baka kung san pa lumabas yan !" Sigaw ni sensei




" pfft ... HAHAHAHAHAHAHA !"

" BADUY !"

Legionnaires (BT-Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon